Suddenly I See


"Kuya magreresign na po ako."

Eto ang pambungad sa'kin ng aking kasama sa bahay na si Manang (hindi tunay na pangalan). Alas-11 a.m. ng January 1 'yun. Puyat ang lahat dahil sa putukan the night before.

Kaya pala walang ka-expre-expression ang mukha niya kagabi habang nagsisindi ng sinturon ni hudas at fountain. Iniisip niya siguro kung paano niya iyon sasabihin sa akin.

"Kuya?"

Napatulala ako dahil shocked ako sa narinig ko at dahil na rin sa hangover ko.

"Ser Kokoi?"

Dali-dali nyang kinuha niya ang telepono at nagdial.

"Naku! Nakalimutan na namang uminom ng gamot ni ser! Anu na nga ulit number ng doktor niya."

"Huy manang! Anu ka ba? Dinadigest ko pa lang ung sinabi mo. Ibaba mo nga 'yang telepono."

"Kuya naman kasi bakit di ka nagrereply. Kanina pa 'ko kuya nang kuya, ser kokoi nang ser kokoi, deadma ka naman 'Kala ko kung ano na naman ngyari sa'yo. Naalala mo ba nung last time na-"

"Manang, pahanda naman ng breakfast." Sinadya kong putulin yung gusto niyang sabihin.

Nakuha niya ang ibig sabihin ng pagputol ko sa sinabi nya kaya ngumiti n lng siya at lumabas ng kuwarto. Pero bumulong ng "Wala namang nagbebreakfast ng alas onse e. Halos lunch na 'yun."

Yun si Manang, mahilig sumagot at magpatawa. Kahit na anung sabihin mo e merun at merong maisasagot. Sayang nga lang at magreresign na siya.

Nagflashback sa utak ko yung mga unang araw niya sa akin.

"Ser Kokoi, alam mo ang gwapu mo. Siguru andami mo nang naging gerpren no."

"Ha? Hindi a."

"Talaga?" Sabay isip nang malalim. "Aaaaah! Alam ko na. I got it. Don't worry ser. Madami akong kakilala sa showbusiness kaya ok lang yan."

"Talaga?"

"Oo ser. Madaming ganyan sa showbiz. Pero wag kang mahiya ser. I accept you. Group hug tayong dalawa. Lika."

"Hindi yun tinatanong ko Manang! I mean kung talagang marami kang kakilala sa showbiz!"

"Aaaah. Aysus oo ser, pero indirectly lang. Yung mga yaya actually kilala ko so parang ganun na rin yun in a sense."

Hindi ko alam kung nagpapatawa siya o kung totoo ang mga sinasabi niya. Tapos most of the time e sobrang prangka kung magtanong. Pero ok lang sa akin para at least e napapatawa niya ako paminsan minsan.

"Ser, sabi ng mga kapitbahay functional skitz ka daw. Anu yun? Pero nevermind, I don't care. Sabi ko sa kanila whatever. Mabait ka naman at hindi mo ako sinasaktan."

Ganun si Manang, always looking at the brighter side. Pero ang di ko makakalimutan e 'yung time na iniinterview ko pa lang siya.

"Ilang taon ka na Manang?"

"Naku Sir, I know I look old but don't let my looks deceive you. I am only 26 and happy to serve you everyday. Okay?"

"Ayos ka din Manang a. Ano nga pala gusto mo itawag ko sa'yo? Di ko kasi mapronounce 'tong name mo. Etye, etti..."

"Ser, it's E-tee'-ye-net M. Le-fe-vuhr, Ettienette M. Lefebvre"

"Hirap naman. Anu yung M?"

"Magdiwang sir. Pilipina ang nanay ko from Cebu. Yes, Bisaya ang nanay ko at ang tatay ko ay French. Sa makatwid, ako'y isang BISAYANG FRENCH. Taray 'di ba sir? Pero Manang na lang para hindi dumugo ang ilong at tenga nyo ser."

Mamimiss ko talaga si Manang.

Then after ko magbreakfast, or lunch e tinanung ko siya kung my nagawa ba akong hindi maganda or nabobore na siya sa akin. Sabi niya e "There's nothing wrong with you ser, except for the occassional.. alam niyo na" Sabay turo sa sentido. "But that's not the reason."

"Teka nga Manang sumusobra ka sa English. Dudugo na ears ko."

"Pardon me. Ang reason ko sir e"

"Mag-aaply ka sa call center dahil Maininggles ka?"

"Hindi po. Let me finish. Mag-aabroad po ako at duon mamamasukan plus meron pa akong hidden agenda. Sa France ako mamamasukan kasama ang tita ko at hahanapin ko na rin ang aking French dad. Pinabasa ko naman sa'yo ser 'yung sulat ko kay ate Charo di ba? Nangungulila ako dahil iniwan ako ng aking ama. Hinahanap ko ang kalinga ng isang ama. Na French."

Naintindihan ko naman kahit na may halong pagpapatawa. Since close kami ni Manang, e nagpatulong na rin ako maghanap ng kapalit niya. Sabi niya no problem at kinahapunan e dumating 'yung inirekumenda ng amo ng bestfriend niyang yaya sa kabilang gate lang. So, ininterview namin siya.

