Awkward

"Gusto kitang ipakilala sa buong pamilya ko bilang partner ko!"

"What?"

"This is what we both wanted right?"

"Yes! Wan-TED. Past tense."

"Alam mo hindi ko alam kung nagbibiro ka or nagpapakipot!"

"Pareho!"

"Huwag ka munang sumabat, Ayumi." sabi ko.

Hindi naman sa nagpapacute ako kay Amboi pero gusto ko lang isipin niya kung gaano kasakit yung ginawa niya. Tapos 'yung pinagdaanan ko rin ng ilang buwan. Ilang araw na rin kaming magkasama at ngayon lang kami nagkausap ng seryosohan.

"You actually thought na iiwan na lang kita ng walang dahilan? Remember about 2 years ago nung sinabi ko na kapag magtetake na ako ng boards e kailangan muna nating maghiwalay pansamantala para makaconcentrate ako sa pagrereview at pagtake ng boards? At ang sabi mo e you understand, ok lang! Don't you remember? DON'T YOU REMEMBER?"

Natahimik ako at sinubukan kong alalahin ang nangyari.

Flashback 2 years ago sa apartment ko after ng jer.

Amboi: 2 years from now magtetake ako ng boards. Kelangan muna nating maghiwalay pansamantala para makaconcentrate ako sa pagrereview at pagtake ng boards.

Kokoi:
I understand, OK lang. I will remember that.

Amboi: You sure?

Kokoi: i, will, reMEMber that. Dont worry.
Then nagjer ulit kami.

End flashback.

Alam ko mapapahiya ako, hindi lang sa kanya pati kay Ayumi na I'm sure nakikinig sa kabilang kuwarto. Pero wala akong maisip na lusot. Naalala ko ang lahat at alam kong tama siya. Malapit na niyang mahalata na nag-iisip na lang ako ng palusot pero wala talaga akong maisip.

"Ser, kain na!"

Sigurado akong isusumbat na naman ito ni Ayumi at sasabihan ako ng "Saved your ass! Didn't I?"

Oo, timing talaga yung pagtawag niya sa amin pero this time, I know, sinadya na niya.

Lunch was extremely awkward. But thanks to Ayumi. Tumayo siyang entertainer naming dalawa.

Ayumi: So, Ser Amboi, kumusta boards? Mahirap ba?
Amboi: Medyo lang kasi nag-attend ako ng reviews.
Ayumi: That's good to hear! So Sir Amboi, napanuod mo na ba yung part 3 nila Hayden at Maricar?
Kokoi: (enthusiastic)Hindi pa pero nakasave na sa email ko papanuorin ko siya once we get home!


Konting Silence.

Ayumi: Anyway, Ser Am, anong field pala balak mo magspecialize?
Amboi: As of now, magjegeneral p muna ako. Di pa ako masyadong sure kung alin ang pipiliin ko.
Ayumi: Aaaah. Alam mo ba my cute na guy sa beach na nakakita na nagBubbles ang noselet ni Sir Kokoi?

Tawanan kaming tatlo lalo na after kinuwento ni Ayumi ang nangyari that time. At habang nagrerecover pa kami ni Amboi sa sobrang katatawa e
Ayumi: So, gano niyo pa kamahal ang isa't isa?

Balik sa awkwardness ang lunch.

26 comments:

ACRYLIQUE said...

:) hihi

nag-bubbles ang noselet? :)

kokoi said...

hehehe. shhhhhh...

wanderingcommuter said...

ang cyrptic parang may tinatago!!!

CHONG x] said...

So, gano niyo pa kamahal ang isa't isa?

* wow ang gandang tanong. haha.

HARI NG SABLAY said...

hehe ok na sana bumalik pa sa ganung usapan,hehe ayos.

kokoi said...

@wandering...- pag may na decrypt ka, sbhin mo sa akin. hehe

@Celine-- uhmmm... abangan na lang po. hehe.

kokoi said...

@Hari...- ganun talga si Ayumi.. hehe.

meow said...

hahaha! before and after the jer!

Yj said...

so sa lagay na yun, nasa kabilang kuwarto pa pala ang hitad na si Ayumi pag sumasabat?

bongga talaga siya.... hehehehehe

hoy ano na? sino unang sumagot ng mahiwagang tanong? hihihihi

feeling ko si Ayumi din.....

kokoi said...

@meow- yeah, i shoul've left that part out. hehe..

@yj- nako yj, wish ko nga e sana may sumagot nun! kaso, zero. he he he..

lucas said...

hahaha! i can't imagine reading your blog without ayumi! hahaha!

so kamusta na si sir am? ang kulit!!! hhehe!

LhanDz said...

ano pong noselet? hehehe..

nice post.

xlink tayo ah!

http://unicohija.blogspot.com

Jepoy said...

Ang kulit ni Ayumi na kakaaliw sya...

So gaano nyo nga kamahal ng isat isa? sagot na!

kokoi said...

@lucas- oo nga e dapat blog na lang ito ni ayumi. hehe.
Si Am, sa mga susunud na lang. hehe.

@lhandz- hehe. thank you sa pagbisita! ge, gagawa ko ng link mo :)

kokoi said...

@jepoy- no comment muna dun! (showbiz) hehe. sa mga next na posts na lang! :)

YanaH said...

....
july na tito kokoi!
uve forgotten about me na yata eh :(
asan ang sagot sa "gaano nyo kamahal ang isa't-isa?"

ahihihihi

raiChie_0823 said...

waw..aus ahh..

an ganda nung huling tanong....hahaha..

ngatz puh lgeh :D

<*period*>; said...

i would really love to meet ou and ayumi in person...and in fairview quezon city...inspite of all the pain im gpoing through, your blog never fails to make me smile

jeau said...

Thank you for dropping to Britney Philippines Site

jeszieBoy said...

my.. my.. ayumi. you never let me down.Lol.

LhanDz said...

just dropping by..


please visit my blog also,

http://unicohija.blogspot.com

thanks!

xlink tau.

Aris said...

mahaba-habang usapan. mahaba-haba ring inuman. isali n'yo si ayumi para malasing hehe! :)

kokoi said...

@Yanah- no i haven't. i'm still sorting things out so eto muna.

@Raichie- ingat din palagi! hehe. salamat!

kokoi said...

@erick- i'm glad my blog makes you smile! thanks for dropping by!

@jeau- no problem! babalik-balikan ko yan!

kokoi said...

@jeszie- ipapaabot ko sa kanya yun. hehe!

@lhandz- i will! actually, i've been following you na!

@aries- i think bawal na siyang uminom ngayon. hehe

bjoy said...

panira si ayumi. ok na sana e.