Shocked Part 1

“Sirain na natin ang pagiging magbestfriend natin!”

I was so darn speechless. Araw-araw na kaming nagkikita since the day na may nangyari sa amin ni Tikoi. Ewan ko pero parang may nakahalata yata sa itaas na sobra na ang pagdadalamhati ko mula nung iniwan ako ni Amboi at dinagdagan pa ng pang araw-araw na pang-ookray ni Ayumi.

Thankful pa rin ako kasi at least may dahilan na naman akong gumising ng nakangiti and yes, buhay again ang sex life ko.

M
aaga akong pumunta ng work para magpass ng two weeks notice sa call center na pinagtatrabahuan ko. Bukod kasi dun e regular na ako sa school kung saan tinuturuan ako ng mga Koreano na mag-Ilocano. Joke, English. Idagdag mo pa ang laundry shop namin ng kuya ko at ang mini grocery namin ng pinsan ko. Stress, stress, stress.

“Kung kelan ka ieevaluate para maging manager e saka ka magkiquit? I thought you wanted this job?”

“I care about my job sir, and I care about you!”

“Magkoquote ka na naman ng pelikula then sasabihin mong ikaw original nun!”

"Hey! I never did that!"

"Ano drama mo ngayon? Caregiver?"

Close kami ng superior ko kaya okay lang na magbiruan kami sa exit interview ko. Matagal ko nang pinaalam na tapos na ako sa pagiging callboy at ngayon lang naglakas luob na gawing formal ‘yun.

Naglunch kami ni Tikoi sa Tokyo-Tokyo sa SM Baguio. Treat daw niya kaya dinamihan ko order.

“Take out ka na rin ng kahit anung sushi diyan.”

“Ambait mo naman pero huwag na, okay na ako.” Actually ayoko ng sushi.

“Tanga! Para kay Ayumi. Uwian mo siya!”

Magbestfriends pa rin nga kami. Nauna siyang natapos kumain then nagpaalam na magsi-CR. Pagbalik e may dalang bag from Blue Magic.

“Uy thank you! Nag-abala ka pa! Kaw naman.”

“Hintayin mo muna kayang iabot ko sa’yo bago ka magpasalamat?”

Stuffed toy na cheetah. I already have like forty stuffed toys, lahat sa pamilya ng pusa, pero I still want more.

Feeling ko kasi e lioness ako nung past life ko kaya binubuo ko ulit ang aking pride.

Ipinagdrive ko na siya papuntang work para di na humiram ng 50 pesos na pantaxi. Then after that, umuwi na ako para maipakilala ang bagong kapamilyang pusa.

“Anu, sirain na natin ang pagiging magbestfriend natin?” text ni Tikoi.

“Uwi u d2 mya pra usap tayo.” Reply ko. Pero sa luob-luob ko e sumisigaw na ako ng yes!

“Ge, mga 6 e njan n me. Muwah muwah!" Kailangan ko na pumunta ng barber shop. Sobra na haba ng buhok ko.

N
agpaluto na ako kay Ayumi ng dinner at sinabi kong dito matutulog si Tikoi.

"Okey po Sir."

"'Yun lang sagot mo? Walang punchline?"

"E sir, useless ding okrayin kita ngayon. Walang tao. Kanino kita maipapahiya?"

T
en minutes to six narinig ko ang doorbell. Nagkunyari akong tulog. Then after 2 minutes may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. Nagkunyari akong humihilik.

“'Gang ngayon ba naman Sir Kokoi e ginagamit mo pa rin ‘yang gimik na yan? Grow up!” Sigaw ni Ayumi.

May dala siyang malaking Blue Magic na bag at bouquet ng favorite kong flowers. White roses at chrysanthemums. Oo, ganun ako kalandi. Pusa din ang laman ng bag.

“Kung dito siya matutulog e bakit pa siya nagpadeliver niyan?”

P
umasok sa isip ko na pinaabot muna niya 'yun kay Ayumi then padudungawin niya ako sa bintana at makikita ko siya na may dalang gitara.

B
inuksan ko ang card.

“I miss you and I never stopped loving you. Amboi.”

P
ara akong binuhusan ng ice water.

Silence.

All the single ladies, all the single ladies.” Message tone ng phone ko.

“Lapit n me haus u. Nmiss kta since kninang lunch!”

31 comments:

Aris said...

oh-em-gee! ang mga exes talaga, ang kukulit! kung kelan nakaka-move on ka na, saka manggugulo.

Unknown said...

Haba ng hair! Pagupit ka na!! heheh

yAnaH said...

sabi na nga ba eh! alam mo bang mga 8 times kong try kaninag tong entry na toh.. hindi ka-OAhan un.. talagang i went out just to read this... at sinasabi ko na nga bang nakakaloka itong entry mo..

hmm ganyan naman talaga ang mga XYZ factors na yan... biglang magpaparamdam when you finally decided to move forward and forget them.. hayssss.... ang taray naman! hahaha

nways, natatawa talaga dun sa hirit ng pantaxi ni BFF Tikoi mo and sa mga pang-ookray ni ayumi hahahaha

wonder when mapost ang 2nd part...
yipeeeeeeee as in super lapit na ko makauwi haysssss...cant wait... dadalhan kita ng lion! hahahaha

raiChie_0823 said...

gax...super shocking un ah....gax....OMG..kung kela muh na po gustong lumakad eh may biglang pang humila sa paa mo po..... bad ex...hahaha.....geh puh..kya nyu yan...graveh una hh...ang haba puh ng hair nyu....hehehe..

nice post....kelan po part 2???