Kokoi: Anu pangalan mo hija?
Manang: Ser nakasulat naman sa Bio-Data o at andaling ipronounce. Ayumi Marcos Kinimoto. (then tingin sa nag-aaply) So i'm guessing you have Japanese lineage and Marcos, most probably from the Ilocos Region. I therefore conclude na ikaw ay isaaaang?

Kaming Tatlo: ILOCANONG HAPONESA!

Sa tingin ko ay magkakasundo rin kami ni Ayumi kaya pinaubaya ko na siya kay Manang na iTrain niya for 1 week at ituro ang mga gamot at dosage na kailangan kong inumin from time to time. Sinigurado ni Manang na memorized lahat ni ayumi ang mga yun bago siya tuluyang umalis.

Iyakan ang nangyari nang paalis na siya kahapon. Lungkot at saya ang naramdaman namin dahil bago na namang adventure to sa buhay namin. Of course, I wish Manang all the best! At bago siya sumakay ng taxi e may pahabol pa siyang message kay Ayumi.

"You know, a million girls would kill for that job."


18 comments:

Alec said...

Why is everybody half-frennnssss lately?

~Carrie~ said...

Natuwa ako sa entry na itu, at kay Manang.

dru said...

w0w ha...mga soxal pla mga kasama mo ser...sa pangalan plang mga bigatin na...

Unknown said...

napa-LOLs talaga ko sa entry na tu.. Tuwang-tuwa ako kay Manang. This is a very FUNNY post!! By the way, thank you very much sa link.. Astig! Ingats!

Anonymous said...

hahaha. devil wears prada ang drama! ahluveet! ang sosyal sosyal ni manang at ang bait pa. kung yan ang mag-aalaga sakin, e di why not! wag lang siyang mag-french at baka dumugo ilong ko. hehe.

meow said...

hahaha! til now tawa pa rin ako ng tawa sa devil's wear prada line ni manang! hahaha!

nakakaaliw ang entry!

meow said...

the devil wears prada pala! hahaha! loka na ako!

. said...

Astig!

lucas said...

hahaha! one of the funniest post i've read since i started blogging! hahaha! sosyalin pala yang si manang eh...may dugong french...she reminds me of 'inday'. hehe! sana makita niya dad niya...

paalis na din yung katulong namin...maraming ng nagdaang katulong samin but still malungkot pa rin kapag naalis sila. in a way they, become more than just house helps...

keep writing, kokoi :)

OliverTwist said...

hayan na, i thought mahaba ang exposure ng bisayang french, sayang at umalis agad sya... di kaya ng powers ko ang blog ni kokoi... bow ako...

Aris said...

hahahaha! naloka ako sa parting words ni manang. sosyal! i'm sure feeling andrea si ayumi nang mga sandaling iyon. :)

Unknown said...

ahaha. natawa ko dun tsong ah!
haha.lupet ni manang!

ingaats tsong! :]

Maico said...

Hi Kokoi, salamat sa comment mo sa isa kong blog. Nga pala di na active un, this is my blogsite now. www.maico-emosociety.blogspot.com thanks ulit.

Mel Alarilla said...

Dear Fellow Member of Filipinos Unite!!!,

We enjoin you to please copy and paste the Prayer Tag and Link For The Philippines and The Filipinos and post it at your own blog. You can add your other blog/s at the end of the link or if you have only one blog and are already included in the link, you may repeat your blog’s name at the end of the link. Be sure to utter the prayer for 9 consecutive days or as often as you can. Tag as many bloggers as you can, preferably Filipino bloggers. But only bona fide Filipinos will be included in the official registry of all Filipino bloggers. As a service to our fellow members, may we request you to please visit at least 10 members a day- 5 members that you know and 5 members that you do not know so that we can help each other improve our page rankings. Please copy the whole post from the picture to the end of copy sign.

Thank you very much for your wholehearted support of this project. God bless you and your family always.

Very respectfully,

Mel Alarilla of Filipinos Unite!!!

Jes said...

natutuwa ako kay manang at sa bagong ipinalit. may something. haha!
ngunit, sad that she left.
dropping by. (:

OliverTwist said...

ay ano naman daw yang prayer prayer na yan... parang chain letter ang drama...

Anonymous said...

hahahah! funny account naman of your search for a new manang ;-) winner lefebvre and apelyido nya?

Kokoi said...

@alec- uso siguro. heheh..

@carrie- hehe. thanks sa pagbasa.

@dru- sa pangalan pa lang 'yun. ewan ko pa lang pag nakita mo ang porma nila. hehe...

@mon- no prob 'tol! thanks sa pagbisita!

@pao pielago- cge, magrerecommend ako sa'yo ng kamag-anak ni manang. hehe...

@meow- wag sobrahan. baka kabagin. hehe..

@mugen- thanks!

@lucas- onga, lungkot pag umaalis na sila.. :(

@olivertwist- malay mo, bumalik si manang!

@aris- di pa ata napanuod ni Ayumi yung pelikula. di siya nagreact e. hehe..

@jeszieboy- ingatz din tsong! balik ka!

@maico- cge, bibisitahin ko yang bago mong blog!

@mel alarilla- god bless you too!

@jes- thanks for dropping by! ganda ng colors ng blog mo!

@gandarynako- korek, apeltido pa lang, winner na! hehe..