Embarassed

Dinugo si Ayumi habang nanunuod kami ng Queer As Folk.

Nangyari ito kinagabihan after ng previous post. Sinabi sa akin ni Amboi na pwedeng mangyari ito sa mga ectopically pregnant.

"Ser, upuan mo 'tong dugo sa sofa para kunyari dinaratnan ka na!"

Alam kong masakit ang nararamdaman ni Ayumi pero nagagawa pa rin niyang magpatawa. Natulala ako dahil medyo may takot ako sa dugo.

"Ser! Ako pa ba ang tatawag ng ambulansya?"

Medyo natauhan ako.

It didn't take long hanggang makarating kami sa ospital. Naiinis na ako dahil ayaw pa niyang ipatanggal ang bata dahil baka may chance pa daw na gumapang ang namumuong fetus papunta sa dapat nyang kalagyan. Of course, alam niyang kailangan na talaga. Medyo in denial lang siya. Masakit para sa akin pero mas masakit para sa kanya.

8am sa private room kinabukasan nang may pumasok na makalaglag-boxer na guy. Natulala ako kasi shet, bibihira akong makakita ng ganito kagwapong guy. If I'm not mistaken, Piolo minus the nunal ang hulog-ng-langit na guy na ito. Nag-blush ako.

"Kumusta na po siya, Ser?"

"Ser?" Pagtataka ko.

"Ako po si Marvin."

"I love you too!" sabi ko sa isip ko.

"Ahmmm, ako po ang..."

"Lalaking dugyot!" sabat ni Ayumi na nanghihina pa.

"Palabasin mo siya!" utos sa 'kin ng yaya ko.

Nahihiyang tumingin si Marvin sa akin at payukong lumabas ng kuwarto.

"Putcha 'Yumi! Ang haba ng buhok mo! May kapatid ba siya?"

"Bakit, gusto mo ring ma-ectopic pregnancy?"

"'Yumi 'di naman niya sinasadya ang nangyari sa 'yo a!"

"Anung hindi? Tanga ka ba? Kaya nangyari sa akin ito dahil nakaturo pakaliwa ang kanyang pag-aari! Kaya 'yun! Sa kaliwa nabuo ang bata!"

Nawindang ako dahil sobrang lakas ng bunganga niya. Baka marinig ng mga nasa labas at ng mga nasa adjacent rooms. Naks English!

"O, pinipicture mo sa isip mo yung sinabi ko no?"

Oo, tama si Ayumi but I have to deny.

"Hindi a! Iniisip ko lang nakailangan nyong mag-usap dahil walang mangyayari kung puro galit at sigaw na lang ang ipinapakita mo!"

Seryoso ako pero nangningiti pa rin dahil di maalis sa isip ko 'yung sinabi niyang nakabaluktot na something.

"Ang pilyo ng ngiti mo ser! Tarantado ka! Pinagpapantasyahan mo ang sa akin! Gusto mo mabugbog for fun?"

"Oi bakit ikaw, di mo ba pinagpapantasyahan ang Amboi ko? Di ba cute na cute ka sa kanya?" sumbat ko.

"Excuse me! Im not ChiChi and MacMac!" pasosyal nyang sagot.

"Meaning?"

"Or si Mama mo."

"What? Gusto mo pag-usapan ang mga nanay? Sige ano nga ulit trabaho ng nanay mo nuon sa Japan bago ka pinanganak?"

Alam ko medyo below the belt yun pero asaran lang kami talaga at hindi siya papatalo.

"Asaran pala ng Nanay, sige shoot ako."

Alam kong sobrang dami ng alam niya sa pamilya ko at wala akong kalaban-laban sa mga sikretong ibubunyag niya.

"Di na. Yoko na makipagtalo." sabi ko na lang.

"Haha, sasabihin ko sanang kamuntik kang pina-abort ng Mama mo nuon pero sige, wag na. Peace tayo!"

Of course hindi na totoo yun. Pero napapisip pa rin ako hanggang ngayon.

Napalamig ko ang ulo niya at napapayag ko na mag-usap sila ni Marvin.

Umabot din sila ng isang oras at nang mejo natahimik na sa luob e dahan-dahan na akong pumasok. Di ko napansin na naghahalikan sila kaya mejo nagulantang ang dalawa.

"Ser, pinag-uusapan lang po namin ang... ang.. panahon sa labas." Di marunong magsinungaling si Marvin.

"Hindi. Pinag-uusapan namin ang gastos dito sa ospital." Sabat ni Ayumi tapos tumingin siya kay Marvin at sinabing "Mas kapani-paniwala yun!"

Inignore ko na lang 'yun.

"So ano na napagdesisyunan nyo? Ok na ba kayo?"

"Slight." pagpapacute ng katulong.

"Ipapalibing na po namin yung bata." Si Marvin na sa tingin ko e nagpapacute din.

"Binigyan nyo na ba ng pangalan? Di ba yun ang pamahiin?" kako.

"Matagal na po naming nabigyan ng pangalan. Bago pa namin nalaman na ectopic siya."

"Ako nakaisip Ser. Ipinangalan ko sa isang special someone." sabat ni Ayumi.

"Kapamilya star yan! O kaya character sa pocketbook na binabasa mo. Korny!" pang-aasar ko.

Ngumiti lang sila.

"Or bida sa teleserye or fantaserye yan! Haha!" pagpapatuloy ko.

"Ser Kokoi, Marcus po ang pangalan nya."

Napahiya ako.

'Yun ang tunay kong pangalan.

Time For Soap

"Dugyot! Ikaw na ang pinakadugyot na taong nakilala ko!"

Si Ayumi may kaaway sa phone.

"Oo na! Dugyot Ako! Dugyot ka, Dugyot tayong lahat! Hindi ako makapaniwalang nagpakadugyot ako sa kadugyutan mo! Ang dugyut-dugyot mo!"

Imagine, it's 6 a.m.! Pero I know na may prublema siya kaya gusto kong nanduon ako for Ayumi once na tumulo ang luha niya. Gusto ko siyang icomfort kahit kahit di pa siya ready na sabihin na buntis siya.

"Tanga! Gago! Dugyot! Tarantado! Dugyot! Walanghiya!"

At bago pa niya sabihin ang pangatlong 'Dugyot' sa sentence na iyon ay lumabas na ako ng kuwarto.

"So how do you like your eggs Madam K?"

I was wearing a pink pyjama top at that time kaya niya ko natawag na Madam. But don't worry, I was also wearing a dark black na shorts para hindi masyadong effeminate.

"Sinong kaaway mo?"

"What? Oh that? Ha. Ha. Ha. Narinig mo 'yon?" 'Yung haha niya ay walang kasigla-sigla.

"Hindi. Normal lang naman akong magising ng alas-sais. You know, besides the usual 8am kung saan araw-araw na nakaset yung alarm clock ko."

"Ah! Yung Spongebob na alarm clock mo! Ang cute non!"

"That's not the topic!"

"Ah! Ha ha! You are so funny! Ha ha!" wala pa ring sigla ang tawa niya. "I was just rehearsing for a play!" Kumunut noo ko. "So ano ser, ipagluluto kita ng adobo?"

"Akala ko ba itlog?"

"Ano ka ba naman Sir Kokoi, morning breath at paa mo ay amoy itlog na tapos 'yun pa gusto mo agahan?"

I promise, hindi ako amoy itlog. It's something else. Hehe.

"Magpatugtog ka kaya ng..."

"Wonder Girls?" sabat niya.

"No. Laos na yon."

"2NE1?"

"Hinde!"

"Okay, tao ba ito? bagay? lugar na matatagpuan sa Pilipinas?"

"Gaga!"

"Lady Gaga?"

"Hindi. Teka iniisip ko!"

"Beyonce? Rihanna?"

"No! No! No!"

"Para sa'n 'yung pangatlong No?"

"Sa susunod na guess mo!"

"Uhmmmm. VST and Company? Nyahahah." Tumaas lang kilay ko.

"I know na Sir. I so, so, so got it!"

"Ano?"

"Soundtrack... ng Lord... of The Rings!"

Tama ang hula niya.

"Pakihanap na lang Ser at magluluto ako ng agahan."

Ako ang nag-utos pero ibinalik sa akin. Galing ng yaya ko 'no?

"So, galit ka pa rin ba dahil nasira ni Ondoy ang ibang gamit mo lalung-lalo na ang bayo laptop mo?" Napaisip ako konti.

"Vaio." kako na lang dahil iimbiyernahin na naman ako nito kapag nilecturan ko to sa pronunciation.

"Yun nga, tapos ang iba pang mga damit mo at ang pinakamahalaga sa lahat ang mga M2M magazines mo!"

Biglang dating nila Mama at Tito Arie, Bago n'yang BF.

"Ano'ng mga mgazines?" sabat ni Mama.

"Wala yon." sagot ko habang hinahanap 'yung CD.

"Kowt, educational magazines, kowt." sabi ni Ayumi. Yun ang quote, unquote niya.

"Aaaah. Magazines ng mga hubad na lalaki. What about them?" si Mama.

"Nasira po ni Ondoy, Ma'am."

"Anak, isipin mo nga nangyari sa Maynila! Sa mga nasalanta ni Ondoy! Magasin lang yun anak! Yung iba nga e nawalang ng tirahan at kapamilya!"

Okay, that made me less frustrated.

"Yaan mo anak, papahiram ko sa'yo mga magazines ko!"

"Wait, that is sweet but so so so gross at the same time. Wag na." sagot ko with disgust.

"So anyway," sabi ni Ayumi "napasok na rin si Ondoy sa usapan, suggestment ko lang Sir Kokoi, ba't di mo idonate ang kahit isang buwan na sahod mo sa mga nasalanta para at least pasilipin ka man lang ni San Pedro sa gates ng langit pag pumanaw ka na?"

"That's a great idea!" kako "But I have a better one, what if i-donate ko ang isang buwan na sahod mo... ang mga damit mo... and then, para makapasok ka sa gates ng langit, e ipadala na rin kita kasi kailangan nila ng manpower duon! What you think? Ha?"

Natahimik siya saglit. Siyempre nag-isip ng counter-attack.

"Lalagyan ko ng maraming vetsin itong itlog na kakainin mo para bumula ang bibig mo. Bwahahaha!!! Aray!"

Binato ko siya ng remote.

"Teka, nasabi ko ba yun ng malakas?" palusot niya.

"Akala ko ba mag-aadobo ka?"

"Ayoko ng adobo! Ang dugyot dugyot nyang tingnan! Dugyot ka!"

