Bad Hair Day

"I am closing my blog. Matagal ko na itong pinag-iisipan. Isasara ko na."

It was a bad day for me. Pitong tao ang halos magkakasunod na nagsabi sa akin na nakakalbo na ako. Una si Ayumi na pumuna at naglecture pa tungkol sa Male Pattern Baldness. Sobrang insulto 'yun lalo na't maraming tao ang nakakarinig sa amin sa simbahan.

Mama: 28 ka pa lang pero ang nipis na ng buhok mo at antaas ng hairline mo! Parehas namang makakapal ang buhok at hindi kalbuhin ang mother's at father's side ko.
Kokoi: Ma, first of all hindi pa ako 28. Let's be clear on that, okay? And number 2, side mo at side ni papa ang pagkukunan ko nito. Hindi both sides mo!
Ayumi: Onga naman ma'am. Tama si Kokoi.
Kokoi: Tama ako? Yun lang? Walang insulto?
Ayumi: Nasa simbahan tayo ok? Later na lang.

Nabadtrip ako ng konti kasi wala naman akong magagawa sa buhok ko. I mean, it's really mean for them na asarin pa ako e wala nga akong magagawa.

Ayumi: Ser, kaya ba mahigit isang dosena ang mga caps mo sa bahay para matakpan yan?
Mama: Tapos, vertically challenged ka pa kaya lahat ng tao e makikita ang anit mo.
Kokoi: Vertically challenged?
Ayumi: In other words,
Kokoi: I know what it means!
Ayumi: bansot.

After ng mass naghiwa-hiwalay na kami. May imimeet daw na friend si Mama at si Ayumi e pupuntahan daw yung friend niya sa ospital.

So I met up with ChiChi and MacMac. Nag-ukay kami. Yun usually ang bonding namin after ng mass.

Bumili ako ng caps. Dalawa. Medyo nagsink-in yun mga sinabi nila. Si ChiChi, boots and shoes. Si MacMac naman antagal pumili ng tops. Siyempre bottom siya. Hehe.

MacMac: Okay, girls honestly, does this shirt make me look fat?
ChiChi: No! Of course not!
Kokoi: Well you only look fat because... you're fat.

Humalakhak si ChiChi with matching halak. Pero deadma lang sa kanya.

MacMac: Well at least i'm not nakakalbo!

Si ChiChi, konting tawa lang. Either nakahalata siyang napipikon ako or baka lumabas ang plema niya.

MacMac: Tapos mali pa grammar mo!

Inisip ko kung ano ang mali sa sinabi.

MacMac: Remember subject plus adjective agreement?
Kokoi: Ha?
ChiChi: Huh?
MacMac: Yes, subject + adjective agreement! Kapag ako ang subject dapat laging plus or positive ang adjective!

Well alam namin ni ChiChi na bagong joke na naman yun na nakuha niya sa colleagues niyang English teachers. At dahil nag-effort na rin siyang mag-explain e nag-fake laugh na lang kami.

After shopping e kumain kami sa McDonald's. Hindi kami makapagkwentuhan ng maayos dahil panay ang text ni ChiChi. Pupunahin na sana namin siya pero naunahan niya kami sa sasabihin niya.

ChiChi: Katext ko si Ayumi.

MacMac: Ano sinabi niya? Sabihin mo lahat kung ano sinabi niya. (sabay hablot sa kuwelyo ni ChiChi) Sabihin mo!

Yes i know, masyadong dramatic ang reaction ni Mac. Sanay na kami. Frustrated theater actor kasi.

Kokoi: Go ahead tell us everything, and DO NOT skip a detail!

ChiChi: Ok first text niya kanina e tinanong niya kung nahalata ko daw na nakakalbo ka na.

Kokoi: Okay, skip that detail.

ChiChi: Her boyfriend got her pregnant.

Kokoi: What?

ChiChi: Iniisip siguro niya kung paano niya sasabihin sa'yo.

Kokoi: Well, thanks to you nasabi mo na. Wala na siyang puprublemahin.

ChiChi: No, it's not that.

Kokoi: What then? That i'm the father?

MacMac: Gago! E nagshishrink nga yan kung nakakakita ng boobs e makabuntis pa kaya?

ChiChi: Seriously guys.

Kokoi: Ok go ahead. Ano yun?

ChiChi: I think iniisip niya kung paano niya sasabihin kung...

Kokoi: Sino ang tatay? Oh God! Yung hardinero ng landlord ko ang nakabuntis sa kanya?

MacMac: Si Rochester with the yummy muscles?

Kokoi: And very beautiful eyes?

MacMac: And huge bushy peni...

