Revelations

"Maitim nga ako e! E di natural, maitim ang singit ko! Tsaka 'di bale, maputi naman ang kaluluwa ko!"

'Di po ako ang nagsabi n'yan my dear blogmates. Pramis!

Meet MacMac again. Ang bestfriend kong balyena.

Kakabreak lang kasi nila ng boyfriend niya. Bitter siya.

"Binigay ko lahat sa kanya pero nauwi sa wala ang lahat!" Pagpapatuloy ng drama nya.

"When you say lahat, do you mean halos kalahati ng bawat sahod mo?" Pang-aasar ko.

"Bwisit siya! Akala nya perfect siya? Akala niya kung kalakihan naman!"

"Wag ka nga bumaba sa level niya na naglalabas ng baho kapag break na kayo!"

"E ganun din naman siya!"

"Kaya nga wag ka na bumaba pa!"

"Ok fine, di na."

"Ok na?"

"Ok!"

"So, really? Di kalakihan?"

ChiChi arrived almost an hour late at buhaghag ang buhok.

"Gurl, guess what?" tanong ni Mac kay Chi.

"Ano?"

"Naimbento na ang suklay! Eto, try mo." Sabay abot ng suklay.

"Mukhang kagagaling mo ng Commuter's Lodge at katatapos lumamon ng lalaking silahis a!" Pagbibiro ko. May obsession siya sa gay men. I don't know why.

Napangiti siya konti pero sumeryoso agad. Mukhang medyo totoo ang joke ko.

"O Mac, musta na?" Tanong nya na may pagpapahiwatig na ayaw pag-usapan ang ginawa niya.

"Ayun, I gave my all pero iniwan pa rin nya ako."

"By 'All' you mean a Neo Laptop?"

Nagulat ako sa sinabi ni Chi kaya tiningnan ko ng masama si Mac.

Nanlisik ang mata niya kay ChiChi sabay sabing "Secret Laptop! remember?"

"Ginawa mo yun?"sabat ko. "Hindi ba binalaan na kita? Tsaka bakit mo nilihim sa akin? Gusto mo bang isumbong kita sa ate mo? sa nanay mo? Sige ka! Iba-blog ko ito!" pananakot ko.

"Yan! Yan ang dahilan kaya ko nilihim sa'yo!" Sabi nya habang nakaturo sa ilong ko.

Medyo pahiya ang Kokoi.

"Chi naman kasi, pagsabihan mo naman si Mac. Di na natuto e."

"Pinagsabihan ko naman e. Sabi ko China Phone na lang ang ibigay nya para mas tipid."

"Gaga!" sigaw ko sa kanya.

"Mac naman, we care for you kaya kita pinagsasabihan. Wala pa kayong 2 months e kung ano ano na ibinibigay mo!"

"Kaya nga!" sabi ni Chi.

"Shut up nga kunsintidora!" sabi ko na lang.

"E ano ibibigay ko?" tanong ni Mac.

"Love and Orgasm." pagbibiro ko pero mukha nainis pa sila dahil hindi nakakatawa ang joke ko.

Konting silence pa then bumaling si Chi kay Mac, "Bale yaan mo pag nakasalubong ko siya sa Session e ipagsisigawan ko, with megaphone, na maliit yung kanya!"

"At ipagsigawan mo rin na power bottom siya! Hahaha!" dagdag ni Mac.

"Walang masama sa pagiging bottom." sabat ko na nireregret ko na.

Taas ang kilay ni Chi. "Bottom ka Kokoi?"

"Hindi a." Bulong ko.

"Hoy! Sabi ni Ayumi ikaw daw yung nakatuwad nung one time na nahuli ka nyang may ka-jerjer!"

Honestly wala akong maisip na palusot that time. Gusto kong magwalk-out hindi dahil sa biro nila kundi dahil may mga taong nakakarinig sa amin. Medyo mellow pa naman ang music sa Ionic Café.

"Guess what? Babalik na raw si Ayumi sa February after a very long vacation." Sa isip ko e perfect na change of topic yun kasi likes na likes nila si Ayumi.