Nagkatinginan kami ni mama. Alam naming may problema siya.

Tahimik kami hanggang sa makapaghain siya.

"Ayumi," malumanay kong pagsabi "Alam ko na ang lahat. Buntis ka at ayaw panagutan ng nakabuntis sa'yo tapos naghahanap ka ng paraan para sabihin sa akin na kailangan mo na umalis."

"Okay sir. Sasabihin ko na." Pagbubuntong-hininga niya.

"Alam ko na nga e. Anu ka ba. Kakasabi ko lang! Are you listen?" Pagpapatawa ko.

Tumingin siya sa bintana sa may kaliwa niya.

Tumingin din kaming lahat dahil akala namin ay may dumaan.

'Yun pala gusto niyang magsalita na hindi tumitingin sa mga mata namin.

"Ectopic pregnancy. Kailangan daw ng tubal abortion."

Nangingilid na ang luha niya.

I Got It

"You are one step closer towards the Gold Digger Hall of Fame, Sir Kokoi!"

Hindi na kasi sasama si Ayumi sa concert ni Lady GaGa. At kaya niya sinabi 'yun ay dahil si Amboi ang gumastos para sa ticket namin.

"So anim na libo lang ang presyo ng puri mo , Ser?"

Gusto ko mang hambalusin ng traveling bag si Ayumi e pinipigilan ko pa rin ang sarili ko dahil baka makunan siya. And hanggang ngayon e hindi pa rin niya sinasabi na buntis na siya.

"Matanong nga kita 'Yumi, ano'ng nangyayari sa'yo at hindi kita maintindihan these past few weeks. Meron ba akong dapat malaman?"

"I don't know what you mean Mr. De Ayala." sabay ngisi.

"I'm a Psychology student and i know when someone is lying."

Humingi siya ng malalim.

"Okay, ipramis mo na never ka magagalit."

Since alam ko naman na na buntis siya, I said yes.

"Naalala mo nung last time na lumabas ako kasama yung mga friends ko?"

"Oh yeah, conference slash gathering day."

"Ha?" kunot-noo siya.

"Day Off ng mga Maids! Nyahaha." eto lang naisip kong pambawi sa kanya that time.

"Whatever, e di ba ang saya-saya namin that time?"

"Get to the point!"

"Blinutooth ko sa kanla yung dance video mo ng Nobody na nakabrief ka at yung classic na Single Ladies mo."

Hindi ko alam ang gagawin ko that time at kung ano ang sasabihin ko. Magagalit ba ako ng sobra dahil nakita nilang mali-mali pa yung steps ko ng nobody or dahil laos na yung Single Ladies e pinakita pa niya.

"Blinutooth mo?"

"Jowk lang ser, ikinuwento ko lang kasi ipinakita sa akin yun ni Ser Amboi."

"Ah okay."

"At ni ChiChi."

"Okay." bestfriend ko naman kasi si Chi.

"MacMac, Tikoi, Rochester, Tita Garland, Kuya Jack mo, Mama mo, bagong boyfriend ng mama mo, at higit sa lahat..."

"No."

"Yup! Ang youtube..."

"Joke! Di ako marunung e-mail ng video sa youtube."

"You mean upload."

"Whatever techno-geek!" Di ko lam kung san niya nakuha yung word na 'yun.

"Onga pala darating yung order mo sa McDo mamaya. At mukhang di maganda."

"Ha?"

"Pupunta sila ChiChi at MacMac at may sasabihin sa'yo Ser. Ang slow mo!"

"McDo? Order?"

"Mac and Chi. Duh?"

"Okay nakuha ko."

"It's a play on the phrase Mac and Cheese. Boba!" Yes tinawag niya akong boba.

"I said i got it!"

Para sa mga bagong mambabasa, ganito talaga kami ni Ayumi. Parang siya ang amo at ako ang inaaping katulong na tatanga-tanga. It's okay kasi pantanggal ko siya ng mga ka-istressan sa buhay ko.

"So ano ang masamang balita?"

"'Lam mo nakakatawa yung joke nung maisip ko dahil at the same time nagamitan ko ng intelligence at cleverness. But the fact na hindi mo kaagad nakuha, e, dobolyu eytchee dobolyu. WHEW!"

"Ok fine! Di ko kaagad nakuha. Big deal! So ano ang masamang balita?"

"I mean ikaw na self-proclaimed genius, ikaw na valedictorian nung elementary, na university scholar nung college, na uber galing sa Text Twist, na suki ng Wikipedia at GayTube.. I mean YouTube, e hindi nakuha yung joke ng isang kawawang high school graduate na mahirap at inaaping magandang katulong?"

Okay nahuli niya ako one time na nanunuod sa gaytube pero nanunuod lang talaga ako at walang ibang ginagawa. (insert smiley here.)

Siyempre taas lang ang kilay ko.

"So ano ang masamang balita?"

"E di pag sinabi ko sayo e di ano pa ang purpose ng pagpunta nila dito mamaya? Boba ka talaga! Hehe. Joke. Nakakadalawa na ako. I know. Peace!"

"Okay fine I'll wait for them."

"Sasabihin nila sa'yo na kasama niyong manonood ang kuya Jack mo at ang bago niyang boyfriend." Yes, parehas kami ni Kuya Jack.

"Okay, walang problema dun."

"Yes, and by the way, did i mention na ang bago niyang boyfriend ay si Tikoi?"

"WHAT?"

"Si Tikoi na minsan mong inibig?"

"Nakuha ko!"

"Si Tikoi na kailan mo lang nakasex, na insecure ka kasi mas "malaki" siya kesa sa'yo?"

"I SAID I GOT IT!!!"

"Si Tikoi na..."

Ginilitan ko na siya ng leeg.

A Short One

"Sige na please Sir Kokoi! Isama mo na ako sa concert ni Lady GaGa." Lumuluhang pagmamakaawa ni Ayumi.

"Pwede ka namang sumama a! Bakit ka nagkakaganyan?"

Alam kong dala ito ng pagdadalantao pagdadalangtao pagbubuntis ni Ayumi. Hindi pa rin niya iyon sinasabi sa akin at hindi niya alam na alam ko na.

"Kasi ang akala ko e nagbibiro ka lang na pupunta kayo kaya ang sabi ko e hindi ako sasama." May kasama pang hikbi at punas ng tumutulong luha at sipon... itutuloy...


My Dear Readers and Followers,

I really apologize sa super delayed na posts, sa late na pagrespond sa bilyun-bilyong mails, comments, etc... Just catching up with work, school, business, psychotherapy, time with important people, love life, sex life, life, friends, the world, ang showbiz, and everything i missed since The Accident. Antagal na nun, di ko inakala na aabot ng kalahating taon ang epekto nun.

Guys, itutuloy ko ang kuwento as soon as possible. I really want to keep blogging. Konting-konti na lang. I will answer all your questions and respond to all your comments! Hahabol ako sa mga blogs niyo, pramis!

Oo nga pala hindi totoo na sumusulat ako ng color green na book titled "Blog ni Kokoi" under (tama ba?) PSICOM Publishing Inc. Pero pag may lumitaw sa mga National Bookstores e utang na loob, bumili kayo.

I love you all!

Sumasainyo,
Kokoi

Bad Hair Day

"I am closing my blog. Matagal ko na itong pinag-iisipan. Isasara ko na."

It was a bad day for me. Pitong tao ang halos magkakasunod na nagsabi sa akin na nakakalbo na ako. Una si Ayumi na pumuna at naglecture pa tungkol sa Male Pattern Baldness. Sobrang insulto 'yun lalo na't maraming tao ang nakakarinig sa amin sa simbahan.

Mama: 28 ka pa lang pero ang nipis na ng buhok mo at antaas ng hairline mo! Parehas namang makakapal ang buhok at hindi kalbuhin ang mother's at father's side ko.
Kokoi: Ma, first of all hindi pa ako 28. Let's be clear on that, okay? And number 2, side mo at side ni papa ang pagkukunan ko nito. Hindi both sides mo!
Ayumi: Onga naman ma'am. Tama si Kokoi.
Kokoi: Tama ako? Yun lang? Walang insulto?
Ayumi: Nasa simbahan tayo ok? Later na lang.

Nabadtrip ako ng konti kasi wala naman akong magagawa sa buhok ko. I mean, it's really mean for them na asarin pa ako e wala nga akong magagawa.

Ayumi: Ser, kaya ba mahigit isang dosena ang mga caps mo sa bahay para matakpan yan?
Mama: Tapos, vertically challenged ka pa kaya lahat ng tao e makikita ang anit mo.
Kokoi: Vertically challenged?
Ayumi: In other words,
Kokoi: I know what it means!
Ayumi: bansot.

After ng mass naghiwa-hiwalay na kami. May imimeet daw na friend si Mama at si Ayumi e pupuntahan daw yung friend niya sa ospital.

So I met up with ChiChi and MacMac. Nag-ukay kami. Yun usually ang bonding namin after ng mass.

Bumili ako ng caps. Dalawa. Medyo nagsink-in yun mga sinabi nila. Si ChiChi, boots and shoes. Si MacMac naman antagal pumili ng tops. Siyempre bottom siya. Hehe.

MacMac: Okay, girls honestly, does this shirt make me look fat?
ChiChi: No! Of course not!
Kokoi: Well you only look fat because... you're fat.

Humalakhak si ChiChi with matching halak. Pero deadma lang sa kanya.

MacMac: Well at least i'm not nakakalbo!

Si ChiChi, konting tawa lang. Either nakahalata siyang napipikon ako or baka lumabas ang plema niya.

MacMac: Tapos mali pa grammar mo!

Inisip ko kung ano ang mali sa sinabi.

MacMac: Remember subject plus adjective agreement?
Kokoi: Ha?
ChiChi: Huh?
MacMac: Yes, subject + adjective agreement! Kapag ako ang subject dapat laging plus or positive ang adjective!

Well alam namin ni ChiChi na bagong joke na naman yun na nakuha niya sa colleagues niyang English teachers. At dahil nag-effort na rin siyang mag-explain e nag-fake laugh na lang kami.

After shopping e kumain kami sa McDonald's. Hindi kami makapagkwentuhan ng maayos dahil panay ang text ni ChiChi. Pupunahin na sana namin siya pero naunahan niya kami sa sasabihin niya.

ChiChi: Katext ko si Ayumi.

MacMac: Ano sinabi niya? Sabihin mo lahat kung ano sinabi niya. (sabay hablot sa kuwelyo ni ChiChi) Sabihin mo!

