One Time In Ilocos

"Kapag ang tao nadapa, huwag mong tapakan! Tulungan mo!"

"At sinong eng naman ang nagsabi niyan?" sabat ni Ayumi

Kakatapos ko lang maligo. Basa pa ang tsinelas na gamit ko kaya ako nadulas pagkalabas ng CR. Yes, medyo nakakalakad na ako. Di ko na rin masyadong ginagamit yung saklay ko.

"Huwag na huwag mo ngang matawag na eng si Miss Ai-ai!"

"Talagang may Miss?" sabat ni Mama.

"E ser, wala naman kasing umaapak sa nadarapa e. Either tinutulungang makabangon yun or tinatawanan lang yan."

"Huwag ka nga! Ang sama mong tao! Matakot ka nga sa five-letter word!"

"B-A-K-L-A?"

"KARMA! Buang ka talaga!"

"Sorry na!" seryosong sabi niya habang naglalagay ng Pond's sa mukha.

"Wow, ang letch naman ng fez mu!"

"Thank you, ser! I know, right?"

Pumunta ako sa kuwarto para magbihis. Tapos na ang therapy ko kaya ineenjoy na lang namin ang mga huling araw namin sa Ilocos. Rarampage kami nila Mama, Tito Frank, at Ayumi sa dalampasigan.

Tok tok tok!

"Teka lang muna Ayumi huwag ka munang pumasok?"

"Bakit ser? Umutot ka ba?"

"Nagbibihis ako!"

Masyadong pasakit ang pagbihis ng pants lalo na nung naka-cast pa ang kaliwang paa ko kaya matagal ako sa kuwarto. Share kasi kami ni Ayumi sa room at pag ako ang nagbihis e matagal talaga. At kung pwede lang sana mag-skirt e ginamit ko na yung mga bonggang skirt ni Mama. Kaso magmumukha daw akong either bagong tuli or drag queen.

"Or bagong tuling drag queen!" dagdag ni Ayumi.

"Mega Laswa!" sabat ni Mama na pilit nagge-gay lingo.

Kumuha kami ng maliit na shed para mapagsilungan. Nakatunganga ako sa dagat. Si Ayumi nagpeprepare ng pagkain at sila mama e naglalakad-lakad.

"Ser, inoobserbahan mo 'yung lalaking moreno na naka blue shorts at topless ano?"

"Ano ka ba? Nagseself-reflect ako." Then pasimple kong hinanap yung dinescribe niyang guy.

Hindi naman siya masyadong singkit. Pero sobrang cute niyang ngumiti. Very lean ang katawan.

"Mahal ko na siya, Ayumi."

Parang nawala ang lahat ng sakit sa katawan ko nang magtagpo ang mga mata namin. Nung guy, hindi si Ayumi. Hanggang tinginan lang yun. Pero nakaramdam ako ng something. Mahigit isang buwan na din akong walang jer or something like that.

"Nagpipigil ka pa ser, lapitan mo na!"

"Huwag ka nga! Faithful ako!"

"Huwaaaat? KANINO?" malakas na tanong ni Ayumi na nakataas ng bonggang-bongga ang dalawang kilay. Feeling ko nag-echo pa 'yun.

Napa-isip ako ng malalim. Meron nga bang naghihintay sa akin pagbalik ko ng Baguio? Pakiramdam ko ay committed ako pero come to think of it, I'm single!

Naalala ko ang sinabi ni Tikoi.

"The best thing about being single is pwede ka nang magpakahaliparot!"

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil libre ako or malulungkot dahil walang naghihintay sa akin na makayakap. At ka-jer na rin.

Tumayo ako at iika-ikang pumunta sa shed. Nakatingin sila Mama at Tito Frank at tumatawa. Nagtaka ako then lumingon ako. Ginagaya pala ako ni Ayumi ng paglakad.

"Langya ka Ayumi! Letch ka!"

Pagkatapos namin maglunch e nagswimming sila Mama at Tito Frank, kami naman ni Ayumi e nasa shed lang at nanlalait ng mga naglalakad na tao.

"Ser, sino namimiss mo sa Baguio?"

"Friends."

"And?"

"Other friends."

"Walang patutunguhan 'to. I mean someone you love?"

"I don't wanna talk about it right now."

"Ok fine."

"Pero 'lam mo nalilito ako."

"Hanggang ngayon ba naman nalilito ka pa rin? Bakla ka ser, Bakla!"

"Gagu! Kung sino unang tatawagan ko pagkauwi ko ng Baguio."

"Piolo or Sam?"

"Hindi, Amboi or Tikoi?" seryoso kong sagot.

"Duh? Feelingera ka ser. Ganito na lang, sino ba sa kanila ang nagpursiging hanapin ka? Alam naman nilang dalawa ang number at bahay ng mother mo pero sino sa kanila ang nag-atubiling magtanung or maghanap sa'yo?"

"Well, sa tingin ko si..."

"Tama, wala! Masakit 'di ba? Kaya kung ako ikaw, lalapitan ko na 'yung cute na naka-blue shorts na mukhang kanina pa tumitingin dito, and ask him out!" Then nag-ala-Daniella siya at sumigaw ng "Well, GO!"