Dhon said...

OMG! ahahaahaha.. exciting...
keep me posted sa susunod!!!!
...-Dhon-

Unknown said...

parang teleserye..

ang kulit ng katulong mo!haha. :]]

Kokoi said...

@aris- sinabi mo pa!

@mon- hahaba ulit to!

@yanah- as in super nag-abala ka na basahin ang post ko! that is so flattering! pramis!

uy panagbenga na. sarado na ang session road anjan ka pa rin! hehe..

Kokoi said...

@raichie- baka next week na part 2. gusto ko maalala lahat ng detalye bago ko ipost. hehehe... :)

@dhon- di na exciting next part. hehe..

@jeszieboy- sobra kulit talaga. kakabawas siya ng stress!

Luis Batchoy said...

nawawala ang aking comment hehehehe.. Keri keri lang yan! Sabi ko nga di ba? Flush lang katapat nyan hehehe

meow said...

really?! ho my gawd! whats your decision, nakakaconfuse naman yan if ever my feelings ka pa kay ex. bka pretend ka lang na okay okay na since dyan naman si bestfriend!

whatevz makes you happy, go for it!

yaya never fails to amuse me!!!

Kokoi said...

@luis batchoy- flush sa toilet?

@meow- my decision will be on the next post. hirap meow! :)

Niel said...

I think luis batchoy was thinking of the question "How many times do I have to flush to get rid of you?"

:)

Nakakaaliw naman yung mga names. Nagra-rhyme.

Luis Batchoy said...

thanks neil... hehehe... dahil isa itong malaking TAE kaya flush lang ang katapat hehehehe... di ba nga tae nag ganung sitwasyon?

Anonymous said...

agree ako kay aris! oh-em-gee talaga! panira talaga yang mga exes. hehehe. itapon na ang bulaklak at stuffed toy para walang ebidensiya. :P

friend, kinikilig ako sa inyong dalawa. i hope something good comes out of this! best of luck! :)

. said...

Ako rin nakabog dun. Buti na lang at nung dumating si Tannis (October boylet of the month) eh inamin kong hindi pa ako handa para sa bago. Lol.

pet said...

ang dami mo nman palang pinagkakaabalahan koki..mula sa work mo e pagod ka na nga nyan pag di ka nagpahinga..

bakit naman di mo pa binigyan na lang ng 50php si tikoi para di mo na sya naihatid..joke lang po..mabait ka talaga kaibigan...

Kokoi said...

@niel camhalla & luis batchoy- i see. haha! never ko naisip na icompare to sa pupu. but anyway, sana i have enough water for that job.

Kokoi said...

@pao- lam mo friend, super hirap ng ginawa kong desisyon kaya hindi muna part 2 ang next entry ko. :(

@mugen- i know that feeling! mabasa nga 'yang entry mong yan...

@payatot- minsan nga nakakatulog ako sa call center. nakakahiya yun. hehe. hinatid ko na siya kasi traffic pag tanghali sa central business district area. ok lang un! :) thanks pre!

Anonymous said...

sige lang friend! basta aabangan namin ang part 2 mo! hehehe...the more the wait, the greater the excitement! :)

the geek said...

in demand ah...haba ng hair....hehehe

~Carrie~ said...

I like the entry. May twist. Akala kong si Tikoi, yun pala si Amboi. Ang ganda ng episode :)

Yj said...

ala kalurki....

para akong nanonood ng primetime bidah!!!!

Kokoi said...

@pao- thank you friend!

@the geek- hehe. masyado na nga ko nagmamafeeling e. hehe..

@carrie- episode talga. hehe. tenks!

@yj- naks naman. nagbablush na ko! weheheh..

Unknown said...

TORN BETWEEN ANG MGA FEELINGS..

AABANGAN KO ANG SUSUNOD NA KABANATA..

Kokoi said...

@vanvan- nako. super torn! hehe. salamat!

lucas said...

“Kung kelan ka ieevaluate para maging manager e saka ka magkiquit? I thought you wanted this job?”

“I care about my job sir, and I care about you!”

---haha! sobrang nataw ako dito! iba talaga ang mga banat mo, koI! bravo! hehe!

ang galing twists! can't wait for the continuation :P

Kosa said...

kakaiba ka parekoy...
ito yata ang perstaym na magbasa ako dito sa blog mo...
peace...

sige dadalaw dalaw pa rin ako.

oo ILOKANO ako..PROUD ILOKANO!!

Kokoi said...

@lucas- raming salamat bro! isang entry muna bago ang continuation! hehe.

@kosa- second time mo na 'to actually kosa!

carlota said...

maganda talaga ang feeling pag may inspiration.

Swexie said...

ANG CUTE NAMAN! SWEEEET NAMAN!

Kokoi said...

@carlota- correct ka po jan!

@swexie- thank you po! :D