March 26. Naalimpungatan ako sa boses ng dalawang tsismosa.
Sinubukan kong buksan ang aking mga mata pero right eye lang ang naibukas ko ng maayos. Hindi familiar sa akin ang kwartong kinaruruonan ko. Hindi ko alam kung nasaan ako.
Bigla kong naramdaman ang sakit sa iba't-ibang bahagi ng aking katawan.
"Mr. de Ayala, pahinga na lang muna po kayo."
"Asan ako?"
"Benguet General Hospital po."
"Anong nangyari sa akin?"
"Sir, naaksidente ka po. Nasa ICU 'yung kasama niyo."
Bigla kong naalala na nakaangkas ako sa motorcycle ng colleague kong si Paulo Miguel. Galing kami ng work non papunta sa Zola para mag-inuman. Gang katapusan na lang kasi ako sa work. Naalala ko na nabangga kami ng isang owner.
May naramdaman akong familiar na hapdi. Tama, naka-catheter na naman ako.
Gusto kong malaman kung ano na nangyari kay Paulo Miguel pero wala pa akong lakas para magsasasalita. Natulog ulit ako.
Nagising ako sa iba na namang kuwarto. Nakita ko si mama na mamula-mula ang mata. Lumapit siya sa akin at binatukan ako sa parte ng ulo ko na hindi namamaga.
"What the hell were you doing riding a motorcycle? You could have died!"
"Bakit ka nag-i-English?"
"Oh yes nga pala. Kokoi, this is your Tito Frank."
Hanep si Mama, nakabingwit naman ng amerikano.
"We transfered you here because it's so much nearer. Benguet Gen is so very far away! "
"Ano'ng ospital 'to?"
"Mag-English ka! Your tito can't understand you!"
Tinaasan ko na lang siya ng kilay.
"Sto. Niño Hospital."
"Kelan daw ako lalabas?"
"Tarantado! Nakasemento pa nga 'yang paa mo tapos gusto mo nang lumabas? Wag ka ngang gago! Fresh pa nga 'yang mga tahi mo sa katawan!"
All the single ladies! All the single ladies!
"Ma, abot mo nga phone ko. May message ako."
"Anung phone mo? Sa akin 'to! Pinauwi ko mga gamit mo sa bahay tsaka di mo rin naman magagamit yun sementado ka at namamaga ang tenga mo. Pahinga ka na muna."
Tumingin siya kay Tito Frank at sinabing "Oh, sorry." Then tumingin sa akin, nagsmile at sinabing "You sleep now little baby monkey." Sabay pitik sa ilong ko.
Pagkaalis nila mama e binisita ako ng resident doctor para kamustahin.
"How are you feeling now Mr. De Ayala?"
"Eto doc, feeling inutil. Anu-ano po mga damage ko sa katawan?"
"Well so far wala ka namang nabaling bones. Nadislocate yung left knee mo kaya nakasemento at ung right hand mo e bugbog ang inabot. Meron kang stitches sa left leg mo, then dyan sa likod ng tenga mo. Mukhang nag-acrobat ka ata at kung saan-saan ka tumama. Pero ok lang, konti lang stitches mo. Meron kang. . . . Uy! Meron ka lang namang four..."
Nilipat ang pahina.
"ty-two stitches. Sorry mali spelling nila. 42 stitches which i believe is healing fast. Medyo matatagalan ka pa dito then kelangan mo ng therapy after mong mairelease."
So I stayed there for like 10 years. Medyo laki din ng bill pero ok lang, andyan naman ang PhilHealth. And about Paulo Miguel, bali ang buto niya sa left leg pero ok lang daw kasi marerepair naman daw. Cyborg siya ngayon dahil sa bakal sa left leg niya. Aalisin din daw after some time then makakalakad na kami ng normal. Saklay ang drama namin ngayon.
About sa nakasagasa sa amin, bahala na ang lawyers namin.
