Going Back

"Nahulog ka ng stepfather mo nung 7 months ka pa lang. 'Di ba naikwento ng mother mo?"

"As in nalaglag sa sahig mula sa pagkakabuhat?"

"May tama ka!" sabi ni Tita Garland habang nakataas ang kamay at naghihintay ng apir mula sa kin. Syempre hindi ako umapir.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya kinuha ko ang telepono at tinawagan ko si mama.

"Ma, totoo bang nalaglag ako ni Tito Karl nung baby pa lang ako?"

"Kanino mo nalaman 'yan?"

"Kay Tita Garland, andito siya ngayon."

"Tita mo talaga. Sus wala yun! Di ka pa kasi marunong maglakad. Pero ok lang. Wala namang masamang nangyari sa'yo that time. Maliit na bukol lang 'yun."

"What? Wala yun? Ok lang? Ma, nalaglag ako!"

"I know anak. Huwag kang ma-upset sa ngyari"

"What do you mean huwag akong ma-upset? I could have died! I could have..."

"Naku, huwag ka ngang OA. Dapat nga dun ka ma-upset nung nahulog ka ng Daddy Max mo nung 6 1/2 months ka pa lang. Yun ang grabe dahil walang carpet nun at nadumihan nang husto yung bago mong damit! Pero ilang oras ka lang naman sa ospital at nadischarge ka na agad. Wala daw long term effect 'yun sabi ng doktor"

"Wala?"

"Wala. Ok ka naman ngayon di ba? Wag ka na magtampo. Cge ingat na lang lagi anak. Love you ! Mwah! Mwah!"
Nanghina ako habang binababa ang telepono. Si Tita Garland naman e nakatulala habang binababa ang extesion phone sa kusina.

"Could you believe that Tita Garland?"

"I know! Biro mo, 2 weeks lang pagitan nila Max at Karl! Bilis din makarecover ng mama mo! Haba ng hair niya! Kainggit! Gosh!"

Tiningnan ko siya ng masama. Tumingin siya sa'kin na parang nagtataka. Nag-isip ng malalim at after 10 years, sinabing "At siyempre, biro mo nalaglag ka!"

"I just can't imagine na may ganung incident na ngyari sa'kin nuon."

"Yaan mo na nga. Lika kain tayo, may dala akong sushi. Gusto mo 'yun di ba?"

"Naku tita, hindi porke galing ka ng Japan e Japanese food na ang dadalhin mo dito na galing lang naman sa Tokyo Tokyo tapos titinidurin mo pa!"

"Hehe. Mangan ka kitdin!(Kumain ka na nga!)"

"Tita, kamusta 'yung boypren mong hapon?"

"Ayun singkit pa rin. Kaw, musta kayo ni Amboi? Sabi ni Ayumi dito daw siya nakikitulog minsan."

"Ok naman kami tita. Masaya.... O bakit ka nakangiti?"

"Wala lang." May ngiti pa rin siyang nakakaloko.

"Anu pa kinwento ni Ayumi?"

"Wala. Nakita niya lang kayo na may ginagawa. Pero di niya sinasadya. Kung saan-saan kasi kayo e. Hehe."

Biglang labas si Ayumi. Galing CR, naglinis.

"Sir Koi, ilang taon na pala kayo?"

"Ha? Anu na naman punchline mo diyan?"

"Basta sir sagutin mo"

"26, going 27. Bakit?"

"Anung year po 'yun sa Chinese Calendar?"

"1982. Year of the Dog"

"Ah, kaya pala."

"Kaya pala ano?"

"Year of the Dog din siguro si Sir Amboi."

Nagtinginan sila ni Tita Garland. Then humalakhak nang napakalakas.

"Ewan ko sa inyo! Sige magwowalk-out na ako!"

Medyo pahiya ako sa kanila pero ok lang. Di naman ako pikon.

"Teka Sir Koi, wag ka muna magwalk-out. Di pa kami tapos tumawa." At naghalakhakan ulit ang dalawa.

"Don't worry Kokoi, I still love you. I would never hurt you intentionally. Ikaw ata paborito kong pamangkin."

