Regret

Maaga akong nagising at may nakita akong sulat sa ilalim ng pinto ng kwarto ko.

Mga 4 or 5 am na ata yun. Naisip ko e baka sulat ni Ayumi yun na nagsosorry dahil mga halos 1 week ko na siyang hindi masyadong kinikibo. Hindi naman ako galit sa kanya, medyo sumama lang ang loob ko dahil nalaglag niya yung iPad ko at ngayon e meron ng mga gray lines accross sa screen niya. Wala pa kasing 1 week sa akin yun. I repeat, hindi ako galit sa kanya.

Eto ang sulat niya.

Dear Ser K,

Good day!

Sorry po talaga. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasorry sa nagawa ko. Hindi ko po talaga sinasadya at hindi ko na alam ang gagawin ko para matanggal na ang galit mo sa akin. Alam mo ser, masama din naman ang loob ko kasi ang sabi mo noon sa akin e kapag ang isa sa atin ay sumama ang luob e sasabihin niya sa isa para mapag-usapan at maayos. Pero ser, hindi mo na ako kinakausap. Masakit po sa akin yun. Araw-araw na lang akong gumigising na hindi makatulog sa gabi. Lagi ko na lang iniisip kung ano ang gagawin ko para mapangiti ka. Nagpapatugtog ako ng Lady Gaga araw-araw sa umaga para mapasaya ka pero ngayon e parang naririndi ka na.

Ser, alam kong kasalanan ko at alam mong hindi ko naman kayang bayaran yun kahit ilang taon ako mamasukan sa'yo. Ser hindi ko na po talaga alam ang gagawin ko. Sa tingin ko ay hindi mo na ako mapapatawad. Kaya sa tingin ko ay aalis na lang ako. Baka kasi madagdagan pa ang kasalanan ko sa iyo. At least, looking at the bryter side e tatahimik na ang bahay at wala ng mang-aasar sa'yo. Je je je! At tsaka ser, wag mo na pong bayaran yung sweldo ko nung January na sinabi mong ibibigay mo by February 15. Okay lang ser, sobrang laki na ng naitulong mo sa akin.

Pagkatapos kong basahin yung linya na yun ay parang nagtaas pa ako ng kilay at nasabi ko ata sa isip ko na tama, umalis ka na. Pero natauhan din ako after a few seconds. iPad lang yun, at mas higit pa ang naitulong niya sa akin mula nung nagsimula siyang magtrabaho sa akin.

Itinigil ko muna ang pagbabasa. Namuo ang luha ko sa mga mata at nang matauhan ay dali-dali akong nagbihis. Hindi ko na muna tinapos ang sulat dahil baka hindi pa siya nakakalayo. Baka nasa istasyon pa lang yun ng bus pauwing Ilocos.

Habang nag-aayos ako e nagflashback yung ibang nakakatuwang times namin gaya nung time na tinuturuan ko siyang ng tongue-twisters at ang pagkakabigkas niya ay "She sells chisels by the seesaw." Hindi ko alam kung bakit iyon ang pumasok sa isip ko.

Naisip ko rin na kaya pala for the past few days na hindi ko siya pinapansin e puro adobo na lang ang niluluto niya. Paborito ko kasi yun. Di ko man lang napansin na pinapagaan na pala niya ang luob ko kaya halos lahat ng uri ng adobo e nailuto na niya.

Naguilty rin ako dahil naalala ko nung birthday niya e pinaghanda nga namin siya kasama ang mga friends ko pero maghapon lang kaming lahat nanuod ng live coverage ng hostage crisis. Nakatulog na siya bago pa nabaril yung hostage-taker.

Tumutulo na ang luha ko habang naaalala ang mga iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at itinext siya. Tinanong ko kung asan na siya at susunduin ko siya pabalik. Nagsorry ako sa text. Para na akong bata na umiiyak at lalo pa akong nainis dahil natagalan ako sa paghanap ng susi ko.

