December 9 ng 2006. Naalimpungatan ako nang marinig kong kinakausap ng mga taong nakaputi sina Mama at si Tito Ryan. Nanghihina pa ako at di makagalaaw kaya pumikit muna ako habang nakikinig sa tsismisan nila. Pinakiramdaman ko ang katawan ko at ang mga nakasaksak na kung anu ano sa akin. Dextrose, tubo sa ilong na akala ko e oxygen lang pero nakasaksak patungo sa lalamunan ko pababa sa heart ko. Joke, tiyan. Then may naramdaman akong mahapdi. Oo, catheter.
Pilit kong inalala kung anong nangyari before ako napunta dito.
December 8 mga 4 pm mag-isa ko sa apartment ko. Nakatunganga. Nakaramdam ako ng sobrang kalungkutan. Hindi ko alam kung bakit kaya nagsaksak ako ng dvd. Music videos ni Britney. Pero kahit gaano ko pa siya kagusto nuon e hindi niya ako mapasaya kaya pinatay ko na lang. Nagbukas ako ng beer. At nung medyo nakaramdam na ako ng tama e hard liquor naman. Hindi ko pa rin maisip ang dahilan kung bakit ako nalungkot.
Mga 3 weeks na rin since nagbreak kami ni Buboi at 2 weeks na mula nang tumungo siya sa Amerika. Pero alam kong di pa rin iyon ang dahilan. Napaiyak ako. Still clueless why. Tapos, pumasok sa isip ko na hindi na ako sasaya kaya sinubukan kong tapusin ang buhay ko.
"Ma, gusto ko munang mapag-isa. Okay lang na wala munang bantay sa'kin. Gusto ko munang mag-isa tutal may mga nurse naman na magrarounds."
"Okay. Magpagaling ka. Mahal ka namin."
"I love you too ma... Teka, sino 'yang kasama mo?"
"Onga pala, si Tito Marvin mo. Bago kong friend."
Nakuha ko na ibig sabihin ni mama na "bagong friend."
Sinubukan kong makakuha ng tulog para makabawi ng lakas pero every 4 hours e may paepal na kalbong caregiver na kumukuha ng vitals ko.
Caregiver: Uhmm. Mr. de Ayala, kumusta na po pakiramdam niyo?
Kokoi: Nasasaktan ako sa tubo dito sa ilong ko. Pwede na ba 'tong tangalin?
Caregiver: Tatanungin ko na lang po kay doc mamaya.
Kokoi: Okay.
Caregiver: Sir, masyado pong malungkot mukha niyo. Hindi naman po bawal ngumiti dito.
Kokoi: (napangiti) Kasama ba sa training ng mga caregivers ang magpatawa ng patients?
Caregiver: Hindi ko po alam sir, tanung niyo na lang po sa kanila bukas. Morning lang po kasi sila pumupunta dito.
Kokoi: Ah okay. Sorry for assuming na CG ka. Nurse ka pala.
Nurse: (nakangiti na parang nagpapacute) Sir, buzz na lang po kayo pag may kailangan kayo na kahit ano.
Kokoi: E kung sinabi kong kailangan ko ng JollySpaghetti bibigyan nyo ako?
He smiled, then crinkled his nose then he left the room. I felt na parang crush ko na siya.
2nd day ko sa Saint Louis University Hospital. Wala na yung tubong nakasaksak sa ilong ko. Pero meron pa rin yung dextrose at catheter. Inabangan ko ang pagdating niya. 4 pm siya usually dumarating pero alas otso na e wala pa rin. Natulog na ako.
Kasarapan ng tulog ko e may narinig akong bulong.
"Mr. de Ayala, kumain ka na po ba? Mr. de Ayala!"
Kokoi: Ikaw pala. (biglang nagising ang lahat ng ugat ko sa katawan)
Nurse: Kumain ka na po ba?
Kokoi: Hindi pa. Nakatulog ako kakaantay sa ... sa... mga friends ko.
Nurse: E di po ba nagrequest kayo na wala munang visitors?
Kokoi: Bakit mo pala ako ginising?
Nurse: Kain po tayo.
Naglabas siya ng 3 JollySpaghetti at 2 mineral water. I tried my best para itago ang pagkatuwa slash pagkakilig ko kaya isang napakalaking smile na lang ang naging reaction ko.
Kokoi: Ambait mo naman. Kung alam ko lang na magdadala ka e di sana Yellow Cab na lang sinabi ko.
Napaisip siya.
Kokoi: Joke lang 'yon. Masaya na ako dito sa spaghetti. Thank you ha.
Nurse: Wala po 'yun. Isasama ko na lang sa bill niyo.