Yes i know, masyadong dramatic ang reaction ni Mac. Sanay na kami. Frustrated theater actor kasi.

Kokoi: Go ahead tell us everything, and DO NOT skip a detail!

ChiChi: Ok first text niya kanina e tinanong niya kung nahalata ko daw na nakakalbo ka na.

Kokoi: Okay, skip that detail.

ChiChi: Her boyfriend got her pregnant.

Kokoi: What?

ChiChi: Iniisip siguro niya kung paano niya sasabihin sa'yo.

Kokoi: Well, thanks to you nasabi mo na. Wala na siyang puprublemahin.

ChiChi: No, it's not that.

Kokoi: What then? That i'm the father?

MacMac: Gago! E nagshishrink nga yan kung nakakakita ng boobs e makabuntis pa kaya?

ChiChi: Seriously guys.

Kokoi: Ok go ahead. Ano yun?

ChiChi: I think iniisip niya kung paano niya sasabihin kung...

Kokoi: Sino ang tatay? Oh God! Yung hardinero ng landlord ko ang nakabuntis sa kanya?

MacMac: Si Rochester with the yummy muscles?

Kokoi: And very beautiful eyes?

MacMac: And huge bushy peni...

Kokoi: Whoow. That's below the belt!

MacMac: Not if nakatayo.

ChiChi: Malalanding bakla, please?

Natahimik kami.

ChiChi: Iniisip ni Ayumi kung paano niya sasabihin na aalis na siya wait (sabay tingin kay Mac) abot hanggang pusod? Shet naiihi na ako, tell me more!

Awkward

"Gusto kitang ipakilala sa buong pamilya ko bilang partner ko!"

"What?"

"This is what we both wanted right?"

"Yes! Wan-TED. Past tense."

"Alam mo hindi ko alam kung nagbibiro ka or nagpapakipot!"

"Pareho!"

"Huwag ka munang sumabat, Ayumi." sabi ko.

Hindi naman sa nagpapacute ako kay Amboi pero gusto ko lang isipin niya kung gaano kasakit yung ginawa niya. Tapos 'yung pinagdaanan ko rin ng ilang buwan. Ilang araw na rin kaming magkasama at ngayon lang kami nagkausap ng seryosohan.

"You actually thought na iiwan na lang kita ng walang dahilan? Remember about 2 years ago nung sinabi ko na kapag magtetake na ako ng boards e kailangan muna nating maghiwalay pansamantala para makaconcentrate ako sa pagrereview at pagtake ng boards? At ang sabi mo e you understand, ok lang! Don't you remember? DON'T YOU REMEMBER?"

Natahimik ako at sinubukan kong alalahin ang nangyari.

Flashback 2 years ago sa apartment ko after ng jer.

Amboi: 2 years from now magtetake ako ng boards. Kelangan muna nating maghiwalay pansamantala para makaconcentrate ako sa pagrereview at pagtake ng boards.

Kokoi:
I understand, OK lang. I will remember that.

Amboi: You sure?

Kokoi: i, will, reMEMber that. Dont worry.
Then nagjer ulit kami.

End flashback.

Alam ko mapapahiya ako, hindi lang sa kanya pati kay Ayumi na I'm sure nakikinig sa kabilang kuwarto. Pero wala akong maisip na lusot. Naalala ko ang lahat at alam kong tama siya. Malapit na niyang mahalata na nag-iisip na lang ako ng palusot pero wala talaga akong maisip.

"Ser, kain na!"

Sigurado akong isusumbat na naman ito ni Ayumi at sasabihan ako ng "Saved your ass! Didn't I?"

Oo, timing talaga yung pagtawag niya sa amin pero this time, I know, sinadya na niya.

Lunch was extremely awkward. But thanks to Ayumi. Tumayo siyang entertainer naming dalawa.

Ayumi: So, Ser Amboi, kumusta boards? Mahirap ba?
Amboi: Medyo lang kasi nag-attend ako ng reviews.
Ayumi: That's good to hear! So Sir Amboi, napanuod mo na ba yung part 3 nila Hayden at Maricar?
Kokoi: (enthusiastic)Hindi pa pero nakasave na sa email ko papanuorin ko siya once we get home!


Konting Silence.

Ayumi: Anyway, Ser Am, anong field pala balak mo magspecialize?
Amboi: As of now, magjegeneral p muna ako. Di pa ako masyadong sure kung alin ang pipiliin ko.
Ayumi: Aaaah. Alam mo ba my cute na guy sa beach na nakakita na nagBubbles ang noselet ni Sir Kokoi?

Tawanan kaming tatlo lalo na after kinuwento ni Ayumi ang nangyari that time. At habang nagrerecover pa kami ni Amboi sa sobrang katatawa e
Ayumi: So, gano niyo pa kamahal ang isa't isa?

Balik sa awkwardness ang lunch.

Unexpected

"Good morning Sir Kokoi! Would you like to eat my pusit?"

Yes, she's back at may baon na mga nakakapangilabot na tirada.

Hindi pa rin tapos ang Ilocos adventure namin. Ilang buwan na rin akong purga sa seafood. Kaming dalawa na lang ngayon ang naiwan dito sa Ilocos. Bumalik na sa Baguio sila MacMac at ChiChi kaya kami na lang muna ang nag-ookrayan.

"Ser, naipon na mga maruruming dirty clothes mo. Ano na gagawin natin ngayon?"

Alam ko nagbibiro siya kaya lang seryosong-seryoso ang mukha niya.

"Ahmmm. Lalabhan mo?"

"Bakit ako? 'Di ba kailangan mo ng mga bonggang-bonggang exercises? Well this is it! Grab the opportuniy!"

Taas ng kilay si Kokoi of course.

"Kaw na muna ser. Please?"

"Fine konti lang naman."

Sa CR nakalagay ang washing machine kaya dun na ko naglaba.

Kalagitnaan ng pagsasabon ko e may tumutulong black na liquid sa ilalim ng machine. Gulat ako siyempre kaya labas ako ng CR para magtanong.

"Ateng! May lumalabas na black na liquid sa"

"Sa ano mo? Eeew! Ang gross! Patingin?"

"Tanga sa washing machine! Dugyot!"

"A okay. Pero pwede pa rin patingin?"
Taas ako ng kilay siyempre.

"Grasa yun. OA ka naman ser kung makareact! Luma na daw kasi yang makina. Sige na ituloy mo na paglalaba at magluluto ako ng adobong dilis. Hehe."

Ilang araw na lang e uuwi na kami ng Baguio. Mamimiss ko ang Ilocos.

"Ser, text ni Mama mo, hindi na daw siya makakabalik dito at inaasikaso ang businessman niya. I mean business. Hehe."

"Ingat ka sa jokes. So magcocommute tayo pauwi?"

"May susundo daw sa atin na may dalang sasakyan. Pero di niya sinabi kung sino. Malamang ang kuya Jack mo yun."

"A okay. Ano pa sabi?"

"Ipaalala ko daw meds mo. Anti-asthma, anti-psychotics, at anti-vagina."

"Nyeta ka! Oo na!"

"Hehe. Mayang gabi na daw darating sundo natin."

"Ha? May ilang araw pa tayo dito a."

"E, bakit sinabi bang uuwi na kaagad pagkarating ng sundo? Duh?"

Very tiring ang whole day na iyon dahil sa paglalaba ko at kay Ayumi na rin. Maaga kaming nagpahinga. 9 pm e patulog na ako.

After an hour or two e naalimpungatan kong may kumatok. Si Kuya Jack na 'yun. Narinig ko ang tv kaya alam kong gising pa si Ayumi. Bumalik na ako sa pagkakatulog.

Naramdaman kong may tumabi sa akin at niyakap ako mula sa likod ko. Namiss siguro ako ng walanghiyang utol ko. Super close kami ng kuya ko kaya ok lang na magkatabi kami sa kama.

Nung elementary pa kami e siya ang nagtatanggol sa akin kapag may mga boys na nang-aasar sa akin ng "Bakla!" kapag naglalaro kami ng Chinese Garter ng mga girl friends ko. Mahal na mahal ko ang Kuya Jack ko.

5 a.m. nang magising ako. Humihilik si Kuya kaya siniko ko ang dibdib niya. Yumakap uli siya sa akin tapos hinalikan niya ako sa batok then papunta sa tenga. Kinabahan ako. Dali-dali kong binuksan ang lampshade at nakita kong matamis na nakangiti sa akin si... Amboi.

SexEyeBalls

"I hate your BLOG!"

"Ha? Bakit?" kunot-noo kong tanong.

"Kulang ng details! Kulang ng Buhay! Kulang ng kulay! Ang Boring!"

"Excuse me? Bago ko isulat ang mga 'yan e inaalala kong mabuti ang bawat detalye para wala akong makaligtaan or makalimutan."

"Makaligtaan or makalimutan? Tanga! Parehas lang Yun!"

"Whatever! Paano mo nasabing boring ang blog ko, ha? Na kulang ang details? Sabihin mo!"

"Dahil wala ako!"

"Nyeta! Hayaan mo sa next entry ko ikaw ang bida!"

"Good. You have my permission na isulat ako basta meron ako. Hindi man lang ako naextra sa mga kwento mo!"

Meet MacMac, bestfriend namin ni ChiChi binisita nila ako dito sa Ilocos. Sila ang aking closest friends! Namiss daw nila ako kaya nila ako pinuntahan. Pero wala pang 1 hour pagkarating nila e nagyaya na silang mamasyal. Nakakalakad na ako at di na masyadong iika-ika.

Si ChiChi ang bestfriend ko na in her own words, "Ako'y isang baklang isinilang sa katawan ng isang babae!" Nagkamali daw si God. One hundred percent na babae ang katawan niya pero nag-eenjoy siyang makakita ng dalawang guys na naghahalikan. Weird. Pero siguro nga bakla talaga siya.

Si MacMac ang bestfriend ko na in his own words, "Ako'y isang seksing baklang isinilang sa katawan ng isang chubby na bakla." Nagkamali daw si God. Dapat isinilang daw siya sa katawan ng isang dyosa. Ewan. Siguro nga tama siya.

Pinasyal namin ang Ilocos Sur habang nanlalait ng taong nakikita. Di namin kasama si Ayumi, pinauwi ko muna siya sa kanila tutal nasa Ilocos din naman ang pamilya niya.

Naghanap kami ng Jollibee para matikman ang 2 piece burger steak nila. Walang pagkakaiba.