Tumakbo na ako palabas ng bahay at naghanap ng taxi. Lumuluha pa rin ako. Hindi ko siya matawagan dahil alam kong di na kasya ang load ko. Nakadagdag pa iyon sa inis ko sa sarili ko. Ilang minuto pa akong naghintay, nauubusan na ako ng pasensya pero tuloy pa rin ang pagluha ko. Sinubukan ko na na maglakad at nagbakasakaling may masalubong akong taxi.

Naaninag kong may paparating na na taxi kaya nagpunas na ako ng luha. Bigla namang may nagtext.

Si Ayumi.

"Ser, andito pa ako sa kwarto ko. Nagbabalot pa lang."

Forgiven

Medyo galit sa akin si Ayumi dahil hindi ko sinasadyang makita sila ni Marvin na nagjejerjer sa kwarto niya.

"Sorry na. Hindi ko talaga sinasadya!" I really meant it, pero nahihirapan akong hindi ngumiti. As in!

"Hindi pa rin kita kikibuin kahit anung sorry mo! Nagustuhan mo ba yung nakita mo?"

Oo ang sagot sa isip ko kasi maganda nga ang katawan ni Marvin at yes, nakita ko.

"Hindi a! Hindi ko nga sinasadya! Ikaw naman! Sorry na! Anu ba pwede kong gawin para di ka na magalit?" Somehow, naisip kong ireregret ko ang tanung na yun pero di ko na pwedeng bawiin or baguhin dahil baka lalo pa siyang magalit.

Napangiti si Ayumi. 'Yung nakakalokong ngiti.

"Magthreesome tayo ng boyfriend ko."

"'Tangina mo! Gaga!" At syempre ang rule sa bahay e tuwing mamemention ang word na 'Gaga' e kailangan naming magpose ng kahit anung signature gesture ni Lady Gaga. This time e parehas naming tinakpan ang isang mata. Then, balik na sa usapan.

"Seryoso nga, anung gusto mo?"

"Okay, since alam kong wala ka pang pera e ilibre mo na lang ako ng Eclipse, 3D!"

Walang 3D nun dito sa Baguio pero nag-okay na rin ako.

"Okay, last full show tayo mayang gabi sa SM."

"Sa'ng SM?"

"Ilan ba ang SM dito sa Baguio?"

Tinaasan niya ako ng kilay. This time wala akong laban.

"SM Baguio po." kako na lang.

At pagkatapos ng palabas e walang tapos na paulit-ulit ang joke nya sa akin.

"Alam mo ser kung nagsasalita yang kape mo alam mo kung ano sasabihin niya sa'yo?"

"Ano?"

"I'm hotter than you!"

Hindi ako kumibo.

"Ser, bukod sa 'Ilove you' e ano pa ang sinabi ng mga ex mo sayo?"

"Ano?"

"E di 'I'm hotter than you.' obvious naman ser di ba?"

Hindi pa rin ako kumibo.

"Hindi ka tatawa, ser? Let me remind you na may kasalanan ka sa akin."

Nag-fake laugh ako.

"Ayan ser, tinext ko na si Marvin at sinabi kong nagsosorry ka na."

"Thanks. Galit ba siya? Ano sabi niya?"

"He's hotter than you daw po."

Alam kong aabot ng ilang araw ang joke na yun kaya prinepare ko na ang sarili ko.

The next day e wala na siyang galit sa akin.

"Alam mo ba sasabihin ng sabaw, ser kung nagsasalita yan?"

"Oo, 'I'm hotter than you' na naman."

"Hindi! 'Hipan mo muna ako, wag kang patay gutom!' ang sasabihin niya."

"Ay? Lumilevel-up?"

"Of course, I'm smarter than you."

Immune na ako kaagad sa joke kaya ignore, ignore na lang.

"Maiba tayo ser, sa tingin mo anu ang ginagamit ni Prinsesa Urduja at ng mga royal blood nuon dito sa 'Pinas para pampaputi ng kili-kili. "

"Ewan, kalamansi? Bakit mo naman naisip na maitim ang kili-kili ni Prinsesa Urduja?"