Tawanan kami. Siyempre, hindi kasama sa bill ko 'yun at hindi talaga siya bumili ng pizza.
Kokoi: Peram naman niyang mp3 player mo para di ako mabore pag nag-iisa.
Nurse: Bukas na lang po. Tsaka ichacharge ko pa. Tsaka baka tawanan mo pa mga songs ko dito.
Kokoi: I promise hindi ako tatawa. Ako nga nakikinig kay (pabulong) Britney Spears.
Nurse: OMG! (sabay abot sa akin ng mp3 player)
Tiningnan ko laman. Greatest Hits ni Britney Spears!
Sa buong pag-iistay ko dun e nagkakilanlan kaming mabuti. Naging magkaibigan kami. Nalaman ko na hindi pala siya nurse dun. Clerk siya. After 1 year daw e magiging intern na siya and then after another year e magtetake na ng boards parang maging duktor.
Clerk: May ipagtatapat pa ulit ako sa'yo.
Kokoi: Ano 'yun?
Clerk: Ako ang nagsaksak sa'yo ng catheter.
Namula ako kasi... alam niyo na.
Clerk: Onga pala, bago ka irelease e may final interview ka pa sa psychiatrist, kay Dra. Laboria. Then after nun e irerecommend ka sa ibang psychiatrist para magkaruon ng regular sessions. Marami din akong pwedeng irecommend, meron si Dr. Maruja, Dra. Calderon, at Dra. Porgada. Magagaling silang lahat. Ikaw na ang bahala mamili. Huwag mo lang silang pipilosopohin.
Kokoi: Thanks! Dami ko na utang sayo.
Clerk: At dadagdagan ko pa. Hindi ka na rin daw pwede mapag-isa sa apartment mo. Either umuwi ka muna sa pamilya mo or kumuha ka ng kasama sa house mo.
Kokoi: Kukuha na lang ako ng kasama.
Clerk: I know na 'yan ang pipiliin mo kaya may irerekomenda ako na makaksama mo. Masipag at aalagaan ka niyang mabuti. Siya si Manang. (sabay bigay ng papel kasama ang pangalan at number ng nirerekomenda niya)
Kokoi: I'm sure, pangalan pa lang niya e 'di na kami magkakasundo pero susubukan ko dahil nirecommend mo.
Clerk: And since close na tayo e wag mo na ako tawaging Mr. Clerk. Di naman Clerk apilyedo ko e. Tawagin mo na lang ako sa palayaw ko.
Kokoi: And wag mo na rin ako tawagin sa apilyedo ko. Ako. Si. Kokoi.
Clerk: Kokoy? I like that.
Kokoi: No! It's Kokoi.
Tawanan ulit kami at dito nagsimula ang kuwento namin ni Amboi.
23 comments:
hay naku..
kakakilig naman toh...
napangiti mo ang napakagloomy na araw ko...
hmmmm
kokoi
amboi
buboi
tikoi
isang mahabang hmmmmmmmmmm
yun lang... hehehe
ay ngala pala, thanks dun sa alam mo na yun... i really appreciate it...sorry naistorbo ko ung tulog mo..
i was able to talk to those people...thanks talaga...
they were wondering kung pano ko nakuha number nila hehehehehe
basta super thank you talaga...
baka madagdagan ung favor ko...
hindi pa naman sureness... hehehhe
saka hindi naman ganun kahirap ugn favor...
teka....
bakit yan? asan ung 2nd part with bff mo?
ingats jan kokoi...
:D
ui.....eto nabah poh ung part 2???..ehehee......grabhe un....kasaysayan pla itech....hahaha......
nice post....hehehe.....grabeh...kakilig nmn po pla ang naging kasaysayan nyu poh ni amboy....hehehe......
ingatz puh keo plageh..... :D
@yanah- kaw una a. hehe.
kelangan ko itago ang tunay nilang mga pangalan. hehehe.
naku ur welcome. so glad to help. di ko nga nasagot ibang tawag mo e. sensya. it's either tulog ako or nasa work. bawal kasi cellphone dun.
next entry cguru ung part 2. hehe. ingat din jan!
@raichie- next entry pa ung part 2. kelangan ko lang sabihin tong flashback na to dahil may koneksyon to sa desisyon ko. :) ingat lagi raichie!
ang kulit pala ng love story niyo. nagsimula sa jollibee spaghetti! paborito ko yun eh! ahehehe!
natawa ako, paiba-iba siya ng profession. caregiver yun pala doktor! wohooo! bigatin pala si amboi. hehe!
nakakatuwa yung mga anecdotic posts mo! MOOOOOOOOORE!