Tahimik kaming kumain. Sa tinagal-tagal ba naman naming magkakakilala e napag-usapan at nalait na namin ang lahat ng mga kilala namin.

Kokoi: So, ano bago sa'yo MacMac? Kamusta ang. . . life?

MacMac:
Life ka jan. Anung life tinatanung mo?

ChiChi:
Duh? May sex life ka ba? May love life ka ba? Walaaaah!

Pasimple akong tumawa.

MacMac: At anung tinatawa mo jan? Alam mo bang magkasama ang Amboi at Tikoi mo? Malamang nagsesex sila ngayon at baka sila na!

Kinabahan ako sa sinabi niya. Nanghina ako.

MacMac: Gagu! Naniwala ka naman!

Humalakhak silang dalawa.

ChiChi: Lam mo ba Koi, 3 times nakipag-EB yan the day before yesterday.

Kokoi:
Wow! Mabenta ang litson! Yayaman si Aling Lydia. Kwento naman!

MacMac:
Naku wag na! Pag-usapan na lang natin yung sex video namin ni Hayden.

Kokoi:
Taray!

ChiChi:
Sa chat niya nakilala yung mga yun. Biruin mo ba naman nagschedule ng sex eyeball ng 7pm sa isang guy. 8pm 'yung next.

Kokoi:
And then 9?

ChiChi:
9:30! All in the same night!

Kokoi:
Naku, e di kalyo kalyo na yan?

ChiChi:
Wish niya lang! Umutang ba naman sa akin ng 600 baka magkulang daw kasi ng pangcheck-in!

Kokoi:
Oi Mac, kung wala kang pera wag kang makipagsex!

MacMac:
Pinahiraman naman niya ako no?

ChiChi:
Shut up. Anyway ganito nangyari.


6pm the day before yesterday.

MacMac: (text) Dito na ako harap McDo session, green stripes ang shirt.
Guy # 1: (text) Okay, malapit na ako jan McDo.

pagkarating ni Guy # 1

MacMac: Hi! I'm Mac.
Guy # 1: (tumitig) Marunung ka ba sa PhotoShop?
MacMac: (with a big smile) Oo! Pano mo nalam...(napaisip)
Guy # 1: Nice to meet you! Onga pala, may pupuntahan lang ako with my sister. Birthday niya kasi nag-aantay na siya. Really nice to meet you!
MacMac: Okay.

8pm

Guy # 2:
Hi! Mukhang malungkot ka.
MacMac: Di naman.
Guy # 2: Sige, san tayo mag.. alam mo na.
MacMac: Commuter's Lodge na lang.
Guy # 2: No problem game ako!

8:15 after ng sex

Guy # 2: Ang sarap mo MacMac. We should do this again.
MacMac: Thanks. Ang galing mo nga e!
Guy # 2: Kuha lang ako inumin para makaround 2 tayo.
MacMac: Sige eto, bili ka na rin ng foods. Bilisan mo ha?
Guy # 2: Sure! (sabay halik)


ChiChi: 500 ang inabot niya!
Kokoi: 500? I think i know what happened na!
ChiChi: Tama!
Kokoi: Nakalimutan niyang bumili ng dessert?
ChiChi: Boba! Hindi na bumalik! Nag-antay si MacMac til 9:20.

9:30 pm.

MacMac: Dito na lang harap ng Commuter's Lodge tayo kita. Nakacheck-in kasi ako.
Guy # 3: Sure no prob.
MacMac: Nakagreen ako.
Guy # 3: Ok.

ChiChi: Lam mo ba pagdating ni # 3 instant click kaagad sila?

Kokoi:
As in sex kaagad?

ChiChi:
Hindi! Naging friends sila.

Kokoi:
Ngak! How come.

ChiChi:
Ano Mac, ako na magsasabi?

MacMac:
Sige na! Letch!

ChiChi:
Ganito physical description ni #3 Koi, 5 foot 7, moreno, chubby, mahilig magfitted, may kulay ang buhok, mahinhin... need i say more?

Kokoi:
Oh...Em... Gee... Nahanap mo ang kakambal mo ateng!

MacMac:
Talk about having a bad night! I mean anong gagawin naming dalawa? Tutuwad lang kaming pareho all night hanggang langawin mga chenelyn namin? Nawala nga 500 ko nagkaruon naman ako ng salamin!

Kami ni ChiChi:
Ha?

MacMac:
Reflection! Kambal! Mga boba!

Kokoi:
Got it!

MacMac:
Basta huwag niyo na ikukuwento sa iba ha? I trust and love you guys!

ChiChi:
We feel the same way! (sabay sipa sa akin sa ilalim ng table)

Kokoi:
Yes we love you bestfriend! (medyo nangingiti kong sabi)

ChiChi:
And I know hindi ka isusulat ni Kokoi sa blog niya (sipa ulit)

MacMac:
Aray!

One Time In Ilocos

"Kapag ang tao nadapa, huwag mong tapakan! Tulungan mo!"

"At sinong eng naman ang nagsabi niyan?" sabat ni Ayumi

Kakatapos ko lang maligo. Basa pa ang tsinelas na gamit ko kaya ako nadulas pagkalabas ng CR. Yes, medyo nakakalakad na ako. Di ko na rin masyadong ginagamit yung saklay ko.

"Huwag na huwag mo ngang matawag na eng si Miss Ai-ai!"

"Talagang may Miss?" sabat ni Mama.

"E ser, wala naman kasing umaapak sa nadarapa e. Either tinutulungang makabangon yun or tinatawanan lang yan."

"Huwag ka nga! Ang sama mong tao! Matakot ka nga sa five-letter word!"

"B-A-K-L-A?"

"KARMA! Buang ka talaga!"

"Sorry na!" seryosong sabi niya habang naglalagay ng Pond's sa mukha.

"Wow, ang letch naman ng fez mu!"

"Thank you, ser! I know, right?"

Pumunta ako sa kuwarto para magbihis. Tapos na ang therapy ko kaya ineenjoy na lang namin ang mga huling araw namin sa Ilocos. Rarampage kami nila Mama, Tito Frank, at Ayumi sa dalampasigan.

Tok tok tok!

"Teka lang muna Ayumi huwag ka munang pumasok?"

"Bakit ser? Umutot ka ba?"

"Nagbibihis ako!"

Masyadong pasakit ang pagbihis ng pants lalo na nung naka-cast pa ang kaliwang paa ko kaya matagal ako sa kuwarto. Share kasi kami ni Ayumi sa room at pag ako ang nagbihis e matagal talaga. At kung pwede lang sana mag-skirt e ginamit ko na yung mga bonggang skirt ni Mama. Kaso magmumukha daw akong either bagong tuli or drag queen.

"Or bagong tuling drag queen!" dagdag ni Ayumi.

"Mega Laswa!" sabat ni Mama na pilit nagge-gay lingo.

Kumuha kami ng maliit na shed para mapagsilungan. Nakatunganga ako sa dagat. Si Ayumi nagpeprepare ng pagkain at sila mama e naglalakad-lakad.

"Ser, inoobserbahan mo 'yung lalaking moreno na naka blue shorts at topless ano?"

"Ano ka ba? Nagseself-reflect ako." Then pasimple kong hinanap yung dinescribe niyang guy.

Hindi naman siya masyadong singkit. Pero sobrang cute niyang ngumiti. Very lean ang katawan.

"Mahal ko na siya, Ayumi."

Parang nawala ang lahat ng sakit sa katawan ko nang magtagpo ang mga mata namin. Nung guy, hindi si Ayumi. Hanggang tinginan lang yun. Pero nakaramdam ako ng something. Mahigit isang buwan na din akong walang jer or something like that.

"Nagpipigil ka pa ser, lapitan mo na!"

"Huwag ka nga! Faithful ako!"

"Huwaaaat? KANINO?" malakas na tanong ni Ayumi na nakataas ng bonggang-bongga ang dalawang kilay. Feeling ko nag-echo pa 'yun.

Napa-isip ako ng malalim. Meron nga bang naghihintay sa akin pagbalik ko ng Baguio? Pakiramdam ko ay committed ako pero come to think of it, I'm single!

Naalala ko ang sinabi ni Tikoi.

"The best thing about being single is pwede ka nang magpakahaliparot!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil libre ako or malulungkot dahil walang naghihintay sa akin na makayakap. At ka-jer na rin.

Tumayo ako at iika-ikang pumunta sa shed. Nakatingin sila Mama at Tito Frank at tumatawa. Nagtaka ako then lumingon ako. Ginagaya pala ako ni Ayumi ng paglakad.

"Langya ka Ayumi! Letch ka!"

Pagkatapos namin maglunch e nagswimming sila Mama at Tito Frank, kami naman ni Ayumi e nasa shed lang at nanlalait ng mga naglalakad na tao.

"Ser, sino namimiss mo sa Baguio?"

"Friends."

"And?"

"Other friends."

"Walang patutunguhan 'to. I mean someone you love?"

"I don't wanna talk about it right now."

"Ok fine."

"Pero 'lam mo nalilito ako."

"Hanggang ngayon ba naman nalilito ka pa rin? Bakla ka ser, Bakla!"

"Gagu! Kung sino unang tatawagan ko pagkauwi ko ng Baguio."

"Piolo or Sam?"

"Hindi, Amboi or Tikoi?" seryoso kong sagot.

"Duh? Feelingera ka ser. Ganito na lang, sino ba sa kanila ang nagpursiging hanapin ka? Alam naman nilang dalawa ang number at bahay ng mother mo pero sino sa kanila ang nag-atubiling magtanung or maghanap sa'yo?"

"Well, sa tingin ko si..."

"Tama, wala! Masakit 'di ba? Kaya kung ako ikaw, lalapitan ko na 'yung cute na naka-blue shorts na mukhang kanina pa tumitingin dito, and ask him out!" Then nag-ala-Daniella siya at sumigaw ng "Well, GO!"

"Letch ka naman, Yumi!"

No. Hindi ko nilapitan 'yung guy. Hindi ako nagpakahaliparot. May konti pa akong dignidad. I guess.

"Just to be sure ser, ang ibig sabihin ng "Letch" na kanina mo pa sinasabi at ikaw lang ang nakakintindi, ay short for Leche right?"

"Correct!"

Sinabay niya ang pagbatok sa akin habang umiinom ako ng Pepsi.

Lakas ng tawa ni Ayumi.

Then after ko magpunas ng mukha e napansin ko na nakatayo lang pala malapit sa amin at nakaharap yung blue shorts guy.

Shet! Nakita niyang lumobo ang ilong ko!

