World Maids Day

"Ser, Knock! Knock!"

Very ordinary na ang ganitong mga araw namin ni Ayumi. Pero kahit na matagal-tagal na kaming nagsasama, ew, I mean magkasama e madalang ako makaramdam boredom. Minsan kasi e lumilevel-up yung mga tirada niya pero most of the time e pang-effortless na ngiti lang yung ibang jokes niya.

"Sige, pero pag nakornihan ako jan e hindi ka na pwedeng mag-Knock-Knock for the whole week okay?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

Silence.

Tinitigan ko rin siya at tinaasan ng kilay with matching kamay sa bewang. Of course talo siya. Ayun nga sa kasabihan ng mga lolo't lola natin, "Mas mataas ang inahit na kilay ng bakla kesa sa babae." Kasabihan lang po yan. I don't shave my eyebrows... anymore.

"Ser iba na nga lang. Hulaan mo na lang to."

Nagbuntong-hininga ako.

"Minsan matigas, minsan malambot, minsan mahaba, minsan hindi, minsan maitim, minsan hindi."

"Ke aga-aga naman Ayumi putotoy na naman ang iniisip mo. Letch!"

"Oi Ser! Di ako bastos a. Tae kaya pinapahulaan ko."

Tumayo ako at dinala ang Philippine Daily Inquirer para magabasa sa kwarto ko. Minsan kasi e gusto ko naman ng mga seryosong bagay sa mundo ko.

"Teka, ser. Wait lang!"

"Anjan sa ilalim! Hindi ko kinuha!" Magkasama kasi lagi yung newspaper ko at tabloid niya tuwing bumibili kami. Nakasubscribe ata siya sa Bulgar at Ang Bagong Tiktik.

"Hindi yun Ser! Narinig mo ba ang latest chism sa neighborhood? Mas malaking balita eto kesa sa pagpasa ni Gloria ng korona, kapa, at disco stick kay Noynoy!"

"Okay. Kung hindi mo pa sinabi sa akin, ibig sabihin, wala pa akong narinig na tsismis."

"I see. So ganito ser,"

Hindi ko ilalagay dito ang tunay na nicknames ng mga characters sa kwento niya.

"Si Katulong Number 1 nahuli niya ang boyfriend niyang si Tamboy (tambay na boy) na nakikipaglandian sa text kay Katulong Number 2!"

I imagine jejemon style kasi ganun magtext si Ayumi.

"Sino si Katulong Number 2?"

"Siya yung babaeng nakakalimot maglagay ng Pond's sa leeg, ser."

"Aaaaah! O ano naman ang ginawa ni Katulong Number 1?"

"Ayun nagsisisigaw sigaw, nag-eskandalo sa harap ng gate nila Katulong Number 2! At pagkalabas na pagkalabas niya sa gate e hinampas-hampas ni Katulong Number 1 si Number 2 gamit ang walis tingting at dustpan!"

"Pati dustpan?"

"Hindi ser, pero I'm very very sure na naghampasan yata sila!"

"O tapos?"

"Ayun nagsumbong si Katulong Number 2 sa Kapisanan!"

Kapisanan is yung circle of friends nila Ayumi na binubuo ng mga katulong, tindera, housewives at ilang parlorista.

"Then ano nangyari?"

"Eto, ser. Alam ko na iisipin mo na ititiwalag ng Kapisanan si Katulong Number 2 at hihikayatin nila si Katulong Number 1 na makipagbreak kay Tamboy pero you are so wrong Ser Kokoi. You are so wrong! Merong twist!"

"Okay sige nakikinig ako. Ano ang twist?"

"Nang kinonfirm ng Kapisanan kay Tamboy ang nangyari, may revelation na never naming inasahan!"

"Ano?"

"Nabuntis ni Tamboy si..."

"Katulong Number 2?" hula ko.

"Hindi ser! Si Katulong Number 3!"

"Sino naman si Katulong Number 3?"

"Ready ka na ba?"

"Oo, ready na ko."

"Siya... ang co-founder... ng Kapisanan!"

"OMG!" As in nadala ako sa kwento niya.

