Moving On

"The best part of being single is pwede ka nang magpakapokpok!"

Meet Tikoi, ang bestfriend kong balahura. Siya ang pinakaprangka sa lahat ng bestfriends ko. Sobrang bait niyan sa akin.

"E kung naglulumandi ka kagaya ko e di hindi ka iiyak, magmumukmok, at magli-leave dahil broken hearted ka!"

"Kailangan mo ba isigaw 'yan?"

"Totoo naman a!"

"Andaming nagdarasal! Labas na kaya tayo."

Baguio Cathedral ang drama namin. Kailangan ko daw magsimba para maenlighten ako. E kung alam ko lang na sarili pala niya ang tinutukoy niya na mang-eenlighten sa akin e sana nagBurnham na lang kami o kaya e tinext ko na lang siya. Kasi i'm sure magpapalibre na naman ito ng dinner at uutang ng singkuwenta para pantaxi pauwi. Mahal ko siya bilang bestfriend. Ganun lang talaga siya. Mahilig magpalibre then manghiram ng pantaxi. Routine na niya yun.

"What if ireto kaya kita sa mga friends ko na single din, payag ka? Alam ko naman weakness mo e. Payat, moreno, chinito. Ano, gusto mo? Super dami akong kilalang ganun ang description."

"No problem. Basta hindi pa dumaan sa'yo e payag ako!"

Silence.

Tikoi: Kumusta pala ang work mo?

Kokoi: So wala kang kilala na hindi mo pa natitikman na pwedeng ireto sa akin?"

Tikoi: Napanuod mo na ba yung Underworld 3? Ganda daw ng love story."

Kokoi: Okay so wala. Sayang libre pa naman sana kita ng dinner sa Good Taste.

Tikoi: Napakasama mong demonyo ka! Yaan mo ipopost ko picture at number mo sa bawat CR ng mga malls dito sa Baguio. Panagbenga pa naman ngayon kaya I'm sure madaming makakakita nun.

Siyempre wala pa rin akong nagawa kundi ilibre siya ng dinner. Then nagkayayaan ng beer afterwards.

Kokoi: Ituloy na lang natin sa bahay at tawagin natin ang barkada para makapagkaraoke tayo.

Tikoi: Sige, basta wag ka nang kakanta ng Single Ladies ha?

Kokoi: Miss, bill please?

Medyo may amats na kaming pareho pero nakayanan ko pang magdrive. Si Tikoi, nakatingala na parang adik sa passenger's seat.

Tikoi: Bakit may shoe marks dito sa ceiling ng sasakyan mo?

Napalunok ako.

Tikoi: OMFG! Eeeew! Dito sa kinauupuan ko? Itigil mo sasakyan. Lilipat ako sa likod!

Kokoi: Heh! Malapit na tayo. Tsaka matagal na yan. Napunasan ko na rin yang upuan. Wag ka nga maingay, nagdadrive ako!

Tikoi: Okay, pero kaninong paa 'to? Para at least alam ko kung sino ang top or bottom sa inyo?

Kokoi: Kumusta pala trabaho mo?

Tikoi: Uy. Nahihiya. Sige na sikreto lang natin.

Kokoi: Alam mo maganda daw 'yung Underworld 3, napanuod mo na ba 'yun?

Ewan ko ba kung bakit di man lang ako gumawa ng kwento para ideny yun. Parang nakakahiya kasi kahit na sasakyan ko 'yun.

Pag dating sa bahay e naglabas na ako ng alak. Umuwi muna si Ayumi sa Ilocos kaya medyo makalat ang bahay. Wala kaming nayayang barkada kaya kami na lang hanggang malasing kami. Nagkantahan. Nagkakwentuhan. Nagtawanan.

Tikoi: Alam mo antanga ni Amboi.

Kokoi: Bakit naman siya napasok sa usapan?

Tikoi: Kung ako siya, di kita iiwan. Di siguro niya nakita kung gaano ka kawonderful bilang tao. Di niya pinahalagahan 'yung mga efforts mo. He was so lucky to have you and yet, so stupid to let you go.

Awkward silence pero parang naramdaman ko na namula ako.

Silence pa rin. Inisip ko kung paano babaguhin ang topic. Buti na lang natapos yung kanta. At last, an opportunity!

Kokoi: Asan na pala yung songbook at ako naman ang

Hinila niya ako papunta sa tabi niya at hinalikan niya ako. Mainit ang halik niya.

At pagkatapos namin ay pumunta na kami sa kuwarto para matulog.

Well siyempre may nangyari sa amin after ng kissing at bago kami umakyat ng room.

Yumakap siya sa akin. Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng kakaiba at feeling ko e magiging maganda ang pagtulog ko ngayon.

