"I think we should break up."
Alas onse na ng gabi at umaalingawngaw pa rin sa tenga ko ang mga binitiwang salita sa 'kin ni Amboi.
Ganito nangyari.
4:35 p.m., Sabado, January 31- nagtext si Amboi
"Til 7 ka 'di ba? Kape tayo sa Ionic."(isang coffee shop sa Session Rd., BC)
"Kape? D b pwedeng magdinner muna tayo?"
"Kape na lang muna tayo. We have to talk."
Kinabahan ako. Hindi na ako nakapagconcentrate sa pagchecheck sa quizzes ng mga students ko. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko. Alam kong may hindi magandang sasabihin sa akin ang mahal ko. Itinigil ko muna ang ginagawa ko. Pumunta ako sa canteen. Gusto ko mag-isip. Umorder ako ng coffee.
"Makikipaghiwalay na ba siya sa akin?"
"Hindi ko po alam Sir."
"Ay sorry, napalakas pag-isip ko. Magkano nga ulit 'tong kape?"
"Dose po."
Wala na akong pakialam kung pinagtawanan ako ng nagtitinda ng kape. Basta umupo na lang ako at hinalo yung kape hanggang 5:30. Mga isang oras din yun. Di ko na nainom kasi lumamig na. Bumalik ako ng faculty para hanapin si Ms. Jabbahr, close friend at kapwa teacher ko from India. Pag nakakaranas kasi ako ng ganitong emosyon e kailangan ko ng kausap para mailabas ang nararamdaman ko dahil kung hindi e maghahanap ako ng bagay na susunugin.
Sa kasamaang palad e umuwi na daw siya dahil may emergency. "Emergency din naman 'to" sabi ko sa 'king sarili. Pumunta ako sa table niya at nakita ko 'yung isang box na plastic coated metal fastener na binili namin the day before yesterday. I'm sure maiintindihan niya dahil kilala naman niya ako. Kumuha ako ng Post-it at sinulatan ng "Papalitan ko na lang bukas. :)"
Habang nalalanghap ko ang usok mula sa fasteners e pilit ko pa ring inisip kung may nagawa akong kasalanan kay Amboi. Pero wala talaga.
Nauna akong dumating sa Ionic. Dalawang refill na ng chrysanthemum tea ang naubos ko bago siya dumating. Naupo siya sa harap ko na seryoso ang mukha. Nangingilid na ang luha ko. Gusto ko nang umiyak.
Amboi: Kanina ka pa?
Waiter: Sirs, can I take your order?"
Kokoi: Kanina pa.
Amboi: Isang brewed.
Kokoi: Anong sasabihin mo sa akin?
Waiter: Sir, may gusto pa po kayong idagdag?
Amboi: Wala.
Kokoi: Wala kang sasabihin?
Amboi: Hindi ikaw, yung waiter.
Medyo napahiya ako. Nakaramdam yung waiter kaya umexit na siya.
"Anong sasabihin mo sa akin?"
"Let me explain first."
"Iiwan mo na ako? Ayaw mo na sa akin? Sabihin mo na sa akin kung ano gusto mong sabihin. Huwag ka na magkuwento or magpaliguy-ligoy. "
"I need to focus on my studies. I need to spend more time with me. I need some space. I think we should break up."
Tumayo ako at kinuha ko ang lighter, pack ng yosi, at cellphone sa mesa. Then ang bag sa sahig. And finally ang jacket na nakasabit sa upuan. Dumukot ako ng 100 pesos, kinusut-kusot ko at iniwan ko sa table. 55 lang 'yung kape pero hindi na masyadong convincing ang walk-out ko kapag hinintay ko pa 'yung sukli.
Dumiretso ako sa Burnham Park at nagpaiku't-ikot sa lake. Iniisip ko ang mga sinabi niya. Oo nga, lagi na lang siya sa bahay at lagi na lang kaming magkasama. Halos dun na nga siya nakatira. Pero bakit hindi na lang siya nakipagcool-off? Umupo ako sa isang bench at humagulgol.