Pagkauwi namin ni mama sa bahay ko e walang imik si Ayumi. Iniakyat ako ni Mama at Tito Frank sa room ko at ipinagbalot ako ng mga gamit. Dun muna daw ako sa Candon, Ilocos Sur dahil may kaibigan si Mama na magaling na PT for me.
Mga alas-siyete na ng gabi e hindi pa nakaluto ng hapunan si Ayumi. Kaming dalawa na lang ang nasa bahay.
"Ayumi?"
Silence.
"AYUMI!"
Pumasok siya sa kuwarto at pabalang na sumagot ng "Ano?"
Nagtaka ako sa tono ng pananalita niya.
"Ano'ng problema mo? Bakit ka ganyan?"
"Nagugutom ka na ba?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko.
"Teka lang kukunan kita ng pagkain."
Pagkabalik niya ay may dala siyang tray. Kanin sa plato, mangkok na may sardinas na sa tingin ko ay bagong bukas lang, isang basong tubig, kutsara at tinidor.
"Ano 'to?" tanong ko. Medyo naiinis na ako pero mas nababalot ako ng pagtataka. Hindi ko pa rin alam kung bakit siya nagkakaganon.
"Ano kaya kung paluhurin kita para magsabi ng sorry sa akin, ha? Kadarating ko pa lang mula sa mahabang biyahe. Alam naman natin kung gaano kahirap lumabas ng ospital. PLUS, hindi pa ako kumakain ngayong oras na ito and I have a fever right now! Isampal ko kaya sa'yo ang passport at ang credit card ko?"
Alam kong napanuod niya si Boyet Fajardo sa tv pero hindi siya natawa.
Isinara niya ang pinto at nagdabog siya pababa ng hagdan.
Kinuha ko ang saklay at iika-ika akong sumunod sa kanya sa sala. Hindi niya ako inimik. Nang makaupo ako ay tinalikuran niya ako.
"May nasabi o nagawa ba ako na kung saan e naoffend kita? Ano'ng maling nagawa ko? Magreresign ka na ba? Hindi kita maintindihan! Kakalabas ko pa lang ng ospital e ganyan na ang asal mo! Mag-usap naman tayo!"
Silence.
Hindi siya kumibo o gumalaw man lang.
Then after a while dumukot siya ng panyo. Saka ko pa lang napansin na kanina pa pala siya umiiyak at di niya pinahalata sa akin. Natahimik ako.
After niyang magpunas ng luha ay humarap siya sa akin.
"Huwag na huwag mo nang uulitin yan!" sigaw niya sa akin habang nakaturo sa paa kong nakasemento.
"Alam mo bang hindi ako nakatulog ng maayos mula ng mangyari yang putang-inang aksidente mo? Alam mo ba ang pinagdaanan ko nung mga unang araw mo pa lang sa ospital? Hindi ako mapakali kakaisip kung anong gagawin ko dito!"
Gusto kong maiyak pero natatawa ako sa luob ko. Alam kong concerned siya kahit ilang buwan pa lang siya sa akin.
After niyang kumalma e inupdate niya ako sa lahat ng tsismis sa kapitbahay at sa showbiz. Lahat ng details ay sinabi niya.
"Okay, updated na ako. Prepare ka na ng lutong ulam."
"Okay po Sir Koks, wait lang."
Ngumiti siya. Umakyat siya sa room ko at kinuha ung pagkain. Then after a while e bumalik siya sa sala dala ang mainit na pagkain.
"Galing mo magluto a! Langya! Ano 'to? Bagong putahe?"
"Oo naman. Nag-effort talaga ako. Would you like some juice with that?"
"Tubig na lang!"
Inihain niya sa akin ang na-microwave na kanin at sardinas.