"Di ba gumamit na daw ng kalamansi sa kili-kili si MacMac?"

"Oo, pero wa epek daw. Makati at mainit daw sa balat. Nagsuggest nga ako ng suha para mas malakas ang effect! Hehe.."

"So ser, kung contest ang dalawang prutas sa pagpapaputi e mananalo ang suha?"

May excitement sa mata niya. Sign ng impending corny joke.

"So kung mas mainit sa balat ang suha kesa sa kalamansi, ang sasabihin ng suha sa kalamansi ay?..."

"OMG, wag mo na ituloy please?" pagmamakaawa ko.

" ...I'm, hotter, than you!" sabay halakhak niya.

Kailangan ko na talaga maghanap ng bagong katulong.

World Maids Day

"Ser, Knock! Knock!"

Very ordinary na ang ganitong mga araw namin ni Ayumi. Pero kahit na matagal-tagal na kaming nagsasama, ew, I mean magkasama e madalang ako makaramdam boredom. Minsan kasi e lumilevel-up yung mga tirada niya pero most of the time e pang-effortless na ngiti lang yung ibang jokes niya.

"Sige, pero pag nakornihan ako jan e hindi ka na pwedeng mag-Knock-Knock for the whole week okay?"

Tinaasan niya ako ng kilay.

Silence.

Tinitigan ko rin siya at tinaasan ng kilay with matching kamay sa bewang. Of course talo siya. Ayun nga sa kasabihan ng mga lolo't lola natin, "Mas mataas ang inahit na kilay ng bakla kesa sa babae." Kasabihan lang po yan. I don't shave my eyebrows... anymore.

"Ser iba na nga lang. Hulaan mo na lang to."

Nagbuntong-hininga ako.

"Minsan matigas, minsan malambot, minsan mahaba, minsan hindi, minsan maitim, minsan hindi."

"Ke aga-aga naman Ayumi putotoy na naman ang iniisip mo. Letch!"

"Oi Ser! Di ako bastos a. Tae kaya pinapahulaan ko."

Tumayo ako at dinala ang Philippine Daily Inquirer para magabasa sa kwarto ko. Minsan kasi e gusto ko naman ng mga seryosong bagay sa mundo ko.

"Teka, ser. Wait lang!"

"Anjan sa ilalim! Hindi ko kinuha!" Magkasama kasi lagi yung newspaper ko at tabloid niya tuwing bumibili kami. Nakasubscribe ata siya sa Bulgar at Ang Bagong Tiktik.

"Hindi yun Ser! Narinig mo ba ang latest chism sa neighborhood? Mas malaking balita eto kesa sa pagpasa ni Gloria ng korona, kapa, at disco stick kay Noynoy!"

"Okay. Kung hindi mo pa sinabi sa akin, ibig sabihin, wala pa akong narinig na tsismis."

"I see. So ganito ser,"

Hindi ko ilalagay dito ang tunay na nicknames ng mga characters sa kwento niya.

"Si Katulong Number 1 nahuli niya ang boyfriend niyang si Tamboy (tambay na boy) na nakikipaglandian sa text kay Katulong Number 2!"

I imagine jejemon style kasi ganun magtext si Ayumi.

"Sino si Katulong Number 2?"

"Siya yung babaeng nakakalimot maglagay ng Pond's sa leeg, ser."

"Aaaaah! O ano naman ang ginawa ni Katulong Number 1?"

"Ayun nagsisisigaw sigaw, nag-eskandalo sa harap ng gate nila Katulong Number 2! At pagkalabas na pagkalabas niya sa gate e hinampas-hampas ni Katulong Number 1 si Number 2 gamit ang walis tingting at dustpan!"

"Pati dustpan?"

"Hindi ser, pero I'm very very sure na naghampasan yata sila!"

"O tapos?"

"Ayun nagsumbong si Katulong Number 2 sa Kapisanan!"

Kapisanan is yung circle of friends nila Ayumi na binubuo ng mga katulong, tindera, housewives at ilang parlorista.

"Then ano nangyari?"