"We know! Last week pa!" pambabasag ni Chi. "Bakit ngayon ko lang nalaman na bottom ka?"

"At bakit ko naman ikukuwento sa'yo?" isa pang regretful answer ko.

"So inaamin mo?" sabat ni Mac.

"Kaya ba para kang sakang maglakad kung minsan?" pagpapatuloy ni Chi.

"Or laging kamot ng kamot sa behind?" sabat ni Mac.

"Kaya wala kang white underwear baka mamantsahan after sex?" Si Chi.

"At kaya ka galaw ng galaw sa kinauupuan mo kanina pa?" Si Mac.

Hindi ako makaisip ng isasagot ko dahil sunud-sunod ang mga tanong nila at medyo napikon ako. Nag-asta akong magwalk out pero actually sa CR lang. Naghintay ako pero walang sumunod para pigilin ang pagwalk out ko.

Bumalik ako sa table at sinabi kong ako na ang magbabayad ng mga inorder namin basta wag na pag-usapan yun. Pumayag sila kaya naiba na ang topic. Pero pagka-abot ko ng bayad e, pinutakte na naman ako ng mga tanong ng dalawa. Kaibigan ko nga sila. :)

14 comments:

anteros' dominion said...

i really love the way you write.

kakaaliw

tanong lang po

(talaga bang paika ika ang lakad after magjerjer?)

Yj said...

oh my gawd... ang daming rebelasyon hahahaha....

namiss kita....

at namimiss ko na rin si Ayumi... but i have to say, lumeleve up ang kakulitan nina Mac at Chi hahahaha

karla said...

hehehe. panalo! glad to see u back online.

Mon said...

And that's the bottomline! hahaha

Welcome back!

www.monzavenue.com

Maico said...

Hahaha, hanep ka talaga Kokoi. Nakakatuwa ka dong. hehehe. Si Ayumi ba ay 'yong gay na crossdresser na nag Japan dati?

Aris said...

ang saya naman ng mga friends. ang kukulit! na-miss kita, friend. sana tuluy-tuloy na ang iyong pagbabalik. :)

Jepoy Dacuycoy said...

nakakatuwa ka magsulat. enjoy na enjoy at tawang tawa ako. IKAW POWER BOTTOM??? hmmmm

alimuom.atbp said...

oo nga, whats wrong with being a bottom ba? hehehe...

cheers!
red

kokoi said...

@ ANTEROS - oi! exageration lang nila un. hehe...

@ YJ - nahawa malamang kay 'Yumi. hmp!

@ KARLA - i miss your Blog too! pramis!

@ MON - Thank u!!! dot com ka na!!!!

@ MAICO - hindi a! hehe...

@ ARIS - miss na kita friend! i'll do my very best to post more often!

@ JEPOY - di ako power bottom.. hmp! heheh. :)

@ RED - cheers! :)

melody said...

nice naman ng story mo,, parang comics!!hehehe

raiChie_0823 said...

grabeh sila ah... hot seat!!..hahaha..

buti nman at bumalik kna sa blogging world..haha.. na miss kita..hahaha...

happy new year den at advance hapi valentines day... hahaha...


:D

gege said...

waaaah!
natawa ako...
hehe.
kulit nyu!!!

true friends.

^ - ^

~Carrie~ said...

Ateng Kokoi! Mustasa, kalabasa, at hasa-hasa? Ngayon ko lang nabasa to. As usual, Funny Serrano at Funny komiks ulit ang entry. Walang masama sa pagiging bottom. Que power bottom, ultra bottom o superelectromagnetic mega bottom, basta safe at wala ka sinasagasaang pusa sa kalye, ayos lang.

kokoi said...

@Melody - onga no? parang komiks!

@Raichee - namiss ko nga ang pagbablog! Bale, i'm really back na! I will try to post more than once a month na.. hehe.. Happy Valentine's!

@Gege - thanks! :)

@Carrie - Superelectromagnetic bottom! Hehe. Wala nga masama dun.. :)