Hatinggabi na ako nakauwi sa bahay. Nadatnan ko si Ayumi na nanunuod ng Friends DVD.
"Sir Koks! Season 8 na ako!"
Tumango lang ako. Nagtanggal ng sapatos at umakyat patungong kwarto.
"Teka Sir, bago kayo umakyat, ano nangyari sa inyo?" Nahalata sigurong umiyak ako.
"Ha? Bakit?"
"Nadulas ka siguro no? Ang dumi ng pwitan ng pants niyo o!"
Ngumiti lang ako at dumiretso sa kwarto. Nagtanggal ng damit, pinatay ang ilaw at nahiga. Niyakap ko 'yung unan ni Amboi habang nakatingin sa kisame.

13 comments:
pano if he just needed space lang naman talaga.. baka naman u dont have to dwell too much on it... baka one of these days eh he'll come knocking at your door..
gusto kong magpatawa pero aprang hindi appropriate ngayon eh..
i wish u well....
cheer up..
hmmm...pwede naman siyang mag-focus sa sarili niya na hindi kayo nagbe-break up diba? (sorry, thinking out loud). that's just my opinion ha. people can make lots of excuses to leave the relationship. i suggest digging deeper....there's something going on there. pwede pa itong mapag-usapan.
for the meantime, cheer up! and stay positive! :)
Mapapadalas ako dito. Ang galing mo talaga magsulat. :P
i am so sorry...
break ups really suck! crap.
i don't know your story that well. so just embrace the pain for a little while.
God bless you.
@yanah- sana nga kumatok siya one of these days. lapit pa naman valentines...thanks!
@pao pielago- thanks! lam ko mag-uusap pa rin kami... haay...
@mugen- thanks! balik ka ulit!
@lucas- yup! break-ups really suck! god bless u too! thanks!
sad story. gusto maging astronaut! kailangan ng space eh!
yaan mo na, kesa naman maging one sided lang ang relationship. Mabuti na yung maaga. you just have to bear the pain! get hurt, just dont over do it. Move on in time. hope di ito maka-epekto sa condition mo.
Ingat sa burnham, may "serbis" hehehe.
@meow- astronaut daw. hehe... magiging ok din ako... bkit alam mo serbis sa burnham? kaw ha... hehhehe
"sir, massage, serbis?" hahaha!
taga baguio kaya ako. nagagawi din sa lake! hahaha! why pay, if you can get it for free!
madalas ka pala sa ionic cafe, i hope there is another place like that in baguio.
this is sad.another break up.hayy kapag hindi may kabit,yan naman ang reason nila:I need space.hay naku
maybe he fall out of love or something?Or nagkasawaan na?
yaan mo n siya,la ka n magagawa pa.just enjoy being single muna i guess
hmmm...
tissue?
Greetings!!!
I am from The Rainbow Bloggers Philippines and we are inviting you to
visit our website http://www.rainbowbloggers.com
This is a collective effort of several Filipino bloggers located both
here in the Philippines and abroad. We feature articles such as news,
events, and literary genres.
Please patronize our very own LGBT Filipino Blog. Comment on the post
and feel free to express your thoughts and opinions.
If you happened to be a blogger and you want to join our writers
circle, just email us with your Name, Blog URL, Blog Title, and Blog
Email to rainbowbloggersphils@... .
You can also add our friendster account:
rainbowbloggersphils@...
Make it a habit to visit www.rainbowbloggers.com
Thank you and have a nice day!
Yours Truly,
RBP Marketing and Membership Team
i'm sorry about that. but believe that LOVE is powerful. It may bring tears to u now, malay mo bukas... nasa clouds ka na ulit!
malay natin db?
coffee?!
@meow- hehe. dami rin naman mgandang kofi shops. pero iisa lang ang ionic. hehe..
@mac callister- tama ka. enjoy ko muna pagiging single ko ngayon.
@the geek- thanks! panyo, merun? hehe...
@yffar- i'll think about it. thanks 4 visiting! :)
@a z e l- tama ka. love nga talaga... haaay... ge kape tayo. makadaan nga dyan sa dubai...
Post a Comment