Kokoi: Whoow. That's below the belt!

MacMac: Not if nakatayo.

ChiChi: Malalanding bakla, please?

Natahimik kami.

ChiChi: Iniisip ni Ayumi kung paano niya sasabihin na aalis na siya wait (sabay tingin kay Mac) abot hanggang pusod? Shet naiihi na ako, tell me more!

18 comments:

Aris said...

Huwat??? Isasara mo na blog mo? Huwag naman, friend. Mami-miss kita. Mag-hiatus ka muna.

Huwat??? Si ayumi, buntis at aalis na? Kailangan mong ikuwento sa amin yan. Kaya please, huwag mong isara ang blog mo! :)

Ingat always. *hugs* :)

Unknown said...

ay. wala na ko pag-asa kay Ayumin? :(

paki-sabi sa kanya pag di sya panagutan ng anak ng dinadala nya, kaya ko syang panagotan. hehe

Monz Avenue

PS: Don't close ur blog.

Jepoy said...

Medyo matagal akong nag hintay sa latest entry at last meron na....

Bitin ang story... Nakakatuwa entry mo feel like reading and wanting more parang Harry Potter series lang. Can't wait for the next book lol

Kokoi said...

@Aris- hugs din sayo, friend! oo friend dami pa hindi naikwento. tapusin ko muna siguro ung iba bago ko magHiatus no? hmmmm...

@Mon- naku matutuwa siya kapag nalaman niya yan. pero sa tingin ko e magiging maayos naman siya. but if in case yaan mo, kaw second sa list. hehe

Kokoi said...

@jepoy- oonga friend, pasensya. wala pa nga ako explanation kung bakit mtagal na nawala e. :) sa next entry siguro... tsaka di pa ako nakakacatch up sa mga blogs niyo! bale, uupuan ko yan ng minsanan!

lucas said...

aalis na i ayumi???!!! waaa! i can't imagine reading here without her comic antics...tsks T_T

Luis Batchoy said...

upuan mo rin ako! Hehehehe! DOnt close your blog hanubah!

meow said...

aw! preggy ang ayumi! wag mo na i-close ang blog. since aalis na si ayumi, it's about time to blog about you! Jowk! hehehe!

Kokoi said...

@lucas- naku, sabihin ko kaya na gumawa si ayumi ng blog niya no? hehe...

@luis- my next posts pa naman ko 'tol!

@meow- naku, lam mo ba kmuntikan ko nang irename ito as Blog ni Ayumi. hehe

Trainer Y said...

at dahil wala ang cbox.. dito na lang ako magpapapansin.. ksae it seems nakalimutan na ko :(
at di muna ako magcocomment about sa entry... dahil.... hintayin ko muna ang sagot dito...

wanderingcommuter said...

hindi sagot ng problema ang pagsasara ng blog... HUWAG!!!

raiChie_0823 said...

OMG....eexit na c ayumi?
.....nakuh syang naman.....pero wag nyu nmn po iclose ung blog.....pag-isipan nyu pu muna.....madami pa nmn kayung fans....

waahhhh..... hehehe

Kokoi said...

@yanah- hala... tsk tsk tsk. mukhang nagtampo ka na a.

@wanderingcommuter- don't worry meron pa mga next entries!

@raichie- hehe. maraming salamat ha?

Trainer Y said...

yeah... nagtampo na talaga ko... pramis!
ill be in baguio aug 6-11...
do u still have the same number?
will call you nextweek...
if uve changed numbers, please email ur new one to me...
may pramis ka saken...
ahihihihihi
hope to hear fom you soon
tc!

Yj said...

anong kalokohan toh? baka gusto mong umakyat ako ng baguio ng wala sa oras!!!!

hahahaha.... 3-weeks lang ako nawalaang dami ng nangyari.... kaloka...

anyways.... alam mo bang ako din eh yan ang problema.... napapansin kong umaangat ang hairline ko.... hindi kaya dahil sa hilig mong mag-cap? try mo i-brush yang hair mo everynight... para ma-massage ang scalp.... it helps.... nakakapagpakapal siya ng buhok... at sabayan mo na rin ng bonggang bonggang regroe....:)

Goryo said...

huwag iko-close dapat laging open.. open lang ng open OK!! ?

ACRYLIQUE said...

Kapag may bad hair day. Wag na wag idedelete ang blog. HUWAG! BAD YUN!

Aris said...

Friend!!! Ngayon ko lang nabasa twit mo kasi chinek ko blog mo. Kainis ka, nag-Bed ka pala last sat, di mo man lang ako minessage. Punta ako mamaya. Nasa Manila ka pa ba?