The Accident

"May itsura kaya 'yan kapag hindi na namamaga ang mukha?"

March 26. Naalimpungatan ako sa boses ng dalawang tsismosa.

Sinubukan kong buksan ang aking mga mata pero right eye lang ang naibukas ko ng maayos. Hindi familiar sa akin ang kwartong kinaruruonan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako.

Bigla kong naramdaman ang sakit sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan.

"Mr. de Ayala, pahinga na lang muna po kayo."

"Asan ako?"

"Benguet General Hospital po."

"Anong nangyari sa akin?"

"Sir, naaksidente ka po. Nasa ICU 'yung kasama niyo."

Bigla kong naalala na nakaangkas ako sa motorcycle ng colleague kong si Paulo Miguel. Galing kami ng work non papunta sa Zola para mag-inuman. Gang katapusan na lang kasi ako sa work. Naalala ko na nabangga kami ng isang owner.

May naramdaman akong familiar na hapdi. Tama, naka-catheter na naman ako.

Gusto kong malaman kung ano na nangyari kay Paulo Miguel pero wala pa akong lakas para magsasasalita. Natulog ulit ako.

Nagising ako sa iba na namang kuwarto. Nakita ko si mama na mamula-mula ang mata. Lumapit siya sa akin at binatukan ako sa parte ng ulo ko na hindi namamaga.

"What the hell were you doing riding a motorcycle? You could have died!"

"Bakit ka nag-i-English?"

"Oh yes nga pala. Kokoi, this is your Tito Frank."

Hanep si Mama, nakabingwit naman ng amerikano.

"We transfered you here because it's so much nearer. Benguet Gen is so very far away! "

"Ano'ng ospital 'to?"

"Mag-English ka! Your tito can't understand you!"

Tinaasan ko na lang siya ng kilay.

"Sto. Niño Hospital."

"Kelan daw ako lalabas?"

"Tarantado! Nakasemento pa nga 'yang paa mo tapos gusto mo nang lumabas? Wag ka ngang gago! Fresh pa nga 'yang mga tahi mo sa katawan!"

All the single ladies! All the single ladies!

"Ma, abot mo nga phone ko. May message ako."

"Anung phone mo? Sa akin 'to! Pinauwi ko mga gamit mo sa bahay tsaka di mo rin naman magagamit yun sementado ka at namamaga ang tenga mo. Pahinga ka na muna."

Tumingin siya kay Tito Frank at sinabing "Oh, sorry." Then tumingin sa akin, nagsmile at sinabing "You sleep now little baby monkey." Sabay pitik sa ilong ko.

Pagkaalis nila mama e binisita ako ng resident doctor para kamustahin.

"How are you feeling now Mr. De Ayala?"

"Eto doc, feeling inutil. Anu-ano po mga damage ko sa katawan?"

"Well so far wala ka namang nabaling bones. Nadislocate yung left knee mo kaya nakasemento at ung right hand mo e bugbog ang inabot. Meron kang stitches sa left leg mo, then dyan sa likod ng tenga mo. Mukhang nag-acrobat ka ata at kung saan-saan ka tumama. Pero ok lang, konti lang stitches mo. Meron kang. . . . Uy! Meron ka lang namang four..."

Nilipat ang pahina.

"ty-two stitches. Sorry mali spelling nila. 42 stitches which i believe is healing fast. Medyo matatagalan ka pa dito then kelangan mo ng therapy after mong mairelease."

So I stayed there for like 10 years. Medyo laki din ng bill pero ok lang, andyan naman ang PhilHealth. And about Paulo Miguel, bali ang buto niya sa left leg pero ok lang daw kasi marerepair naman daw. Cyborg siya ngayon dahil sa bakal sa left leg niya. Aalisin din daw after some time then makakalakad na kami ng normal. Saklay ang drama namin ngayon.

About sa nakasagasa sa amin, bahala na ang lawyers namin.

Pagkauwi namin ni mama sa bahay ko e walang imik si Ayumi. Iniakyat ako ni Mama at Tito Frank sa room ko at ipinagbalot ako ng mga gamit. Dun muna daw ako sa Candon, Ilocos Sur dahil may kaibigan si Mama na magaling na PT for me.

Mga alas-siyete na ng gabi e hindi pa nakaluto ng hapunan si Ayumi. Kaming dalawa na lang ang nasa bahay.

"Ayumi?"

Silence.

"AYUMI!"

Pumasok siya sa kuwarto at pabalang na sumagot ng "Ano?"

Nagtaka ako sa tono ng pananalita niya.

"Ano'ng problema mo? Bakit ka ganyan?"

"Nagugutom ka na ba?"

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Teka lang kukunan kita ng pagkain."

Pagkabalik niya ay may dala siyang tray. Kanin sa plato, mangkok na may sardinas na sa tingin ko ay bagong bukas lang, isang basong tubig, kutsara at tinidor.

"Ano 'to?" tanong ko. Medyo naiinis na ako pero mas nababalot ako ng pagtataka. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya nagkakaganon.

"Ano kaya kung paluhurin kita para magsabi ng sorry sa akin, ha? Kadarating ko pa lang mula sa mahabang biyahe. Alam naman natin kung gaano kahirap lumabas ng ospital. PLUS, hindi pa ako kumakain ngayong oras na ito and I have a fever right now! Isampal ko kaya sa'yo ang passport at ang credit card ko?"

Alam kong napanuod niya si Boyet Fajardo sa tv pero hindi siya natawa.

Isinara niya ang pinto at nagdabog siya pababa ng hagdan.

Kinuha ko ang saklay at iika-ika akong sumunod sa kanya sa sala. Hindi niya ako inimik. Nang makaupo ako ay tinalikuran niya ako.

"May nasabi o nagawa ba ako na kung saan e naoffend kita? Ano'ng maling nagawa ko? Magreresign ka na ba? Hindi kita maintindihan! Kakalabas ko pa lang ng ospital e ganyan na ang asal mo! Mag-usap naman tayo!"

Silence.

Hindi siya kumibo o gumalaw man lang.

Then after a while dumukot siya ng panyo. Saka ko pa lang napansin na kanina pa pala siya umiiyak at di niya pinahalata sa akin. Natahimik ako.

After niyang magpunas ng luha ay humarap siya sa akin.

"Huwag na huwag mo nang uulitin yan!" sigaw niya sa akin habang nakaturo sa paa kong nakasemento.

"Alam mo bang hindi ako nakatulog ng maayos mula ng mangyari yang putang-inang aksidente mo? Alam mo ba ang pinagdaanan ko nung mga unang araw mo pa lang sa ospital? Hindi ako mapakali kakaisip kung anong gagawin ko dito!"

Gusto kong maiyak pero natatawa ako sa luob ko. Alam kong concerned siya kahit ilang buwan pa lang siya sa akin.

After niyang kumalma e inupdate niya ako sa lahat ng tsismis sa kapitbahay at sa showbiz. Lahat ng details ay sinabi niya.

"Okay, updated na ako. Prepare ka na ng lutong ulam."

"Okay po Sir Koks, wait lang."

Ngumiti siya. Umakyat siya sa room ko at kinuha ung pagkain. Then after a while e bumalik siya sa sala dala ang mainit na pagkain.

"Galing mo magluto a! Langya! Ano 'to? Bagong putahe?"

"Oo naman. Nag-effort talaga ako. Would you like some juice with that?"

"Tubig na lang!"

Inihain niya sa akin ang na-microwave na kanin at sardinas.

Shocked Part 2

“Pwede naman nating isikreto na pagsasabayin mo silang dalawa. Ser, sino ba naman kasi nagsabing kailangan mong mamili? Hindi ko ipagsasabi sa kapitbahay. Hehe.”

Umeksena na naman si Ayumi.

Ding dong!

“Dali ser, ano na gagawin ko sa mga ito, itatago ko ba sa kwarto ko para kunyari mahaba din ang long hair ko or ano?”

“Ilapag mo na lang jan. Ako na ang bahala.”

“Sige po ser, buksan ko lang gate.”

Nakatulala pa rin ako. Nag-iisip kung anong gagawin.

“Ser, harapin nyo na sa pinto.”

Pumunta ako sa pinto na walang idea kung anong sasabihin ko. Pikit-mata kong binuksan ang pinto at sinabing “We have to talk.”

“Talk? Wala naman pong problema. Tatlong araw pa lang naman po mula nung katapusan. E, pinapatanong lang po ni boss kung may problema .”

Si Rochester pala. Ang hardinero ng landlord ko. Nakalimutan ko nga pala magbayad ng rent nung katapusan.

“Onga pala nawala sa isip ko. Sensya. Pakisabi na lang na idadaan ko na lang bukas sa office niya bukas. Hindi kasi maganda maglabas ng pera sa gabi.” Actually wala akong cash that time.

Bumalik ako ng kuwarto. Naguguluhan pa rin hanggang sa makaidlip ako.

After some time may naramdaman akong humahaplos sa likod ko. Nakadapa ako. Ang sarap ng init ng kamay niya.

“Huy sarap pakinggan ng hilik mo a.” Pabulong niya sa akin.

Napangiti ako.

“Hello best!” sabi ko kay Tikoi.

“’Yan ba magiging tawagan natin pag naging officially magboyfriend na tayo?”

Bigla kong naalala ang pinadala ni Amboi kanina. Tumingin ako sa paligid ng room pero di ko makita ‘yung stuffed toy at flowers.

“Ah, yun ba? Ayun yung pusa, itinabi ko na sa mg a kapatid niya. Lam ko naming kahit kanino pa mangggaling ang pusa e itatago mo pa rin.”

Tumango ako na may kasamang pilit na ngiti.

“Then yung magagandang flowers pala e pinabasura ko na kay Ayumi.”

Tumingin ako sa kanya with a straight face.

“Joke! Andun sa sala mo. Naka-vase, baka kasi mabulok kaagad.”

Hindi ko pa rin alam kung papaano magreact.

Tumayo siya, sumilip sa labas ng pinto para siguraduhing hindi kami maririnig ni Ayumi. At nang makita niya na busy sa paghahanda ng dinner si Ayumi sa kusina sa first floor, sinara niya ang pinto at nilock. Tapos tahimik na umupo sa gilid ng kama.

Titigan kami.

"Chillax, my Kokoi. Alam ko pinagdaanan nyo ni Amboi. Alam ko kung paano kayo nagsimula. Alam ko kung gano mo siya kamahal. At nakita ko din kung paano ka niya minahal. Huwag kang mag-alala hindi kita pagpipiliin. Alam kong wala akong karapatang gawin yon."