"Eto, ser. Alam ko na iisipin mo na ititiwalag ng Kapisanan si Katulong Number 2 at hihikayatin nila si Katulong Number 1 na makipagbreak kay Tamboy pero you are so wrong Ser Kokoi. You are so wrong! Merong twist!"

"Okay sige nakikinig ako. Ano ang twist?"

"Nang kinonfirm ng Kapisanan kay Tamboy ang nangyari, may revelation na never naming inasahan!"

"Ano?"

"Nabuntis ni Tamboy si..."

"Katulong Number 2?" hula ko.

"Hindi ser! Si Katulong Number 3!"

"Sino naman si Katulong Number 3?"

"Ready ka na ba?"

"Oo, ready na ko."

"Siya... ang co-founder... ng Kapisanan!"

"OMG!" As in nadala ako sa kwento niya.

"Talagang OMG!"

"Anung nangyari after non?"

"Out of town that time si Katulong Number 3 kaya walang nagawa ang sambayanan kundi maghintay sa pagbabalik niya. Feeling ko e nagpalaglag yun pero ang latest na pinakabagong update is that baka sisantehin ni Katulong Number 3 ang kanyang amo!"

She means the other way around.

"Ganun? Hala, asan daw siya as of this moment?"

"Aba malay ko ser, hindi naman ako chismosa para alamin pa kung nasaan siya."

Tumaas kilay ko.

"Pero 'yaan mo Ser, I will keep you posted. Isusulat ko na lang sa wall mo sa facebook."

"Gaga wag!"

"Okay ser tama na ang news. Ano lulutuin ko ngayon."

"Kahit anu basta masarap."

"E ser, kung masarap pala gusto mo e bakit 'di mo na lang tikman ang masarap na Pempengco?" sabay turo sa crotch area niya.

"Aaaah. Pempeng mo pala yan."

"Yes, ser eto ang Pempengco."

"Aaah! Nice one!" napangiti ako.

"Yan siguro 'yung knock knock mo kanina ano?"

"Tama ser. Hindi lang ako beautiful and smart, funny pa ako! What more can you ask for more?"

Tumuloy na ako sa kwarto ko.

Life Goes On

"Tama na ang iyak Ser, mukha ka ng bilasang bakla!"

Palabas kami ng simbahan nila Ayumi. Kakatapos ng misa para sa 40 days ni Mama. Medyo nagsink-in na sa akin ang mga nangyari kaya nagsisimula na ang healing process.

Wala akong ganang mamasyal or kumain sa labas.

"Sorry, Koi pero may importanteng client ako na imimeet. Next time na lang." ibig sabihin meron na namang ka-SEB na silahis si ChiChi. Napangiti na lang kami.

"Ikaw, MacMac?" Tanong ko.

"May appointment ako sa dentist ko."

"Alam ko kung ano gagawin mo!" nakangiting sabat ni Ayumi.

"Okay, mukhang joke yan. Sige, shoot!" sagot naman ni Mac.

"IpapaPasta mo yang pustiso mo! Bwahahhaha!"

Naghalakhakan sila. Napangiti lang ako dahil mga apat na beses na niyang ginamit yung joke na yun kay MacMac.

Magtatanghali na nang makarating kami ni Ayumi sa bahay. Parang antagal ring nabakante ng bahay. Hindi ko naisip kung pano babalik ang sigla ngayon.

"Naku Ser!"

"Bakit?"

"Ikaw ang huling nagsaing 'di ba?"

"Oo, bakit?"

"Hindi mo natakpang mabuti ang lalagyanan ng bigas! Nagmoisture kaya ayan! Nasira!" nagpause siya saglit tapos biglang napangiti. "Ser, ibig sabihin...."

"Bibili ka sa tindahan?"

"Hinde! Think ser, think!!" pinipigil na niya ang tawa ngayon.

"Okay, sige basta hindi korny yang joke na yan e papatulan ko. Sabihin mo na at baka mautot ka kakapigil ng tawa!"

"Ser, ibig sabihin... Meron tayong... Grain Damage!"

