"Ayumiiiiiiiiiiii!" sigaw ko.
Yes, I know na halos limang buwan akong di nakapagsulat dito at responsibilidad kong sabihin sa inyo ang dahilan. After kong sumamang magsulat para sa isang dramedy film na isinali sa MMFF last December (naks yabang!), e sumasideline naman ako sa pagsulat ng dalawang comedy shows sa singko ngayon. And yes, i don't feel any pressure right now. I apologize to my dear readers dahil kung wala kayo, e, ako lang magbabasa ng mga posts ko. :) Hindi ko iiwan itong blog ko, i promise! :) at isa pang smiley ulit. :) Anyway, back sa kwento.
Bumangon siyang tumatawa at nautot pa ata ng kaunti.
"Gago ka Ser! Nung ako gumawa sa'yo niyan e napikon ka! Sira talaga brain damage mo!"
"Nagpanggap lang akong pikon! Gaga!"
"Pwes, hindi pagpapanggap yung paghampas mo sa kin!"
"Jowk lang din yun. Wag ka nga!"
Umirap siya and then kumindat. Parang ewan lang.
"Ser, pwede bang mag-advance? Gusto ko kasing bilhin yung binebenta ni Bon-Bon na ..." napa-isip ng konti "anti-aging lubricant ata yun!"
"Gaga! CREAM! Anti-aging CREAM! Hindi naman siguro tumatanda yang kiyeme mo kapag regular na lubricant lang ginagamit niyo, ano? Anti-aging lubricant ka dyan!"
"Sensya, nagkamali lang. Pwedeng maging imperfect?"
"Magkano kelangan mo?"
"Three thousand fifty-three."
"Pramis? May excess? Wagi!" Dumukot ako ng pera at nagbilang. "Bakit may sobrang fifty-three?"
"Sinadya ko 'yun Ser para mairedirect ang focus mo mula sa tatlong libo."
At saka ko pa lang narealize na, oo nga, tatlong libo para sa anti-aging cream e 600 lang ang bili ko kay Bon-Bon. Secret lang natin yun, my dear readers, pag nalaman ni Ayumi na bumili ako e sangkaterbang pang-aasar ang ibabato niya sa akin everyday. Hehehe. So anyway, hindi ako naka-isip that time ng palusot para sa kabobohan ko, kaya inadmit ko na lang.
"Humahanga ako sa napa-istratehikong panlilinlang mo. At may nalalaman ka pang focus redirection diyan! Clap! Clap! Clap! At dahil diyan, hindi ko na tatanungin kung saan mo gagamitin ang pera mo."
"May bibilhin kasi ako para kay Marvin."
"Sabi ko nga, hindi ko na tatanungin sa'yo di ba? Kaya wag mo na sabihin. Pera mo yan at pinaghirapan mo yan kaya ikaw ang magdedecide. Hindi ako makikialam. Promise. Cross my heart. Hope to die. Stick a needle in my eye."
"Bibilhan ko siya ng second hand na PSP."
"Ano? Anak ng...Nag-iisip ka ba?! Bakit mo siya bibilhan ng PSP? Last month e binilhan mo na siya ng portable dvd player and then before that e binilhan ng second hand na iPhone last Christmas. Mag-isip ka nga!"
"So ser, ang pangako mong hindi ka makikialam e tumagal lang ng two seconds?"
"That is beside the point! Hindi ka nag-iisip! Para kang walang pinag-aralan!" Nakita ko sa mata niya na medyo nasaktan siya ng konti.
Isang tumatagingting na silence.
I know, OA, ang reaction ko and upon realizing that, "Sorry, 'Yumi. I am so out of line. That was so uncalled for."
Niyakap niya ako.
"Ser, alam mo, hindi ko naintindihan yung dalawang last sentences mo pero i'm sure na galing sa puso mo yun."
Napangiti lang ako.
"Sigurado kang bibili ka nung binebenta ni Bon-Bon? Ayaw mo na bang i-maintain yang balat mong may naturally glowing, youthful dryness?" pagbibiro ko.
"Para kay Marvin yun Ser."
And yes, inabot kami ng Mara Clara sa pagdidiskusyon.
23 comments:
akala ko namamalikmata ako nung nakita kong may update ka sa google reader ko.
mygawd! hahaha
ano ba itei... tuloy-tuloy na? or after 5 months ulit? hahaha
natawa ako ng bongga sa anti-aging lubricant..
ang shala ni ayumi.. makaregalo ng gadgets ke marvin.. hihihi
welcome back tito kokoi..
sana dere-derecho na ulit blogging mo..
\amisyuu hihihi
oi hindi ka na nagparamdam ha..
www.lifes-a-twitch.com
i have almost forgotten how much i loved hanging out here...
i miss you and ayumi...
at congrats sa mga sidelines... :))
bukas makalawa sa primetime bida ka na raratsada Koi! yaiy
Haha! Walang kupas pa din ang tandem niyo ni Ayumi as usual!
Welcome back Kokoi! :)
totoo ba ito!!!?may post na?ahah after 45 yrs. . ahaha
huwwwaaawww!!! Nagbalik ka ser kokoi at si ayumi... ayos! aliw pa rin ang mga kwento niyo.
Kokoiiiii!!!! Nagbalik ka. Taray ng sideline. Indie at TV shows. Umaarangkada ang karera! Go go go! All the best, sis!
Kokoiiiii!!!! Nagbalik ka. Taray ng sideline. Indie at TV shows. Umaarangkada ang karera! Go go go! All the best, sis!
~Carrie~
super miss you kokoi. hindi na tayo nakapagchat ulit. hehehe. :)
nakakamiss din si ayumi. lokaret pa rin :)
namiss kita! :D
congrats sa mga raket!! glad to see u back! =D
kakamiss ka naman hehehehe dalasan na yan
kokoi, my friend, haymishu! una sa lahat, welcome back. pangalawa, congrats and good luck sa iyong bagong career bilang isang manunulat. pangatlo, sana tuluy-tuloy na uli ang pagiging aktibo mo rito. ang saya-saya lang ng araw ko kapag nababasa kita. :)
antaray ng sideline...
welcome back kabsat...
greetings, i newbie, i like blogwalking
Ayumi pwedeng ako nalang bilhan mu ng psp? hahaha. nakakamis kayong amg amo. :D
i love reading your stories lalo na pag kayong dalawa na ni ayumi ang mag ka eksena
bongga ang blog ni kokoi. first time ko dito yow!
i like the layout of the blog.... so cool and green. from baguio u pala, it's coool seeing u kababayan. hihihi
hi, i followed your blog, can u follow my blog too? http://amazingjudericneri.blogspot.com thank you :))
hi, i followed ur blog already :) pls follow mine too. amazingjudericneri.blogspot.com thank you :)
hi, i followed ur blog. follow my blog too. amazingjudericneri.blogspot.com thank you.
wow astig nmn ng work mo dre
wc back din po
LoL sa natural dryness skin ni Ayumi!
hahaha.. as usual, i enjoyed reading your posts.
I missed it here. Hi Kokoi!
:)
ngapala,
http://www.monzavenue.net na link ko hindi na monzavenue.com paki-update na lang at your most convenient time :)
Post a Comment