23 comments:
OMG.... buti hindi ka napuruhan....
i feel for ayumi... hindi nga naman nakakatuwa ang nangyari.....
pero napangiti ako sa post ha.... kung hindi lang ako umiiyak sa sama ng loob ngayon, malamang tumatambling na ako sa kakatawa....
pagaling ka na.......
maraming salamat YJ. pagaling na ako. maraming salamat.
ano yang sama ng luob mo? basahin ko nga baka nasa blog mo...
OMG Kokoi! Naaksidente ka pala kaya pala walang update dto sa blog mo. Hope u'll be fine soon! At si Ayumi ha? in fairness, na touch ako! Take care Kokoi! :)
GOD! I'm glad you are fine now! Buti na lang masamang damo ka! Joke! Sige pagaling ka muna koi.
get well soon!!! tragic naman! welcome back!
Thank you guys! Raming salamat. Namiss ko mga BLoG niyo. Dami akong babasahin pagkabalik ko!
grabe ka, may humor pati sa pagkaka-aksidente. ngayon ko lang naranasang mabahala habang tumatawa! nakaka-dislocate ka ng emosyon hahaha!
friend, get well soon para makababa ka na agad dito sa manila. naghihintay sa'yo ang dancefloor ng bed!
ingat always. :)
salamat aris! yaan mo pagkagaling ko e magsasayaw ako papunta bed jan sa manila. :)
dami kong hahabuling basahin sa blog mo pagkabalik ko.
ingat ka din always!
Kaya pala nawala ka ng matagal. Glad you're alright dude.
hang cute ng dialogue nyo ng mom mo ah! hehe astig yung mom!
at natawa din ako sa inyo ni ayumi. kala ko inlove na si ayumi sayo eh. haha..
i tried to see you but i dotn know where to look for you... :(
paramdam ka naman...
i still got the same number..
super worried ako tito kokoi..
i tried to see you pero di ko lam wer to look for you... asa email ung wento about that...
paramdam ka naman. i still got the same number...
super nagworry ako sayo tito kokoi..
Godbless
waahhh..... kya nmn po pla.....an tgal nyung d nkpagpost....hmmm.....
nakuh.... buti nlang di po kau naintervew ni san pedro.... tsk....
thanks to God... ;D
well.... an sweet nmn ni ayumi.... hehehe..... nice one...
get well soon po.... :D
gosh. kaya ka pala nawala. that was a nasty accident and i'm glad coz okay...
...and your humor is still impeccable! hahaha! kahit na nakikita kong nahihirapan ka, the way you wrote this made me laugh my heart out!
ang sweet ni ayumi! :D
@Mugen- Thanks dude!
@Mon- Naku! try lang niya mainlove sakin. Sasabunutan ko siya!
@Tita Yanah- i'm so touched yanah! grabeh umakyat ka pa ng baguio! nakakahiya naman. maraming maraming salamat yanah! lam mo masaya ako nakuha mo na kids mo!
@Tita Yanah- i'm so touched yanah! grabeh umakyat ka pa ng baguio! nakakahiya naman. maraming maraming salamat yanah! lam mo masaya ako nakuha mo na kids mo!
@Raichie- buti na nga lang pinostpone ni San Peter ang interview. hehe. Maraming salamat Raichie! GodBless!
@Lucas- Thanks a lot! I'm glad i made you laugh! tc bro!
@OliverTwist- Ok lang! Di pa masyado makalakad.
totoo pala yung accidente? ako ko joke lang. sorry about that. i hope u get well soon.
MOnz Avenue
no problem mon. and thanks! i'm feeling better now
friend, salamat sa pagtitiyaga mo sa blog ko. talagang inisa-isa mong basahin ang mga posts with matching comments. i will pray for your quick recovery. take care always. :)
walang anuman aris. nagkacatch-up nga ako sa mga favourite blogs na namiss ko e. :)
ingat ka lagi!
pero muka nmng oke ka na ngayun.
nakakapag blog ka na eh!
hehe. :]]
onga e. mejo better na! hehe..
Post a Comment