G
usto ko siyang batuhin ng newspaper na binabasa ko pero nakaisip rin ako ng kakornihan.

"Uy! Anung balita 'to? Katulong pinatalsik ng amo dahil sa mga korning jokes!"

"Ah, ganun pala Ser." Pinulot ng takip ng rice cooker at nagkunyaring dyaryo yun. Biglang nagbago ang expression ng mukha nya na parang may nabasang nakakagimbal.

"Eto Ser! Katulong na wais. Isinawsaw ang toothbrush ng amo sa inidoro bago umalis ng bahay!"

S
yempre di ako papahuli.

"Katulong na inagawan ng boyfriend ng amo, nagpatiwakal!"

A
t siya din hindi rin papahuli. Kontest na ito!

"Katulong na maganda, nadiscover ng Star Cinema, sumikat! Ang dating among bading, katulong na niya ngayon!"

"Katulong na 'di pantay ang pagkakabunot ng kilay, madedelay ng isang buwan ang sahod!"

"Katulong na mahaba ang long hair, hindi na papayag harvestin ang Farmville ng amo!"

"Katulong, bumili ka na ng bigas!"

"Katulong..." napaisip siya ng konti. "A ok ser, wait lang." ibinalik ang takip ng rice cooker. "Ituloy natin pagbalik ko at may naisip pa akong dalawa. hehe."

Nakalimutan na naming ituloy yun pagkabalik nya. Ako e tumitingin na ng mga lumang pictures with my Mama kaya teary eyed na ko. Of course napansin ito ni Ayumi. Walang di nakakalampas sa mata, pandinig at pang-amoy nya.

"Ser, anung favorite mong color?"

"Green. Bakit?"

"Hmp! Boring. Andaling i-spelling. Ako Ser, tanungin mo." Nakita ko sa mata nya ang excitement. "Sige na Ser, dali!"

"Okay, anung favorite color mo?" tanong ko hoping na may improvement ang joke.

"Fee-yoo-sha!" sabi nya. Shet, yun na nga yung joke na iniisip ko kaya ang naisagot ko na lang e "Okey."

"Ipa-spell mo sa akin Ser!"

"Okay, spell mo."

"Ay Ser wag na lang pala. Red na lang."

Nakatitig ako sa kanya. Tapos mukhang hinihintay niya akong tumawa. So okay, para sa effort nyang pasayahin ako, tumawa na ako para na rin hindi sya mapahiya.

Sumabay siya ng tawa.

"Kaw talaga Ser! lumang joke na 'yun e natawa ka pa! Korny ka talaga!"

Sinubukan kong magpakapositive at strong since after that tragic day. Ang okrayan ay hindi pa rin nawawala. Itinuturing ko na nga siyang tradisyon e.

Medyo napabayaan ko ang aking online accounts dahil dun. Nagsilantaan na rin ang mga crops ko sa Farmville pero okay lang kasi narating ko na ang maximum level, thanks to Ayumi.

Ako, balik na sa trabaho ngayon. Si Ayumi, balik sa pang-ookray at pakikipagtsismisan. Ang kuya Jack ko, bumalik na rin ang dating sigla. Halos lahat ay bumabalik na sa dati. At siyempre, ang Blog ni Kokoi, nabuhay na ulit at hoping na mas mapapadalas na ang pagbaBlog!

P.S. Maraming salamat sa mga condolences niyo my dear readers! Namiss ko kayong lahat!

And She's Gone

"Anak, alam mo nung high school ako nagkaruon ako ng relationship with a lesbian."

Eto yung first na shocking news na narinig ko kay Mama. First year college pa lang ako that time. Nasa stage ako na nagkoconfuse-confuse-an about my sexuality. Of course very traumatic ito sa akin.

"I hope na maiintindihan mo ako tsaka isa pa, sino ba naman ang hindi nag-experiment nung high school?"

"Oo Ma, pero dapat di mo na sinabi sa akin yan. Eeeeesh!"

