Mga 4 or 5 am na ata yun. Naisip ko e baka sulat ni Ayumi yun na nagsosorry dahil mga halos 1 week ko na siyang hindi masyadong kinikibo. Hindi naman ako galit sa kanya, medyo sumama lang ang loob ko dahil nalaglag niya yung iPad ko at ngayon e meron ng mga gray lines accross sa screen niya. Wala pa kasing 1 week sa akin yun. I repeat, hindi ako galit sa kanya.
Eto ang sulat niya.
Dear Ser K,
Good day!
Sorry po talaga. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasorry sa nagawa ko. Hindi ko po talaga sinasadya at hindi ko na alam ang gagawin ko para matanggal na ang galit mo sa akin. Alam mo ser, masama din naman ang loob ko kasi ang sabi mo noon sa akin e kapag ang isa sa atin ay sumama ang luob e sasabihin niya sa isa para mapag-usapan at maayos. Pero ser, hindi mo na ako kinakausap. Masakit po sa akin yun. Araw-araw na lang akong gumigising na hindi makatulog sa gabi. Lagi ko na lang iniisip kung ano ang gagawin ko para mapangiti ka. Nagpapatugtog ako ng Lady Gaga araw-araw sa umaga para mapasaya ka pero ngayon e parang naririndi ka na.
Ser, alam kong kasalanan ko at alam mong hindi ko naman kayang bayaran yun kahit ilang taon ako mamasukan sa'yo. Ser hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko. Sa tingin ko ay hindi mo na ako mapapatawad. Kaya sa tingin ko ay aalis na lang ako. Baka kasi madagdagan pa ang kasalanan ko sa iyo. At least, looking at the bryter side e tatahimik na ang bahay at wala ng mang-aasar sa'yo. Je je je! At tsaka ser, wag mo na pong bayaran yung sweldo ko nung January na sinabi mong ibibigay mo by February 15. Okay lang ser, sobrang laki na ng naitulong mo sa akin.
Pagkatapos kong basahin yung linya na yun ay parang nagtaas pa ako ng kilay at nasabi ko ata sa isip ko na tama, umalis ka na. Pero natauhan din ako after a few seconds. iPad lang yun, at mas higit pa ang naitulong niya sa akin mula nung nagsimula siyang magtrabaho sa akin.
Itinigil ko muna ang pagbabasa. Namuo ang luha ko sa mga mata at nang matauhan ay dali-dali akong nagbihis. Hindi ko na muna tinapos ang sulat dahil baka hindi pa siya nakakalayo. Baka nasa istasyon pa lang yun ng bus pauwing Ilocos.
Habang nag-aayos ako e nagflashback yung ibang nakakatuwang times namin gaya nung time na tinuturuan ko siyang ng tongue-twisters at ang pagkakabigkas niya ay "She sells chisels by the seesaw." Hindi ko alam kung bakit iyon ang pumasok sa isip ko.
Naisip ko rin na kaya pala for the past few days na hindi ko siya pinapansin e puro adobo na lang ang niluluto niya. Paborito ko kasi yun. Di ko man lang napansin na pinapagaan na pala niya ang luob ko kaya halos lahat ng uri ng adobo e nailuto na niya.
Naguilty rin ako dahil naalala ko nung birthday niya e pinaghanda nga namin siya kasama ang mga friends ko pero maghapon lang kaming lahat nanuod ng live coverage ng hostage crisis. Nakatulog na siya bago pa nabaril yung hostage-taker.
Tumutulo na ang luha ko habang naaalala ang mga iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at itinext siya. Tinanong ko kung asan na siya at susunduin ko siya pabalik. Nagsorry ako sa text. Para na akong bata na umiiyak at lalo pa akong nainis dahil natagalan ako sa paghanap ng susi ko.
Tumakbo na ako palabas ng bahay at naghanap ng taxi. Lumuluha pa rin ako. Hindi ko siya matawagan dahil alam kong di na kasya ang load ko. Nakadagdag pa iyon sa inis ko sa sarili ko. Ilang minuto pa akong naghintay, nauubusan na ako ng pasensya pero tuloy pa rin ang pagluha ko. Sinubukan ko na na maglakad at nagbakasakaling may masalubong akong taxi.
Naaninag kong may paparating na na taxi kaya nagpunas na ako ng luha. Bigla namang may nagtext.
Si Ayumi.
"Ser, andito pa ako sa kwarto ko. Nagbabalot pa lang."
17 comments:
kuya kokoi! kamusta ka na? nagkadengue ka? hope you're okay na
baka one of these days umakyat ako ng baguio... hope i can meet you...and ayumi :)
haller tito kokoi..
kumusta ka naman? ok na ba?
kkaloka naman.. sana check muna ang warto bago lumabas.. hehehe panu na lalng kung nasa town ka na nung mareceive ang text niya? ang effort! hahaha
welcome back!
the mang dagul-brosia version team is back, finally! hope you'll update regularly. i fell in love with your blog the first time i read it... ante, keep it up!!!
i miss you kokoi.
hindi mo talaga binibigo ang mga readers mo. mawala ka man ng matagal pero sinusulit mo iyon ng mga nakakatuwa mong entry.
naloka ako kay Ayumi. at ang shala shala mo dahil nakaiPad ka na. hehehe
:)
Bakit wala yung signature na posted from my iPad. :)
i love your blog!!!
hahaha! effect talaga ang mga eksena ni ayumi. kokoi, my dear friend, i missed you so! :)
i've been waiting for this the whole time. . .. kasi naman hindi ni check ang kwarto . . . dami kong tawa
nakakaasar..nadala ako eh..tapos biglang bumuwelo sa dulo. hahahaha! nice nice! :) pero ito talaga ang malupit sa lahat..
-Araw-araw na lang akong gumigising na hindi makatulog sa gabi. (paano nangyari yun? hahahahah!)
axcited si sir . hahaha
Boog! ahahahaha..panalo talaga si ayumi.. :D
-tagal ko na nagbabasa dito, di lang kao makapag comment..hehehe. Silent follower..:D
richness ka nga talaga ading..ipad kung ipad..
napanan aya..welcome back..
maligayang pagbabalik kokoi :) uber na-miss ka ng buong kapuluan haha :D
false alarm nyak, minsan kasi maghanap muna sa bahay bago sa labas :D nice at muling nagbabalik eksena si Ayumi :D
hahahahaha!
hay kokoi... namiss kita... :)
love it...tagal ko rin pong inantay tong next blog nio ser kokoi ^_^
merry christmas, my dear friend kokoi. :)
ako'y napadaan at na-aliw.
=)
Post a Comment