"Teka lang."

"Please let me finish."

"Hindi, wait lang. Ihi lang ako saglit."

Naiihi na talaga ako that time. Seryoso pa rin siya. Bumalik ako kaagad after jumingle.

"Asan na tayo?" Seryoso kong tanong sa kaniya.

"Naghugas ka ba ng kamay? Joke. Nawala ako. Sinira mo kasi ang moment."

"Sorry po. Hindi ko pwede pigilan ihi ko. Sasakit puson ko."

Ngumiti siya then niyakap niya ako.

"Komportable ako pag nandito ako sa kwarto mo. At kapag yakap kita,"

"Naaamoy mo pawis ko?"

"Oo. I mean hindi. Please wag ka magjoke."

"Sorry."

Pag alam ko kasing kikiligin na ako ng sobra e hindi ko mapigilan magjoke. Nahihiya akong ipakita kung paano ako kinikilig.

"Pag magkayakap tayo, pakiramdam ko naka-marijuana ako."

"Marijuana?"

"I mean, alam mo 'yung feeling na..."

"Oo. TagaBaguio ako. Nasubukan ko na."

"Magmarijuana? Really? I was going for the metaphor."

Silence.

"Uhmmm, Ako din. I was going for the metaphor. Anyway, ituloy mo."

Konting silence.

"Ang ibig kong sabihin e, pag magkasama tayo feeling ko epwede na akong mamatay. 'Yung kumbaga sa isang mountain climber e, naakyat ko na lahat ng bundok."

Yumakap lang ako ng mahigpit. And for the record, napigilan kong magjoke.

"Take your time to decide. And please sana pag nakapagdesisyon ka na, ipaalam mo sa akin in any way you want to. Maiintindihan ko."

"Oo naman. I will tell it to your face, or even on the phone. I can write it in a letter, either way you have to know."

"Alam ko yan, Never Ever ng All Saints."

"May tama ka!"

Hinalikan niya ako. 'Yung halik na parang naiiyak siya. Ewan pero naramdaman ko na parang magkatugma 'yung sarap ng halik niya at 'yung higpit ng yakap niya sa akin.

After the intense kissing, naamoy ko na paluto na yung ulam. Kaya niyaya ko na siya pababa sa kusina.

"Onga pala, bago tayo kumain, may sasabihin ako."

"Hihiram ka ng 50 pesos?"

"Hindi. I mean oo. Pero di yun sasabihin ko."

"Ano?"

"Can I sleep here tonight?"

"Only if you hug me all night." He smiled.

"Baba na nga tayo at nang makakain na."

Siyempre, adobo na naman ulam. Alam kasi ni Ayumi na paborito ko yun pero hindi na nakakatuwa kapag 4 nights in a row na. But it's okay, Masarap luto ni Ayumi.

Konting kuwentuhan lang kaming tatlo habang kumakain. Showbiz, kapitbahay, work. The usual. And then biglang umiba ng topic si Ayumi.

"So, sir Kokoi, ano pala feeling ng nakamarijuana?"

How We Started

"Kailangan muna siyang mabisita ng ating resident psychiatrist."

December 9 ng 2006. Naalimpungatan ako nang marinig kong kinakausap ng mga taong nakaputi sina Mama at si Tito Ryan. Nanghihina pa ako at di makagalaaw kaya pumikit muna ako habang nakikinig sa tsismisan nila. Pinakiramdaman ko ang katawan ko at ang mga nakasaksak na kung anu ano sa akin. Dextrose, tubo sa ilong na akala ko e oxygen lang pero nakasaksak patungo sa lalamunan ko pababa sa heart ko. Joke, tiyan. Then may naramdaman akong mahapdi. Oo, catheter.

Pilit kong inalala kung anong nangyari before ako napunta dito.

December 8 mga 4 pm mag-isa ko sa apartment ko. Nakatunganga. Nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan. Hindi ko alam kung bakit kaya nagsaksak ako ng dvd. Music videos ni Britney. Pero kahit gaano ko pa siya kagusto nuon e hindi niya ako mapasaya kaya pinatay ko na lang. Nagbukas ako ng beer. At nung medyo nakaramdam na ako ng tama e hard liquor naman. Hindi ko pa rin maisip ang dahilan kung bakit ako nalungkot.

Mga 3 weeks na rin since nagbreak kami ni Buboi at 2 weeks na mula nang tumungo siya sa Amerika. Pero alam kong di pa rin iyon ang dahilan. Napaiyak ako. Still clueless why. Tapos, pumasok sa isip ko na hindi na ako sasaya kaya sinubukan kong tapusin ang buhay ko.

"Ma, gusto ko munang mapag-isa. Okay lang na wala munang bantay sa'kin. Gusto ko munang mag-isa tutal may mga nurse naman na magrarounds."

"Okay. Magpagaling ka. Mahal ka namin."

"I love you too ma... Teka, sino 'yang kasama mo?"

"Onga pala, si Tito Marvin mo. Bago kong friend."

Nakuha ko na ibig sabihin ni mama na "bagong friend."

Sinubukan kong makakuha ng tulog para makabawi ng lakas pero every 4 hours e may paepal na kalbong caregiver na kumukuha ng vitals ko.

Caregiver: Uhmm. Mr. de Ayala, kumusta na po pakiramdam niyo?

Kokoi: Nasasaktan ako sa tubo dito sa ilong ko. Pwede na ba 'tong tangalin?

Caregiver: Tatanungin ko na lang po kay doc mamaya.

Kokoi: Okay.

Caregiver: Sir, masyado pong malungkot mukha niyo. Hindi naman po bawal ngumiti dito.

Kokoi: (napangiti) Kasama ba sa training ng mga caregivers ang magpatawa ng patients?

Caregiver: Hindi ko po alam sir, tanung niyo na lang po sa kanila bukas. Morning lang po kasi sila pumupunta dito.

Kokoi: Ah okay. Sorry for assuming na CG ka. Nurse ka pala.

Nurse: (nakangiti na parang nagpapacute) Sir, buzz na lang po kayo pag may kailangan kayo na kahit ano.

Kokoi: E kung sinabi kong kailangan ko ng JollySpaghetti bibigyan nyo ako?

He smiled, then crinkled his nose then he left the room. I felt na parang crush ko na siya.

2nd day ko sa Saint Louis University Hospital. Wala na yung tubong nakasaksak sa ilong ko. Pero meron pa rin yung dextrose at catheter. Inabangan ko ang pagdating niya. 4 pm siya usually dumarating pero alas otso na e wala pa rin. Natulog na ako.

Kasarapan ng tulog ko e may narinig akong bulong.

"Mr. de Ayala, kumain ka na po ba? Mr. de Ayala!"

Kokoi: Ikaw pala. (biglang nagising ang lahat ng ugat ko sa katawan)

Nurse: Kumain ka na po ba?

Kokoi: Hindi pa. Nakatulog ako kakaantay sa ... sa... mga friends ko.

Nurse: E di po ba nagrequest kayo na wala munang visitors?

Kokoi: Bakit mo pala ako ginising?

Nurse: Kain po tayo.

Naglabas siya ng 3 JollySpaghetti at 2 mineral water. I tried my best para itago ang pagkatuwa slash pagkakilig ko kaya isang napakalaking smile na lang ang naging reaction ko.

Kokoi: Ambait mo naman. Kung alam ko lang na magdadala ka e di sana Yellow Cab na lang sinabi ko.

Napaisip siya.

Kokoi: Joke lang 'yon. Masaya na ako dito sa spaghetti. Thank you ha.

Nurse: Wala po 'yun. Isasama ko na lang sa bill niyo.

Tawanan kami. Siyempre, hindi kasama sa bill ko 'yun at hindi talaga siya bumili ng pizza.

Kokoi: Peram naman niyang mp3 player mo para di ako mabore pag nag-iisa.

Nurse: Bukas na lang po. Tsaka ichacharge ko pa. Tsaka baka tawanan mo pa mga songs ko dito.

Kokoi: I promise hindi ako tatawa. Ako nga nakikinig kay (pabulong) Britney Spears.

Nurse: OMG! (sabay abot sa akin ng mp3 player)

Tiningnan ko laman. Greatest Hits ni Britney Spears!

Sa buong pag-iistay ko dun e nagkakilanlan kaming mabuti. Naging magkaibigan kami. Nalaman ko na hindi pala siya nurse dun. Clerk siya. After 1 year daw e magiging intern na siya and then after another year e magtetake na ng boards parang maging duktor.

Clerk: May ipagtatapat pa ulit ako sa'yo.

Kokoi: Ano 'yun?

Clerk: Ako ang nagsaksak sa'yo ng catheter.

Namula ako kasi... alam niyo na.

Clerk: Onga pala, bago ka irelease e may final interview ka pa sa psychiatrist, kay Dra. Laboria. Then after nun e irerecommend ka sa ibang psychiatrist para magkaruon ng regular sessions. Marami din akong pwedeng irecommend, meron si Dr. Maruja, Dra. Calderon, at Dra. Porgada. Magagaling silang lahat. Ikaw na ang bahala mamili. Huwag mo lang silang pipilosopohin.

Kokoi: Thanks! Dami ko na utang sayo.

Clerk: At dadagdagan ko pa. Hindi ka na rin daw pwede mapag-isa sa apartment mo. Either umuwi ka muna sa pamilya mo or kumuha ka ng kasama sa house mo.

Kokoi: Kukuha na lang ako ng kasama.

Clerk: I know na 'yan ang pipiliin mo kaya may irerekomenda ako na makaksama mo. Masipag at aalagaan ka niyang mabuti. Siya si Manang. (sabay bigay ng papel kasama ang pangalan at number ng nirerekomenda niya)

Kokoi: I'm sure, pangalan pa lang niya e 'di na kami magkakasundo pero susubukan ko dahil nirecommend mo.

Clerk: And since close na tayo e wag mo na ako tawaging Mr. Clerk. Di naman Clerk apilyedo ko e. Tawagin mo na lang ako sa palayaw ko.

Kokoi: And wag mo na rin ako tawagin sa apilyedo ko. Ako. Si. Kokoi.

Clerk: Kokoy? I like that.

Kokoi: No! It's Kokoi.

Tawanan ulit kami at dito nagsimula ang kuwento namin ni Amboi.

Shocked Part 1

“Sirain na natin ang pagiging magbestfriend natin!”