"Sinasabi ko sa'yo to dahil alam kong maiintindihan mo ako. Homophobic ka ba anak?"

"Hindi, Ma. Oversharing ka naman kasi. I didn't need to hear that."

"Anak naman."

"Okay, Ma. Since nagsheshare ka na rin, may sasabihin ako sa'yo. Halos parehas nung sinabi mo."

"OMGosh anak! Nakipagrelasyon ka sa isang lesbian?"

"Ma, kung magjojowk ka e magwo-walk out na ako."

"Okay, so you dabbled in high school? With whom? Yung barkada mong si Francisco Jose? Yung bestfriend mong si Antonio Miguel? O si Pedro Juan?"

"Yes."

"Anung yes? Yes sa lahat?" sabay halakhak.

Tama siya pero may namiss pa siyang dalawa.

"Okay anak, may ipagtatapat ulit ako sa'yo."

"OMG, Ma. If it's something that i don't wanna hear e wag na lang. Please!"

"I lied."

"About what?"

"I never had a lesbian encounter."

"Gago ka, Ma!" tumawa siya.

"Okay, Ma, hindi totoong nakipaglandian ako sa lalaki nung high school."

"Of course anak. Hindi ka nakipaglandian sa kapwa mo boys nung high school. Lalaki ka di ba? Kaya ka nga may mga gay magazines sa ilalim ng kutson mo e." Humalakhak siya ulit.

After nung pag-uusap namin e nagkulong ako sa kwarto ko. Nainis ako sa kanya kasi hindi nya dapat pinapakialaman mga gamit ko. Inisip ko that time na kumuha ng sarili kong apartment pagka-graduate ng college.

Kumatok si Kuya Jack. Hindi ko sana papapasukin kaya lang sabi nya e importante raw.

"Kuya, napaamin ako ni Mama." Kaming magkapatid lang ang nakakaalam ng sikreto namin that time. Well, yun ang alam ko.

"Did she tell you na nagkaruon siya ng lesbian lover nung high school?"

"Pano mo nalaman?"

"Ganun din yung sinabi nya sa akin nung napaamin niya ako."

"Teka, teka. Alam na din ni mama na pati ikaw?"

"Oo, last year pa. Pero di ko sinabi na pati ikaw."

Natatawa kami habang umiiyak nung pinagkukwentuhan namin ito mga 3 weeks ago. Si Ayumi, nakikitawa/iyak din. Para kaming mga baliw. Dumating din ang mga kamag-anak namin na nagtataka kung bakit kami tumatawa. Kumpleto mga barkada ko, ChiChi, MacMac, BonBon, at kung sinu-sino pa.

'Yung mga nakakatawang pangyayari at pag-uusap lang sa buhay ko ang mga ikinukwento ko dito sa Blog ko. Para s akin kasi e marami na nga tayong problema sa mga buhay-buhay natin tapos problema pa mababasa mo, e good luck na lang sa wrinkles na makukuha mo kakasimangot. Life is supposed to be fun. Hindi naman lagi but i choose to focus more on the brighter side of life.

At dahil sa sinabi kong yan, eto ang last sentence ng entry na 'to,

"Goodbye Mama! I love you and I will miss you! Ikumusta mo 'ko kay God! Magkikita rin tayo ulit someday! Mwah! Text text! :')"

And She's Back

Platinum Blonde ang buhok ni Ayumi nang makita ko siyang bumababa mula sa bus.

Yes, ang bida sa Blog Ni Kokoi ay bumalik na! Hmp!

Gusto ko talaga siyang yakapin pero napatunganga lang ako, nakapamewang at nakataas ang kilay. Parang ayoko siyang pasakayin sa sasakyan ni Mama. Si Mama na nga mismo ang nag-alok na ipahiram yung sasakyan nya para masundo ko siya. Suspetsa ko nga e mas espesyal na siya kay Mama kesa sa akin. Hmp!

Tumango siya, at gamit ang kanyang nguso, tinuro nya ang isang malalaking sako bag na ibinaba ng kunduktor ng bus. Siyempre binuhat ko at inilagay ko sa trunk ng sasakyan. Hmp!