"Talagang OMG!"

"Anung nangyari after non?"

"Out of town that time si Katulong Number 3 kaya walang nagawa ang sambayanan kundi maghintay sa pagbabalik niya. Feeling ko e nagpalaglag yun pero ang latest na pinakabagong update is that baka sisantehin ni Katulong Number 3 ang kanyang amo!"

She means the other way around.

"Ganun? Hala, asan daw siya as of this moment?"

"Aba malay ko ser, hindi naman ako chismosa para alamin pa kung nasaan siya."

Tumaas kilay ko.

"Pero 'yaan mo Ser, I will keep you posted. Isusulat ko na lang sa wall mo sa facebook."

"Gaga wag!"

"Okay ser tama na ang news. Ano lulutuin ko ngayon."

"Kahit anu basta masarap."

"E ser, kung masarap pala gusto mo e bakit 'di mo na lang tikman ang masarap na Pempengco?" sabay turo sa crotch area niya.

"Aaaah. Pempeng mo pala yan."

"Yes, ser eto ang Pempengco."

"Aaah! Nice one!" napangiti ako.

"Yan siguro 'yung knock knock mo kanina ano?"

"Tama ser. Hindi lang ako beautiful and smart, funny pa ako! What more can you ask for more?"

Tumuloy na ako sa kwarto ko.

17 comments:

~Carrie~ said...

Mareng Kokoi, na-miss kitang sobrang bonggang bongga! Walang kupas si Ayumi sa kanyang... colorful personality. Lavhet.

Null said...

haha ayos may natutunan nanaman ako! Pempengco! LOL dakilang adik si ayumi =)

itsMePeriod said...

pempengco talaga ha...ahahaha

Yj said...

my gawd... guapo ba yang si tamboy?

hahahaha natuwa ako sa pempengco imperness.... yaiy

i missed being here kokoi... :P

jepoy dacuycoy said...

nakakaloka ang kwento ha. at ang twist and turn nito. mas makulay pa sa mga bakla ang tsismis. at natawa ako sa kapisanan. LOL

namiss ko ang mga entry mo kokoi. :)

bn said...

love it love it love .. did i say love it .. hekhek

Trainer Y said...

HAHAHAHA..
MISSED YOUR POSTS TITO KOKOI...
KALOKA TALAGA TONG C AYUMI..
BUTI MAY NATITIRA KA PANG KATINUAN. SINCE MATAGAL-TAGAL NA KAYONG NAGSASAMA ESTE MAGKASAMA HAHAHA..

PARAMDAM KA TITO KOKOI

cliontharry said...

kool!

pseudoleebieme said...

jusme, walang kupas si ayumi hihihi..

Looking forward to your posts kokoi!

bn said...

oi tnx sa pagappreciate nang mga drawings ko . . . dont worry i'll try to make more

Nimmy said...

pak! award na award! palong palo!

Peppermint Becky said...

etching to the max!!!!

Abou said...

me part 2 ba to?

:-)

Anonymous said...

wahahaha!kakaaliw idol ka talaga kokoi!hehehe!ang namimis ko ay ung mga kwento mo abt ur therapist!hehe wala n bnun??haha

Kokoi said...

@ CARRIE - namiss din kita!

@ ROANNE - use it in a sentence everyday! haha!

@ ANTEROS - naman! hehehe..

@ YJ - i hope so! kasi kung hindi e maloloka ako! heheh.

@ JEPOY DACUYCOY - maraming salamat naman!

Kokoi said...

@ IBAÑES - yes you did! but you can say it again. hehe.

@ YANAH - nako mababaliw na ako dito! heheh..

@ CLIONTHARRY - thanks!

@ PSEUDO... - thank you! just posted the next entry!

@ IBAÑES ulit - :-) cant wait to see more!

Kokoi said...

@ NIMMY - maramin salamat! hehe...

@ PEPPERMINT - :)

@ ABOU - aba! welcome back! hehe. sa future pa siguro! hehe..

@ AGONY - Thanks for coming back! Medyo magaling na ko kaya wala na abt dun! Pero malay mo, bumisita ulit ako sa kanya. :)