Mga 5 p.m. na nang makaalis si Tita Garland. Sa wakas, tapos na ang buong hapon na pang-ookray nila sa akin. At least isa na lang ookray sa'kin. Si Ayumi. Umakyat na ako sa kwarto ko at dumungaw sa bintana. Hihintayin kong makasakay ng taxi si Tita.

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"Sir, telepono!"

"Wait lang!"

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"Sir! Bilisan mo!"

"Anjan na!" Tumakbo ako pababa sa sala.

"Anak!" Si mama.

"Yes ma?"

"Naku, napansin mo ba 'yang scar sa gitna ng noo mo?"

"Oo ma. Napansin ko. Mula pagkabata. At anung kahindik-hindik na kwento naman nito?"

"Naku matutuwa ka sa kwento nyan. Paso ng yosi 'yan! At alam mo ba kung sino ang lasing na nakapaso nyan nung 7 1/2 months ka pa lang? Nacute-an kasi at nang kukurutin ka sa pisngi e nakalimutang may hawak na yosi!" Sabay halakhak.

"Sinong stepfather naman ngayon? Si Tito John? Si Tito Mike? Tito Ton? Tito Andrew, Ben, Gary? Sino?"

"Ang Tita Garland mo!"

Dali-dali akong lumabas ng gate para habulin siya.


15 comments:

Jes said...

haha! nice stories. LMAO!
pati si tita garland pala, nakisali sa storya. :)) akala ko hindi siya kasali.
ang ganda ng pagkasunod2 ng events, parang scripted! :D

lucas said...

hahaha! panalo tong mga stories mo! hahaha! funniest post so far ngayong 2009. hehe!

ako nung bata pa ako nalaglag ako sa hagdan. hindi lang xa hagdan, it's a grand staircase actually. hehe! and i'm still alive thankfully. hehe!

---
thanks for the compliment :)

meow said...

haha! dogie-dogie there huh! hehehe! me and my dirty mind!

may contribution din pala si tita garland sa mga accidente mo nung bata ka! tama lang fave ka nya!

Anonymous said...

hehe. join the bandwagon. ako nahulog sa stairs at gumulong-gulong pababa, tumalon sa apoy at muntik nang hindi makalakad ulit, natusok ng pako sa paa at nahulog sa tricycle head first...all before i turned 7. hehehe. :)

Celine said...

. wenk. bahagyang di sinasadyang bayoLente ang mga kamag-anak mo ah? haha. xD

Kosa said...

oo nga buti nabuhay ka pa ng normal.. madalas yung mga nahuhulog na bata nagkakaroon ng diperensya..

ilocano ka man?
lols

Anonymous said...

okay sa alright ang mga stories ah. :)

paperdoll said...

hmmmm. . . nakakaawa naman ang mga pinagdaanan mo. . isipin mo na lang buti wala masyadong epekto sayo. . eh kung sa mata ka pa napaso ng tita mo edi bulag ka na sana. . lol

yAnaH said...

nakaktuwa naman... did it really happen? you have a wacky tita garland.. ahihihihihi

nakikidaan lang...

abe mulong caracas said...

isang malakas at malutong na...

ha ha ha ha ha ha ha ha ha

inabutan kaya ni koi ang tita garland nya?

Unknown said...

Natawa ako sa kwento mo... Made my day. Thanx. :)

By the way, thanx for the link too.

Kokoi said...

@jes- ganyan talga buhay, parang pelikula... :)

@lucas- talga? hehe. buti di ka rin napaso sa noo! :)

@meow- hehe...gnun na nga

@pao pielago- hala, tibay mo pao!

@celine xd- nako, wag ka, anghel pa si tita garland nyan!

@kosa- normal? u shud read the entry "Another Session With My Psychiatrist" hehe.. wen manong, ilocanoak!

@joshmarie- thanks at thanks sa pagdalaw!

@paperdoll- buti nga sa utak lang epekto. hehe...

@yanah- yup it happened talaga... hehe..

@abe mulong caracas- abangan ang susunod! hehe... thanks sa pagdalaw

@mon- maraming -maraming salamat mon!

. said...

Hahaha ang galing mag kwento. Astig!

Kokoi said...

@mugen- hehe. salamat!

Kokoi said...
This comment has been removed by the author.