Tabi kami at wala akong balak i-start ang sasakyan hangga't 'di niya ipinapaliwanag ang kanyang buhok.

Tiningnan ko siya at tinaasan ulit ng kilay pero nakatingin lang siya sa harap na parang I don't exist.

"Ehem, ehem, ehem!" kako.

Nagbuntong-hiniga siya at naglabas ng napakalaking shades. Tumingin siya sa akin saglit with a very straight face and a vacuous stare, umirap then tumingin ulit sa harapan at isinuot ang shades.

"Inggit..................ka lang." Malumanay niyang sabi.

Oo, simula na naman ang kakulitan namin. Gusto kong sakyan ang kalokohan niya pero di ko pa kinaya.

"I missed you!" kako with a sincere smile.

Bumuntong-hininga ulit siya and then sumigaw ng "GO!"

Natawa ako ng malakas pero pinipilit pa rin niyang mag-stay sa character niya.

"O asan na ang disco stick mo?"

Humalakhak siya.

"Gago ka Ser! Yung sa The Devil Wears Prada ang ginagaya ko, hindi si Lady Gaga!"

Tinanggal niya ang wig at pinasok sa bag. Gusto kong hiramin 'yon at magpipipipicture para sa fezbuk ko. Hehe.

Dumaan kami sa Jollibee-Session para maglunch. Habang nakapila kami sa counter e nagsimula akong magkwento tungkol sa mga nangyari habang wala siya pero tinatapos naman niya ang lahat ng sentences ko.

"Ser, just in case na hindi mo pa napapansin e updated na ako sa lahat ng cheesewhiz dito."

"Okay, so wala tayong pagkukuwentuhan. Take out na lang tayo. Hmp!"

"Ser pwede ba ko magpahinga pagkarating sa haus kasi medyo pagod ako sa byahe?"

Hindi ko alam ang status ng emotions niya about sa happenings before she left so hindi ko na muna inOpen yung topic. Syempre nagjoke na lang ako.

"Bakit? Ikaw nagdrive ng bus? Ikaw nagkunduktor?"

Naintindihan nya na 'Oo' ang sagot ko.

"Yaan mo Ser, pagkagising ko e ituturo ko sa'yo yung tamang dance steps ng Bad Romance."

Pagkarating namin sa bahay e idiniretso ko yung sako bag sa kwarto nya. Naligo ako at nagprepare papuntang work. Kumatok siya sa kwarto at may inabot siyang paper bag.

"Pasalubong ko po."

Binuksan ko at natuwa naman ako.

"Sensiya Ser ha? Sinukat ko muna. Hehe."

Para sa akin pala 'yung puting wig na ginamit nya.

"I missed you too, Ser!"

Revelations

"Maitim nga ako e! E di natural, maitim ang singit ko! Tsaka 'di bale, maputi naman ang kaluluwa ko!"

'Di po ako ang nagsabi n'yan my dear blogmates. Pramis!

Meet MacMac again. Ang bestfriend kong balyena.

Kakabreak lang kasi nila ng boyfriend niya. Bitter siya.

"Binigay ko lahat sa kanya pero nauwi sa wala ang lahat!" Pagpapatuloy ng drama nya.

"When you say lahat, do you mean halos kalahati ng bawat sahod mo?" Pang-aasar ko.

"Bwisit siya! Akala nya perfect siya? Akala niya kung kalakihan naman!"

"Wag ka nga bumaba sa level niya na naglalabas ng baho kapag break na kayo!"

"E ganun din naman siya!"

"Kaya nga wag ka na bumaba pa!"

"Ok fine, di na."

"Ok na?"

"Ok!"

"So, really? Di kalakihan?"

ChiChi arrived almost an hour late at buhaghag ang buhok.

"Gurl, guess what?" tanong ni Mac kay Chi.

"Ano?"

"Naimbento na ang suklay! Eto, try mo." Sabay abot ng suklay.

