Medyo galit sa akin si Ayumi dahil hindi ko sinasadyang makita sila ni Marvin na nagjejerjer sa kwarto niya.
"Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya!" I really meant it, pero nahihirapan akong hindi ngumiti. As in!
"Hindi pa rin kita kikibuin kahit anung sorry mo! Nagustuhan mo ba yung nakita mo?"
Oo ang sagot sa isip ko kasi maganda nga ang katawan ni Marvin at yes, nakita ko.
"Hindi a! Hindi ko nga sinasadya! Ikaw naman! Sorry na! Anu ba pwede kong gawin para di ka na magalit?" Somehow, naisip kong ireregret ko ang tanung na yun pero di ko na pwedeng bawiin or baguhin dahil baka lalo pa siyang magalit.
Napangiti si Ayumi. 'Yung nakakalokong ngiti.
"Magthreesome tayo ng boyfriend ko."
"'Tangina mo! Gaga!" At syempre ang rule sa bahay e tuwing mamemention ang word na 'Gaga' e kailangan naming magpose ng kahit anung signature gesture ni Lady Gaga. This time e parehas naming tinakpan ang isang mata. Then, balik na sa usapan.
"Seryoso nga, anung gusto mo?"
"Okay, since alam kong wala ka pang pera e ilibre mo na lang ako ng Eclipse, 3D!"
Walang 3D nun dito sa Baguio pero nag-okay na rin ako.
"Okay, last full show tayo mayang gabi sa SM."
"Sa'ng SM?"
"Ilan ba ang SM dito sa Baguio?"
Tinaasan niya ako ng kilay. This time wala akong laban.
"SM Baguio po." kako na lang.
At pagkatapos ng palabas e walang tapos na paulit-ulit ang joke nya sa akin.
"Alam mo ser kung nagsasalita yang kape mo alam mo kung ano sasabihin niya sa'yo?"
"Ano?"
"I'm hotter than you!"
Hindi ako kumibo.
"Ser, bukod sa 'Ilove you' e ano pa ang sinabi ng mga ex mo sayo?"
"Ano?"
"E di 'I'm hotter than you.' obvious naman ser di ba?"
Hindi pa rin ako kumibo.
"Hindi ka tatawa, ser? Let me remind you na may kasalanan ka sa akin."
Nag-fake laugh ako.
"Ayan ser, tinext ko na si Marvin at sinabi kong nagsosorry ka na."
"Thanks. Galit ba siya? Ano sabi niya?"
"He's hotter than you daw po."
Alam kong aabot ng ilang araw ang joke na yun kaya prinepare ko na ang sarili ko.
The next day e wala na siyang galit sa akin.
"Alam mo ba sasabihin ng sabaw, ser kung nagsasalita yan?"
"Oo, 'I'm hotter than you' na naman."
"Hindi! 'Hipan mo muna ako, wag kang patay gutom!' ang sasabihin niya."
"Ay? Lumilevel-up?"
"Of course, I'm smarter than you."
Immune na ako kaagad sa joke kaya ignore, ignore na lang.
"Maiba tayo ser, sa tingin mo anu ang ginagamit ni Prinsesa Urduja at ng mga royal blood nuon dito sa 'Pinas para pampaputi ng kili-kili. "
"Ewan, kalamansi? Bakit mo naman naisip na maitim ang kili-kili ni Prinsesa Urduja?"
"Di ba gumamit na daw ng kalamansi sa kili-kili si MacMac?"
"Oo, pero wa epek daw. Makati at mainit daw sa balat. Nagsuggest nga ako ng suha para mas malakas ang effect! Hehe.."
"So ser, kung contest ang dalawang prutas sa pagpapaputi e mananalo ang suha?"
May excitement sa mata niya. Sign ng impending corny joke.
"So kung mas mainit sa balat ang suha kesa sa kalamansi, ang sasabihin ng suha sa kalamansi ay?..."
"OMG, wag mo na ituloy please?" pagmamakaawa ko.
" ...I'm, hotter, than you!" sabay halakhak niya.
Kailangan ko na talaga maghanap ng bagong katulong.
30 comments:
akala ko puro problema lang ang mundo... tapos nabasa ko ang blog mo.
nasa office na ako since 7am. starting around 7:15 tawa na ako ng tawa habang binabasa ko yung mga entries mo. haha. thank you.
keep rocking! \m/
thank you! thank you! thank you! :)
grabe isang magandang blog na pampabuena mano ng umaga ko. luv it. walang lugi :))
kahit kelan talaga si ayumi.
i want mooooooore.
actually blognikokoi ang inuna bago mag-breakfast. busog na ko sa mga hirit palang ni ayumi, no need to eat na. yumi-ayumi. haha. so great talaga kokoi.
haha. ayumi is a well-loved character, kokoi.
speechless naman daw ako. thanks! magawan nga kita ng link sa right.