Mga 6 a.m. nakaramdam ako ng halik sa pisngi.

"Good morning!" bulong niya sa akin.

Ansarap ng gising ko. Pero naramdaman ko na di na siya nakahiga sa kama.

"Aga mo naman!"

"May presentation kasi ako ngayon kaya kailangan maaga ako."

Medyo nagtampo ako.

"I am aware of what happened last night. And i don't regret a thing. I really hope that this could lead to something wonderful. And i would love to talk with you about this but i really have to go to work early. I hope you understand."

"I do. Sige na baka ma-late ka!"

"Onga pala,"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Baka mag i love you na 'to.

"Uhmmm, peram ng singkuwenta pantaxi ko papuntang office."


17 comments:

yAnaH said...

syettttttttttttttt!
kaloka naman tong wento mo... as in OMG!
this is not exaggeration ha pero i couldnt get over the smile that this entry of yours plastered n my face.. as in... parang ang cute nyo sigurong tingnan.. i would love to meet you...

hu hu hu namiss ko na ang buttered chicken ng good taste syetttt! amlapit na ko umuwi.. yipeeeeee

Rainbow Bloggers Philippines said...

Cast your nomination for the Rainbow Blog of the Week. By visiting this link:
http://www.rainbowbloggers.com/2009/02/rainbow-blog-of-week.html

You can nominate your friend’s blog and even your own blog.

-RBP Membership and Publicity
http://www.rainbowbloggers.com
“We are more than yellow pages”

Anonymous said...

oh-em-gee! hehehe....na-shock ako at first, pero somehow, masaya ako for you. at least hindi pa siya nag-i love you at the end, mag-best friend pa rin kayo at the end. nag-melt ako friend...kinabog mo ang melt series ko! ahluveet! :)

Aris said...

friend, naloka ako sa twist. it was unexpected! pero kinilig ako. i wish you happiness. :)

Kokoi said...

@yanah- hehe. yaan u pag uwi u try natin kita d2 sa baguio kung mapadaan ka. then kain tau sa Good Taste!

Kokoi said...

@pao pielago- naku friend, iniisip ko nga e kasi bestfriend ko un. tatakot ako bka my di mgandang mangyari. ewan, kelangan ko pang pag-isipan...tsaka onga pala, ganda palang mamelt. hehehe.

@aris- salamat aris. sana nga maging happy kmi. haaaay....

pet said...

buti na lang atisa lang ata ang prend mo na ganyan..lagi gusto e manlibre ka at hiraman ng pantaksi..ganun pa man e ok pa rin ang samahan nyo at dun ako humahanga sayo..

. said...

Naaliw ako sa twist. May ganun talaga. Sabi ko na nga ba eh. Delikado sa isang bading ang magpatulog sa bahay. May matutulog pa naman akong gwaping na tropa sa bahay mamaya.

meow said...

tikoi at kokoi!nice one!

nagbabayad ba naman sya ng 50 pesos?!

oi, sabi nila malas daw pag ginagawa sa loob ng caru!

yeneweys, happy panag-flowflow! enjoy the festival with tikoi!

our festival... yours too!

lucas said...

i just love your humor kokoi! hahaha! you should write a book about these experiences. :)

Kokoi said...

@payatot- hehe. ok lang un bumabawi naman siya sa ibang paraan. hehe...

@mugen- sulat mo sa blog mo kung anu ngyari sa pagtulog niya sa'yo ha?

@meow- anu daw mangyayari pag ginawa sa luob ng car? di kami makakabuo? wehehhe. happy panagbenga!

@lucas- thanks. i was thinking of writing a book nga e. pero saka na siguro muna. :)

Luis Batchoy said...

Tikoi: Kung ako siya, di kita iiwan. Di siguro niya nakita kung gaano ka kawonderful bilang tao. Di niya pinahalagahan 'yung mga efforts mo. He was so lucky to have you and yet, so stupid to let you go.--->

Ito yun eh! Hayz! Wag na mag iinarte!

ganda naman ng word veri ko: azatines!

lucas said...

yeah...good for you! you have all the time in the world. wag mo kaming abisuhan kapag published na ha? hehe!

---
thanks, kokoi sa compliment :)

Kokoi said...

@luis batchoy- azatines! hehe. tuwing naaalala ko nga yung words na yun e napapangiti ako ng sobra. :)

@lucas- walang anuman lucas! thanks sa pagbalik!

karla said...

ang galeng ng kwento at magalaing kang magsulat. hehe

Yj said...

nakakakilig.....

pero lintik na singkuwenta pesos yan hahaha

Kokoi said...

@karla- maraming salamat! hehe...

@yj- wehehe. kilig! bale, singkwenta pa lang naman. :)