I was so darn speechless. Araw-araw na kaming nagkikita since the day na may nangyari sa amin ni Tikoi. Ewan ko pero parang may nakahalata yata sa itaas na sobra na ang pagdadalamhati ko mula nung iniwan ako ni Amboi at dinagdagan pa ng pang araw-araw na pang-ookray ni Ayumi.

Thankful pa rin ako kasi at least may dahilan na naman akong gumising ng nakangiti and yes, buhay again ang sex life ko.

M
aaga akong pumunta ng work para magpass ng two weeks notice sa call center na pinagtatrabahuan ko. Bukod kasi dun e regular na ako sa school kung saan tinuturuan ako ng mga Koreano na mag-Ilocano. Joke, English. Idagdag mo pa ang laundry shop namin ng kuya ko at ang mini grocery namin ng pinsan ko. Stress, stress, stress.

“Kung kelan ka ieevaluate para maging manager e saka ka magkiquit? I thought you wanted this job?”

“I care about my job sir, and I care about you!”

“Magkoquote ka na naman ng pelikula then sasabihin mong ikaw original nun!”

"Hey! I never did that!"

"Ano drama mo ngayon? Caregiver?"

Close kami ng superior ko kaya okay lang na magbiruan kami sa exit interview ko. Matagal ko nang pinaalam na tapos na ako sa pagiging callboy at ngayon lang naglakas luob na gawing formal ‘yun.

Naglunch kami ni Tikoi sa Tokyo-Tokyo sa SM Baguio. Treat daw niya kaya dinamihan ko order.

“Take out ka na rin ng kahit anung sushi diyan.”

“Ambait mo naman pero huwag na, okay na ako.” Actually ayoko ng sushi.

“Tanga! Para kay Ayumi. Uwian mo siya!”

Magbestfriends pa rin nga kami. Nauna siyang natapos kumain then nagpaalam na magsi-CR. Pagbalik e may dalang bag from Blue Magic.

“Uy thank you! Nag-abala ka pa! Kaw naman.”

“Hintayin mo muna kayang iabot ko sa’yo bago ka magpasalamat?”

Stuffed toy na cheetah. I already have like forty stuffed toys, lahat sa pamilya ng pusa, pero I still want more.

Feeling ko kasi e lioness ako nung past life ko kaya binubuo ko ulit ang aking pride.

Ipinagdrive ko na siya papuntang work para di na humiram ng 50 pesos na pantaxi. Then after that, umuwi na ako para maipakilala ang bagong kapamilyang pusa.

“Anu, sirain na natin ang pagiging magbestfriend natin?” text ni Tikoi.

“Uwi u d2 mya pra usap tayo.” Reply ko. Pero sa luob-luob ko e sumisigaw na ako ng yes!

“Ge, mga 6 e njan n me. Muwah muwah!" Kailangan ko na pumunta ng barber shop. Sobra na haba ng buhok ko.

N
agpaluto na ako kay Ayumi ng dinner at sinabi kong dito matutulog si Tikoi.

"Okey po Sir."

"'Yun lang sagot mo? Walang punchline?"

"E sir, useless ding okrayin kita ngayon. Walang tao. Kanino kita maipapahiya?"

T
en minutes to six narinig ko ang doorbell. Nagkunyari akong tulog. Then after 2 minutes may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Nagkunyari akong humihilik.

“'Gang ngayon ba naman Sir Kokoi e ginagamit mo pa rin ‘yang gimik na yan? Grow up!” Sigaw ni Ayumi.

May dala siyang malaking Blue Magic na bag at bouquet ng favorite kong flowers. White roses at chrysanthemums. Oo, ganun ako kalandi. Pusa din ang laman ng bag.

“Kung dito siya matutulog e bakit pa siya nagpadeliver niyan?”

P
umasok sa isip ko na pinaabot muna niya 'yun kay Ayumi then padudungawin niya ako sa bintana at makikita ko siya na may dalang gitara.

B
inuksan ko ang card.

“I miss you and I never stopped loving you. Amboi.”

P
ara akong binuhusan ng ice water.

Silence.

All the single ladies, all the single ladies.” Message tone ng phone ko.

“Lapit n me haus u. Nmiss kta since kninang lunch!”

Moving On

"The best part of being single is pwede ka nang magpakapokpok!"

Meet Tikoi, ang bestfriend kong balahura. Siya ang pinakaprangka sa lahat ng bestfriends ko. Sobrang bait niyan sa akin.

"E kung naglulumandi ka kagaya ko e di hindi ka iiyak, magmumukmok, at magli-leave dahil broken hearted ka!"

"Kailangan mo ba isigaw 'yan?"

"Totoo naman a!"

"Andaming nagdarasal! Labas na kaya tayo."

Baguio Cathedral ang drama namin. Kailangan ko daw magsimba para maenlighten ako. E kung alam ko lang na sarili pala niya ang tinutukoy niya na mang-eenlighten sa akin e sana nagBurnham na lang kami o kaya e tinext ko na lang siya. Kasi i'm sure magpapalibre na naman ito ng dinner at uutang ng singkuwenta para pantaxi pauwi. Mahal ko siya bilang bestfriend. Ganun lang talaga siya. Mahilig magpalibre then manghiram ng pantaxi. Routine na niya yun.

"What if ireto kaya kita sa mga friends ko na single din, payag ka? Alam ko naman weakness mo e. Payat, moreno, chinito. Ano, gusto mo? Super dami akong kilalang ganun ang description."

"No problem. Basta hindi pa dumaan sa'yo e payag ako!"

Silence.

Tikoi: Kumusta pala ang work mo?

Kokoi: So wala kang kilala na hindi mo pa natitikman na pwedeng ireto sa akin?"

Tikoi: Napanuod mo na ba yung Underworld 3? Ganda daw ng love story."

Kokoi: Okay so wala. Sayang libre pa naman sana kita ng dinner sa Good Taste.

Tikoi: Napakasama mong demonyo ka! Yaan mo ipopost ko picture at number mo sa bawat CR ng mga malls dito sa Baguio. Panagbenga pa naman ngayon kaya I'm sure madaming makakakita nun.

Siyempre wala pa rin akong nagawa kundi ilibre siya ng dinner. Then nagkayayaan ng beer afterwards.

Kokoi: Ituloy na lang natin sa bahay at tawagin natin ang barkada para makapagkaraoke tayo.

Tikoi: Sige, basta wag ka nang kakanta ng Single Ladies ha?

Kokoi: Miss, bill please?

Medyo may amats na kaming pareho pero nakayanan ko pang magdrive. Si Tikoi, nakatingala na parang adik sa passenger's seat.

Tikoi: Bakit may shoe marks dito sa ceiling ng sasakyan mo?

Napalunok ako.

Tikoi: OMFG! Eeeew! Dito sa kinauupuan ko? Itigil mo sasakyan. Lilipat ako sa likod!

Kokoi: Heh! Malapit na tayo. Tsaka matagal na yan. Napunasan ko na rin yang upuan. Wag ka nga maingay, nagdadrive ako!

Tikoi: Okay, pero kaninong paa 'to? Para at least alam ko kung sino ang top or bottom sa inyo?

Kokoi: Kumusta pala trabaho mo?

Tikoi: Uy. Nahihiya. Sige na sikreto lang natin.

Kokoi: Alam mo maganda daw 'yung Underworld 3, napanuod mo na ba 'yun?

Ewan ko ba kung bakit di man lang ako gumawa ng kwento para ideny yun. Parang nakakahiya kasi kahit na sasakyan ko 'yun.

Pag dating sa bahay e naglabas na ako ng alak. Umuwi muna si Ayumi sa Ilocos kaya medyo makalat ang bahay. Wala kaming nayayang barkada kaya kami na lang hanggang malasing kami. Nagkantahan. Nagkakwentuhan. Nagtawanan.

Tikoi: Alam mo antanga ni Amboi.

Kokoi: Bakit naman siya napasok sa usapan?

Tikoi: Kung ako siya, di kita iiwan. Di siguro niya nakita kung gaano ka kawonderful bilang tao. Di niya pinahalagahan 'yung mga efforts mo. He was so lucky to have you and yet, so stupid to let you go.

Awkward silence pero parang naramdaman ko na namula ako.

Silence pa rin. Inisip ko kung paano babaguhin ang topic. Buti na lang natapos yung kanta. At last, an opportunity!

Kokoi: Asan na pala yung songbook at ako naman ang

Hinila niya ako papunta sa tabi niya at hinalikan niya ako. Mainit ang halik niya.

At pagkatapos namin ay pumunta na kami sa kuwarto para matulog.

Well siyempre may nangyari sa amin after ng kissing at bago kami umakyat ng room.

Yumakap siya sa akin. Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng kakaiba at feeling ko e magiging maganda ang pagtulog ko ngayon.

Mga 6 a.m. nakaramdam ako ng halik sa pisngi.

"Good morning!" bulong niya sa akin.

Ansarap ng gising ko. Pero naramdaman ko na di na siya nakahiga sa kama.

"Aga mo naman!"

"May presentation kasi ako ngayon kaya kailangan maaga ako."

Medyo nagtampo ako.

"I am aware of what happened last night. And i don't regret a thing. I really hope that this could lead to something wonderful. And i would love to talk with you about this but i really have to go to work early. I hope you understand."

"I do. Sige na baka ma-late ka!"

"Onga pala,"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Baka mag i love you na 'to.

"Uhmmm, peram ng singkuwenta pantaxi ko papuntang office."


I am . . . Kokoi

"Hindi ka naman daw po kagwapuhan para isiping babalikan ka ni Amboi!"

"Daw? Sinong hampas lupa ang nagsabi sa'yo niyan?"

"'Yung bestfriend niyo pong si Chichi."

"Aaaah."

"Sasabihin ko po bang tinawag niyo siyang hampas lupa."

"Teka, pano niya nalaman?"

Ngumiti lang si Ayumi at lumabas ng kuwarto ko dala ang mga labahin. Sumunod ako.

"Mukhang nalate ka ng pang-ookray sa'kin ngayon ah. Kahapon 6:30 am. Ngayon alas otso? Anung meron?"

Ngumiti ulit siya at dumiretso sa likod ng bahay para maglaba. Sinundan ko siya. Nginitian ulit niya ako.

"Nakakaloko ka na a. Sige na, anu pa mga prinepare mong pang insulto sa'kin? Mukhang napuyat ka kakaprepare. Dali na habang di ko pa nahahanap 'yung itak ko."

Tumango siya, then ngumiti sabay kindat. Iniwan ko na lang siya. Baka 'yung pagngiti-ngiti niya ang pambuwisit sa akin.