Yey. Thank you soooo much. Sooo happy nakita ko na name ko sa Link mo. Haha. Grabe Kokoi na-oobsess na ko sayo. Ikaw na ang laman ng mga wall ko sa fb since nai-follow kita.Frustrated writer kasi ako, kaya sobrang hinahangaan ko yung mga tulad mo na ang lakas ng sence of humor sa pagsusulat. :)
ang down at ang sad ko ngayon pero after reading this entry, pramis, napahalakhak ako.
thanks kokoi and ayumi. the best talaga ang tandem nyo. :)
@ BJOY - I'm so happy that i make u happy! kita ko nga posts mo sa fb mo! maraming salamat. And about being a writer, eto ang mga sinusundan kong parang guides o rules. gusto ko lang i-share.
1) Write from the heart.
2) Be who you are.
3) Stop when you're done.
i hope that helps! happy bloggin! :)
@ CARRIE - oo nga e.. heheh...
@ JEPOY - cyber hugs! kakagaling ko sa blog mo....
Thank you talaga. lol. Minsan kasi walang pumapasuk na idea sa utak ko kaya nagpapakatrying hard naman akong magsulat. haha. Then pag meron naman, grabe kahit super late na, bumabangon talaga ako para i-jot down, para di ko makalimutan. Haha. Thank you talaga sa nai-share mo, I'm sure it will help me a lot. Keep it up. :)
Grabe Kokoi, pwede mo nang gawan ng libro yang mga banters ninyo ni Ayumi. Pde mo bang ipahiram sa akin yan para naman ma lighten un ang buhay ko. Hehe.
sense of humor rather. :)
ahahahahaha di ko ma-imagine itsura ni Ayumi at Marvin ng mahuli mo sila...
yaiy...
hahaha. natawa me here..astig.
PAK!!!! love na love ko 'to. award na award. hihihi
love your post!! it made my day..
@ LOUIE - kailangan ko pa si Ayumi sa blog ko... heheheh!
@ BJOY - ganun din ginagawa ko, talagang isinusulat ko kasi minsan e sumasablay ang memory ko... heheh
@ YJ - kalahating gross at kalahating yummy ang nakita ko. si Ayumi of course ang gross heheh...
@ KIKILABOTZ - thanks sa pagdalaw!
@ NIMMY - Maraming salamat! hehe..
@ MELODY - thnaks sa pagbalik! ikumusta mo ko kay Mon...
hahaha.. ay lab Ayumi's sense of humor! =)
eto pa isa, ano sabi ni siling labuyo kay bell pepper?
hehehe...
kaloko talaga si ayumi...
as usual... eto na namang post mo ang nakapagpangiti sa akin ngaun araw na toh.. keep em coming.. namimiss ko na yung madalas na posting mo...
kumusta ka naman? kung kelan andito na ko sa city of pines saka hindi ka na nagparamdam.. hehehe
Hahaha! I have been too lazy today and was bloghopping and I happened to see yours. Thank you at napa ngiti mo ako today. I missed reading your posts. Keep it up. Regards ke Ayumi. Hahaha!
kokoi, sana may nabibiling isang katulad ni ayumi sa ukay-ukay. haha.
wahhh di ko kinaya si ayumi! LOL! buti pa sya may boypren :) haha
sosyal ka man ading ta adda katulong mo..and she's soo funny ha..
Grabe 'di nakaget-over sa "I'm hotter than you" . hahaha. enjoy e.
bwahahaha! buti pa si ayumi me jer! achieve na achieve ang blog na ito kokoi, winner ka talaga..
i am one of the followers who had a bad day pero when i read this, hala, bongga, hahaha!
thank u kokoi, keep it up! thank u for making us smile!
Nagjejerjer.
First time I ever heard this word. Very unique. Haha.
Kokoi where are you na? paramdam naman, nakakamiss. :D pati si Ayumi nakakamis.
Kokoi! Asan ka na?! Haha! Namimiss ko na kayo ni Ayumi! Waaahh??!!
eto na eto na.. sorry po.... i was kinda busy..... k-kinda busy... heheh..... salamat sa mga nagcomment!
Post a Comment