"Mukhang kagagaling mo ng Commuter's Lodge at katatapos lumamon ng lalaking silahis a!" Pagbibiro ko. May obsession siya sa gay men. I don't know why.

Napangiti siya konti pero sumeryoso agad. Mukhang medyo totoo ang joke ko.

"O Mac, musta na?" Tanong nya na may pagpapahiwatig na ayaw pag-usapan ang ginawa niya.

"Ayun, I gave my all pero iniwan pa rin nya ako."

"By 'All' you mean a Neo Laptop?"

Nagulat ako sa sinabi ni Chi kaya tiningnan ko ng masama si Mac.

Nanlisik ang mata niya kay ChiChi sabay sabing "Secret Laptop! remember?"

"Ginawa mo yun?"sabat ko. "Hindi ba binalaan na kita? Tsaka bakit mo nilihim sa akin? Gusto mo bang isumbong kita sa ate mo? sa nanay mo? Sige ka! Iba-blog ko ito!" pananakot ko.

"Yan! Yan ang dahilan kaya ko nilihim sa'yo!" Sabi nya habang nakaturo sa ilong ko.

Medyo pahiya ang Kokoi.

"Chi naman kasi, pagsabihan mo naman si Mac. Di na natuto e."

"Pinagsabihan ko naman e. Sabi ko China Phone na lang ang ibigay nya para mas tipid."

"Gaga!" sigaw ko sa kanya.

"Mac naman, we care for you kaya kita pinagsasabihan. Wala pa kayong 2 months e kung ano ano na ibinibigay mo!"

"Kaya nga!" sabi ni Chi.

"Shut up nga kunsintidora!" sabi ko na lang.

"E ano ibibigay ko?" tanong ni Mac.

"Love and Orgasm." pagbibiro ko pero mukha nainis pa sila dahil hindi nakakatawa ang joke ko.

Konting silence pa then bumaling si Chi kay Mac, "Bale yaan mo pag nakasalubong ko siya sa Session e ipagsisigawan ko, with megaphone, na maliit yung kanya!"

"At ipagsigawan mo rin na power bottom siya! Hahaha!" dagdag ni Mac.

"Walang masama sa pagiging bottom." sabat ko na nireregret ko na.

Taas ang kilay ni Chi. "Bottom ka Kokoi?"

"Hindi a." Bulong ko.

"Hoy! Sabi ni Ayumi ikaw daw yung nakatuwad nung one time na nahuli ka nyang may ka-jerjer!"

Honestly wala akong maisip na palusot that time. Gusto kong magwalk-out hindi dahil sa biro nila kundi dahil may mga taong nakakarinig sa amin. Medyo mellow pa naman ang music sa Ionic Café.

"Guess what? Babalik na raw si Ayumi sa February after a very long vacation." Sa isip ko e perfect na change of topic yun kasi likes na likes nila si Ayumi.

"We know! Last week pa!" pambabasag ni Chi. "Bakit ngayon ko lang nalaman na bottom ka?"

"At bakit ko naman ikukuwento sa'yo?" isa pang regretful answer ko.

"So inaamin mo?" sabat ni Mac.

"Kaya ba para kang sakang maglakad kung minsan?" pagpapatuloy ni Chi.

"Or laging kamot ng kamot sa behind?" sabat ni Mac.

"Kaya wala kang white underwear baka mamantsahan after sex?" Si Chi.

"At kaya ka galaw ng galaw sa kinauupuan mo kanina pa?" Si Mac.

Hindi ako makaisip ng isasagot ko dahil sunud-sunod ang mga tanong nila at medyo napikon ako. Nag-asta akong magwalk out pero actually sa CR lang. Naghintay ako pero walang sumunod para pigilin ang pagwalk out ko.

Bumalik ako sa table at sinabi kong ako na ang magbabayad ng mga inorder namin basta wag na pag-usapan yun. Pumayag sila kaya naiba na ang topic. Pero pagka-abot ko ng bayad e, pinutakte na naman ako ng mga tanong ng dalawa. Kaibigan ko nga sila. :)