---
I agree. there's a greater opportunity ahead. thanks!
kailangan kong bumalik hahahaha
hindi porket windang ako sa sarili kong kamunduhan este kaproblemahan eh mahuhuli na ko sa chismis hahaha...
i know na kailangan mo itago ang true identity nila naksssss..
kaso, may pagka nancy drew ako eh bwahahahahahaha joke....
natutuwa lang ako sa mga names na ginamit mo sa kanila yun lang.. hahahaha
mukhang ngang ganun ang nangyayari kaya hindi ka nakakasagot ng calls ko..
mas iniisip ko na tulog ka, nahihirapan kasi akong hulaan kung kelan waking moments mo na wala ka sa work.. hehehehe
hang kelan ka ba dyan sa work mo?
:D
ayun naman pala ang kasaysayan nyo ni amboy ha?
@lucas- naku. merun pa don't worry! hehe!
@yanah- naks. nakareply agad a. hehe. minsan nga di ko din alam kung tulog ba ako or gising pa. grabe dami ko inaasikaso. Bale, hanggang katapusan na lang ako sa call center at medyo luluwag na ang aking free time! :D
@payatot- ganun na nga po! thanks po sa pagbalik!
hello kokoi, just started to read your blog this week and I must say that it adds up humor to my daily living, in-add na kita sa blogroll ko din, i love those post lalo na ung sa maids mo.. hehe
nakakakilig naman pla ung simula nyo ni amboi, wish he didnt just let you go that way. anyway im awaiting for the part 2. kudos! ΓΌ
suicidal ka teng! never again, pls.!
MD na sya ngaun nyan??? 2006 plus 1 year intern then boards? hmmm...
ako gna rin eh.. minsan di ko alam kung tulog ako, hahaha para bang kung minsan din eh di ko din alam kung dito naba ko sa blogger nakatira nyahahahaha...
ayun nman yun oh! pag maluwag na ang sked mo, mas pabor saken.. mas magugulo kita hahahaha...
Wow love story!! ^_^ ang sweet.. napangiti ako sa ending.. hehe.. thanks ;)
MOnz Avenue
ang buong akala ko, nagku-kwento ka kung pano kayo nagkakilala ng best friend mo, following your previous post. hahaha. nabitin ako sa huli. pero kinilig ako. and im sure, kinilig to the bones ka nung sinabi niyang siya ang nag-kabit ng catheter noh? hehehe...
*air-kiss*
@Louie- raming salamat! yaan mo next entry cguru yung part 2!
@Meow- Nako, galing mo a. basta galing! nga pala. hirap akong makapost ng comment sa blog mo. di ko lam problem. "Loading..." naman ang word verification. huhuhu...
@yanah- hehe. onga no, masasagot ko na calls mo. tsismisan tayo to the maxx!
@mon- salamat friend. onga pala, hirap ako makapost ng comment sa avenue mo. hanggang "Loading..." lang ang word verification. di ko lam gagawin ko...
@Pao- wahahah!di ko lam friend kung kilig naramdaman ko nung sinabi niyang siya ang naglagay ng catheter sa aking you know what. hehe. basta nahiya ako ng sobra. :) *air kiss* onga pala friend, single ka na ulit?
Nalungkot naman ako lalo para sa iyo.
yes. haha. pano mo nalaman friend?
ha? bakit magaling? di ko gets...
ahh! MD na nga! naku anu kayang specialty?! kwento ka pa! :-)
yo sup kokoi?
I'm inviting you to join the EARTH HOUR 2009!
just check it out! :]
http://jeszieboy.blogspot.com/2009/03/flick-that-switch-off-make-difference.html
I like this post. Naimpluwensya na ko ng Facebook -I like this, I like that ang drama ko.
Hehe, anyway, nagustuhan ko ito dahil kundi dahil kay Clerk, di mo makikilala si Manang.
Second, anong klaseng catheter ang ginamit, soft or hard? Hehe...
Third, magiging bahagi kaya si Mr Clerk ng mga sususnod na yugto ng post mo? May common denominator na kayo, si Britney.
Fourth, ang ganda ng pagkakalahad. Winner!
And one more thing, natawa ako sa ending. It reminded me of an episode in Will & Grace, where Grace was talking to a certain Filippe character. "That's Felippe with an 'F', not Philippe with a 'P"!" Kalokang eksena.
@mugen- don't worry friend. ok lang ako. thanks ha?
@pao- sa facebook friend! yung status mo.
@meow- naku, ikukuwento ko na lang pag ipopost ko naging desisyon ko. :)
@jeszieboy- cge, i checheck ko. :)
@carrie- onga no. Carrie likes this na ang lalabas dito kung meron. hehe. May appearance pa si Amboi sa mga susunod. hehe...
napanuod ko nga yung episode na yun sa Will&Grace!
Post a Comment