I Got It

"You are one step closer towards the Gold Digger Hall of Fame, Sir Kokoi!"

Hindi na kasi sasama si Ayumi sa concert ni Lady GaGa. At kaya niya sinabi 'yun ay dahil si Amboi ang gumastos para sa ticket namin.

"So anim na libo lang ang presyo ng puri mo , Ser?"

Gusto ko mang hambalusin ng traveling bag si Ayumi e pinipigilan ko pa rin ang sarili ko dahil baka makunan siya. And hanggang ngayon e hindi pa rin niya sinasabi na buntis na siya.

"Matanong nga kita 'Yumi, ano'ng nangyayari sa'yo at hindi kita maintindihan these past few weeks. Meron ba akong dapat malaman?"

"I don't know what you mean Mr. De Ayala." sabay ngisi.

"I'm a Psychology student and i know when someone is lying."

Humingi siya ng malalim.

"Okay, ipramis mo na never ka magagalit."

Since alam ko naman na na buntis siya, I said yes.

"Naalala mo nung last time na lumabas ako kasama yung mga friends ko?"

"Oh yeah, conference slash gathering day."

"Ha?" kunot-noo siya.

"Day Off ng mga Maids! Nyahaha." eto lang naisip kong pambawi sa kanya that time.

"Whatever, e di ba ang saya-saya namin that time?"

"Get to the point!"

"Blinutooth ko sa kanla yung dance video mo ng Nobody na nakabrief ka at yung classic na Single Ladies mo."

Hindi ko alam ang gagawin ko that time at kung ano ang sasabihin ko. Magagalit ba ako ng sobra dahil nakita nilang mali-mali pa yung steps ko ng nobody or dahil laos na yung Single Ladies e pinakita pa niya.

"Blinutooth mo?"

"Jowk lang ser, ikinuwento ko lang kasi ipinakita sa akin yun ni Ser Amboi."

"Ah okay."

"At ni ChiChi."

"Okay." bestfriend ko naman kasi si Chi.

"MacMac, Tikoi, Rochester, Tita Garland, Kuya Jack mo, Mama mo, bagong boyfriend ng mama mo, at higit sa lahat..."

"No."

"Yup! Ang youtube..."

"Joke! Di ako marunung e-mail ng video sa youtube."

"You mean upload."

"Whatever techno-geek!" Di ko lam kung san niya nakuha yung word na 'yun.

"Onga pala darating yung order mo sa McDo mamaya. At mukhang di maganda."

"Ha?"

"Pupunta sila ChiChi at MacMac at may sasabihin sa'yo Ser. Ang slow mo!"

"McDo? Order?"

"Mac and Chi. Duh?"

"Okay nakuha ko."

"It's a play on the phrase Mac and Cheese. Boba!" Yes tinawag niya akong boba.

"I said i got it!"

Para sa mga bagong mambabasa, ganito talaga kami ni Ayumi. Parang siya ang amo at ako ang inaaping katulong na tatanga-tanga. It's okay kasi pantanggal ko siya ng mga ka-istressan sa buhay ko.

"So ano ang masamang balita?"

"'Lam mo nakakatawa yung joke nung maisip ko dahil at the same time nagamitan ko ng intelligence at cleverness. But the fact na hindi mo kaagad nakuha, e, dobolyu eytchee dobolyu. WHEW!"

"Ok fine! Di ko kaagad nakuha. Big deal! So ano ang masamang balita?"

"I mean ikaw na self-proclaimed genius, ikaw na valedictorian nung elementary, na university scholar nung college, na uber galing sa Text Twist, na suki ng Wikipedia at GayTube.. I mean YouTube, e hindi nakuha yung joke ng isang kawawang high school graduate na mahirap at inaaping magandang katulong?"

Okay nahuli niya ako one time na nanunuod sa gaytube pero nanunuod lang talaga ako at walang ibang ginagawa. (insert smiley here.)

Siyempre taas lang ang kilay ko.

"So ano ang masamang balita?"

"E di pag sinabi ko sayo e di ano pa ang purpose ng pagpunta nila dito mamaya? Boba ka talaga! Hehe. Joke. Nakakadalawa na ako. I know. Peace!"

"Okay fine I'll wait for them."

"Sasabihin nila sa'yo na kasama niyong manonood ang kuya Jack mo at ang bago niyang boyfriend." Yes, parehas kami ni Kuya Jack.

"Okay, walang problema dun."

"Yes, and by the way, did i mention na ang bago niyang boyfriend ay si Tikoi?"

"WHAT?"

"Si Tikoi na minsan mong inibig?"

"Nakuha ko!"

"Si Tikoi na kailan mo lang nakasex, na insecure ka kasi mas "malaki" siya kesa sa'yo?"

"I SAID I GOT IT!!!"

"Si Tikoi na..."

Ginilitan ko na siya ng leeg.

10 comments:

<*period*>; said...

KAILAN po ba lalabas ang libro mo?

hayaan mo na ang buntis

naku, ang sakit naman nun

maliban na lang kung may nararamdaman ka pa para kay tikoi

Aris said...

welcome back, my friend. jusko para na naman kayong stand-up comedy ni ayumi hahaha! next time na bumisita ka sa manila, timbrehan mo naman ako para meet tayo. tc. :)

Mon said...

hahah
Ayumi! Da bestt!!! =)

teka ang arte talaga ng comment section dito

meow said...

will you blog about your lady gaga experience especially kasama si kuya and "da ex" and amboi around too!

kokoi said...

@<*period*>;- ipopost ko na lang dito. hehe... thnaks 4 coming!

@Aris- yaan mo next time titimbrehan kita. Medyo na-shock ako sa BED, friend. hehe...

@Mon- May mga detractors kasi Mon kaya ko sinasala. Nakakawalang gana kasi minsan magsulat kung di kagandahan ang sinasabi. Pero gnun tlga...

@Meow- Nothing much happened kasi duon na nakakatuwa, but i'll see. :)

Jepoy said...

Yun may update na :-D

lucas said...

hahaha! this blog never lost its comical prowess.

buti nandyan pa si ayumi. akala ko nung sinabi mong nabuntis siya, aalis siya, di pala. hehe!

nako sobrang awkward naman nun. goodluck! and how was the concert? not much of a LG fan. :P

~Carrie~ said...

this entry made my day. nakakatawa na may tele-novelaic twist. ngisi ako nang ngisi sa desk habang nagbabasa, d best ka, kokoi!

blogsngpinoy said...

hi! sorry i can't seem to find a place anywhere else in your blog to leave this message..just wanna invite you to register for free at (,") BLOGS NG PINOY (",), the online directory of blogs made by pinoys worldwide! :) registering is just like an exchange links concept. click on the "MAGPALISTA NA!" link on the page for instructions :) take care!

kokoi said...

@jepoy- :D hectic!

@lucas- concert was great! pag-alis ni ayumi e ala pa siya desisyon!

@carrie- thank u so much! :)