Pumunta ako sa kusina para magluto ng agahan.

"Ayumi anong gusto mong ulam?"

"Kahit ano na ser! Makaammo kan!"(ikaw na bahala.)

Minsan ako talaga nagpeprepare ng agahan namin ng yaya ko. Okay lang.

"Medyo nag-improve ka na sa pagluluto Sir Koi! Pwede ka nang balikan ni Ser Amboi!"

"Is that a joke?"

"Sa tingin niyo Sir, anu talaga sang dahilan kaya ka niya iniwan? Kung bakit before Valentines pa siya nakipagbreak sa'yo? Alam naman niyang may date ako sa Valentine's at maiiwan ka dito mag-isa. Naku kung alam lang niya na magiging ganito ka kadepressed I'm very sure na tatapusin muna niya ang Valentine's bago ka niya paiyakin. What u think sir?"

Malungkot pa rin ako kahit anung pagpapatawa ang gawin ni Ayumi. Sick leave ako for five days. Kaya dito muna ako sa bahay. Nag-eemote at sinusubukang magmove on.

10 a.m. malinis na ang bahay so naisipan kong magpatugtog na lang para sumaya ang atmosphere. Pero bago ko mai-on ang stereo,

"Magpapatugtog ka na nanam ba ng walang kamatayang Through the Rain? I Will Survive at Strong Enough ni Cher?"

Hindi ko man lang narinig na bumukas ang gate at pinto.

"ChiChi!" Ewan pero parang nakaramdam ako ng relief nang makita ko siya. At last, here's someone I could cry on to na hindi ako ookrayin.

Mga 2 hours din akong nagkuwento at umiyak sa kanya. Ibinuhos ko lahat ng inipon kong hinanakit nitong mga nakaraang araw. Honestly, I never felt better.

"Sir Koi, ChiChi! Kain na po."

"ChiChi tawag ni Ayumi sa'yo?"

"Oo, lagi kami nagkukuwentuhan sa phone kaya close na rin kami." Napabuntong-hininga na lang ako.

"O Sir, niluto ko ang peborits mong ulam. Chicken Curry!"

"Ha?"

"Joke! Alam kong Adobo pero ito napili kong lutuin! Kain!"

T
ahimik lang ako habang kumakain. Napansin ni Ayumi na may konting hikbi pa ako.

Ayumi: Sir, pwera biro, bakit ka kaya niya iniwan?
Kokoi: Dahil 'di na niya ako mahal.
Chichi: 'Yan ka na naman.
Ayumi: Di kaya dahil di mo pa siya nabilhan ng bagong rubber shoes?

Tiningnan ko ng sobrang sama si Ayumi.

Chichi: Binibilhan mo siya ng gamit?
Kokoi: Once lang. Nung 2nd anniversary namin.
Ayumi: Yeah right. T-shirt, boxers, at denim pants. May balak ka pa ngang bumili ng PSP e. 'Yun sabi sa 'kin ni Sir Am nung mahal ka pa niya. I mean nung andito pa siya.
Chichi: Baka naOver nurture mo siya kaya naumay siya sa'yo.
Kokoi: Walang over nurture!
Chichi: Regular ka pa rin ba sa psychiatrist mo?
Kokoi: Oo. Stable naman daw ako so far.

Nanlaki mata ni Ayumi na parang may suminding light bulb sa tuktok ng ulo niya.

Chichi: O, anung meron?
Ayumi: Hindi kaya dahil nakahanap siya ng mas matangkad sa'yo?
Kokoi: Hindi a.
Ayumi: Really?
Kokoi: Really!
Ayumi: I always thought you were kinda short.
Chichi: Yeah.
Kokoi: Magkakampihan ba kayo?

Ngumiti silang dalawa na katulad ng ngiti ni Ayumi kaninang umaga.

Ayumi: Hindi kaya dahil "moreno" ka po?
Kokoi: Hindi!
Ayumi: Dahil 5'4" ka lang?
Kokoi: FIVE FOUR AND A HALF! PERO HINDI NGA 'YUN! HINDI!
Ayumi: Baka naman dahil 'di ka marunong kumanta?
Chichi: Or trying hard magsayaw ng Single Ladies?
Kokoi: Isa!
Ayumi: Dahil lagi kang talo pag nagpi-PS kayo?
Chichi: Dahil di ka magaling magdeep...
Kokoi: HEY! foul 'yun!
Chihi: Or di kalakihan ang..
Kokoi: Foul yun! FOUL!

Kunot noo si Ayumi...

Chichi: Hehe...
Ayumi: Baka dahil di ka nagpaplantsa ng damit?
Kokoi: Trabaho mo 'yun!
Chichi: Baka dahil medyo lumilitaw na ang anit mo.
Ayumi: Or sobrang kapal ng kilay mo.
Kokoi: So?
Ayumi: At di ka gumagamit ng Pond's.
Chichi: Pawisin din ang paa mo.
Ayumi: Humalakhak.

Uminom ako at tumayo papuntang kwarto. Ookrayin lang ako nang ookrayin ng mga 'to. Pero habang umaakyat ako sa hagdan,

Ayumi: Malakas siya humilik.
Chichi: At nagsasalita pag tulog.
Ayumi: Di pa nagtutupi ng pinaghigaan.
Chichi: Naglalaway pa kung minsan.

Sinara ko ang pinto. Naglock. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Buti na lang at ichinismis ako ni Ayumi sa bestfriend ko. Makakatulog na ako ng maayos.

Oo may kirot pa rin ang break-up namin ni Amboi. Pero at least may bago akong entry dito sa Blog at pwede na rin itong pangsagot sa 25 random chenelyn ni Pao. Hehe.

At bago pa 'ko makaidlip e kumatok si Ayumi.

"Ser Koks, ayaw sabihin sa'kin ni Chichi. Ikaw na lang magsabi. Ano 'yung katuloy ng "deep..."?"


Another Bump in the Road

"I think we should break up."

Alas onse na ng gabi at umaalingawngaw pa rin sa tenga ko ang mga binitiwang salita sa 'kin ni Amboi.

Ganito nangyari.

4:35 p.m., Sabado, January 31- nagtext si Amboi

"Til 7 ka 'di ba? Kape tayo sa Ionic."(isang coffee shop sa Session Rd., BC)

"Kape? D b pwedeng magdinner muna tayo?"

"Kape na lang muna tayo. We have to talk."

Kinabahan ako. Hindi na ako nakapagconcentrate sa pagchecheck sa quizzes ng mga students ko. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko. Alam kong may hindi magandang sasabihin sa akin ang mahal ko. Itinigil ko muna ang ginagawa ko. Pumunta ako sa canteen. Gusto ko mag-isip. Umorder ako ng coffee.

"Makikipaghiwalay na ba siya sa akin?"

"Hindi ko po alam Sir."

"Ay sorry, napalakas pag-isip ko. Magkano nga ulit 'tong kape?"

"Dose po."

Wala na akong pakialam kung pinagtawanan ako ng nagtitinda ng kape. Basta umupo na lang ako at hinalo yung kape hanggang 5:30. Mga isang oras din yun. Di ko na nainom kasi lumamig na. Bumalik ako ng faculty para hanapin si Ms. Jabbahr, close friend at kapwa teacher ko from India. Pag nakakaranas kasi ako ng ganitong emosyon e kailangan ko ng kausap para mailabas ang nararamdaman ko dahil kung hindi e maghahanap ako ng bagay na susunugin.

Sa kasamaang palad e umuwi na daw siya dahil may emergency. "Emergency din naman 'to" sabi ko sa 'king sarili. Pumunta ako sa table niya at nakita ko 'yung isang box na plastic coated metal fastener na binili namin the day before yesterday. I'm sure maiintindihan niya dahil kilala naman niya ako. Kumuha ako ng Post-it at sinulatan ng "Papalitan ko na lang bukas. :)"

Habang nalalanghap ko ang usok mula sa fasteners e pilit ko pa ring inisip kung may nagawa akong kasalanan kay Amboi. Pero wala talaga.

Nauna akong dumating sa Ionic. Dalawang refill na ng chrysanthemum tea ang naubos ko bago siya dumating. Naupo siya sa harap ko na seryoso ang mukha. Nangingilid na ang luha ko. Gusto ko nang umiyak.

Amboi: Kanina ka pa?
Waiter: Sirs, can I take your order?"
Kokoi: Kanina pa.
Amboi: Isang brewed.
Kokoi: Anong sasabihin mo sa akin?
Waiter: Sir, may gusto pa po kayong idagdag?
Amboi: Wala.
Kokoi: Wala kang sasabihin?
Amboi: Hindi ikaw, yung waiter.

Medyo napahiya ako. Nakaramdam yung waiter kaya umexit na siya.

"Anong sasabihin mo sa akin?"

"Let me explain first."

"Iiwan mo na ako? Ayaw mo na sa akin? Sabihin mo na sa akin kung ano gusto mong sabihin. Huwag ka na magkuwento or magpaliguy-ligoy. "

"I need to focus on my studies. I need to spend more time with me. I need some space. I think we should break up."

Tumayo ako at kinuha ko ang lighter, pack ng yosi, at cellphone sa mesa. Then ang bag sa sahig. And finally ang jacket na nakasabit sa upuan. Dumukot ako ng 100 pesos, kinusut-kusot ko at iniwan ko sa table. 55 lang 'yung kape pero hindi na masyadong convincing ang walk-out ko kapag hinintay ko pa 'yung sukli.

D
umiretso ako sa Burnham Park at nagpaiku't-ikot sa lake. Iniisip ko ang mga sinabi niya. Oo nga, lagi na lang siya sa bahay at lagi na lang kaming magkasama. Halos dun na nga siya nakatira. Pero bakit hindi na lang siya nakipagcool-off? Umupo ako sa isang bench at humagulgol.

Hatinggabi na ako nakauwi sa bahay. Nadatnan ko si Ayumi na nanunuod ng Friends DVD.

"Sir Koks! Season 8 na ako!"

Tumango lang ako. Nagtanggal ng sapatos at umakyat patungong kwarto.

"Teka Sir, bago kayo umakyat, ano nangyari sa inyo?" Nahalata sigurong umiyak ako.

"Ha? Bakit?"

"Nadulas ka siguro no? Ang dumi ng pwitan ng pants niyo o!"

Ngumiti lang ako at dumiretso sa kwarto. Nagtanggal ng damit, pinatay ang ilaw at nahiga. Niyakap ko 'yung unan ni Amboi habang nakatingin sa kisame.