"Letch ka naman, Yumi!"

No. Hindi ko nilapitan 'yung guy. Hindi ako nagpakahaliparot. May konti pa akong dignidad. I guess.

"Just to be sure ser, ang ibig sabihin ng "Letch" na kanina mo pa sinasabi at ikaw lang ang nakakintindi, ay short for Leche right?"

"Correct!"

Sinabay niya ang pagbatok sa akin habang umiinom ako ng Pepsi.

Lakas ng tawa ni Ayumi.

Then after ko magpunas ng mukha e napansin ko na nakatayo lang pala malapit sa amin at nakaharap yung blue shorts guy.

Shet! Nakita niyang lumobo ang ilong ko!

22 comments:

Aris said...

wala talagang tatalo sa tandem ninyo ni ayumi. lumobo rin ang ilong ko sa katatawa!

nice to know na ok ka na at mabilis ang iyong naging recovery. take extra ingat now.

uy, ganda naman ng bagong layout at ng sidebar. salamat, kasali ako. hayjazlavet! :)

Kokoi said...

basta ikaw aris! maraming thanks!

yAnaH said...

bakla, may tanong ako..
bakit nawawala ang cbox mo??????
hahahahaha...
buti naman at fast recovery ng makabalik ka na ng baguio.. remember mag goo-goodtaste pa tayo??? mula nung dumating ako hindi pa ko kumain sa good taste dahil diba sa dubai pa alng ako usapan na na sasamahan mo ko??
kaya once makabalik ka ng baguio.. utang na loobbbbbbbbbbbbb magparamdam kaaaaaaaaa!!!!!
ok nacarried away ako at napasigaw ng konti at may kasama pang !!!! sorry naman hahahahaha..
nways, ingat ka jan...



awwwwwts at sinasala na rin pala ang mga komento dito...
i loveeeeeeee the links..... ahihihihihi..

Bart Tolina said...

Punta kayo sa blog ko at may libreng pagkain!
barttolina.blogspot.com
salamat!

Kokoi said...

@yanah- Malapit na malapit na! as in malapit na!
wag ka mag-alala. makakapagGood Taste na tayo!
Pramiiiiiiiis!!!

<*period*> said...

NAAALIW AKO SENYO NI AYUMI..as in,, kinabog si inday at ang kaniyang mga amo..at si wanda ilusyunada at ang mga kasamang parlorista

(oops, panget ata ng comparison)

hehehe

Kokoi said...

wow naman! maraming salamat! wag sana magalit sina wanda at inday sa sinabi mo! hehe. thanks!

Unknown said...

ayumi! aliw na aliw ako sa kanya! haha. :]] siguro dapat na siyang mag artista! haha. :]]

Kokoi said...

cge, sasuggest ko sa kanya. heheh...

lucas said...

hindi ako magtataka kung isang araw makita ko na lang yung mga comic anecdotes mo sa TV. i swear para akong nanonood ng sit-com everytime i read from you...


keep it up :)

i hope you made the right decision bout the guy in blue shorts. sige ka baka mapunta pa yun kay Ayumi! hehehe!

Kokoi said...

unfortunately hanggang dun na lang yung blue shorts guy. :(

thanks for coming back!

yAnaH said...

at hindi nasagot ang tungkol; sa comment moderation at cbox ek ek hahaha..
basta bilisan mo ha lemme know thru sms/email kugn nakabalik ka na ng baguio.. wag ka na mag-abalang sumigaw sa chatbox sa blog ko dahil pinasabog na ng abu sayyaf ung blog ko..kaya wala ka na makikita dun hahahah..
basta ill just wait for your text or email dahil goodtaste na goodtaste na ko noh...
also, there's this one resto i would like to try dun... basta.. hehehehe
naeexcite naman daw ako..
pagaling ka ng mabilis!
ingat and Godbless

raiChie_0823 said...

waw....bakasYon SlaX reCovery grande sa Ilocos ahh.... hehehe.....but nmn po at mabils ang recovery muh po....hahaha....siguro po marami tlgang "magagandang tanawin" na nkatulong sa mabilis na recovery muh....hahaha....

nkakatuwa poh tLgah ung tandem nyu ni AyuMi....hahaha....an sya nyu tlgaH...hahaha..

xa nga pla....an cute nmn ng bagong nyung layout at sidebar...hahaha...tnx po sa pag sali sa akin.... :]

hahaha.....God bless Puh... :]

Unknown said...

haha.. kakatuwa talaga si Ayumi! kunting-konti na lang magkaka-crush na ako sa kanya. lol
post mo naman pics ni ayumi hehe..
ngapala kokoi, nakakaintindi ka ba ng bisaya? kasi yung letch at jer ang alam ko mga bisaya nagsimula nyan eh. hehe

Kokoi said...

@yanah- feeling ko kasi e may mga deractors na ako kaya ko tinanggal. pero ibabalik ko rin dont worry!
nako yaan mo, igugoodtaste kita ng bonggang-bongga!

@raichie- naku! maraming salamat. tsaka lam mo feeling ko e mas sikat na si Ayumi. hehe.. God Bless din!

Kokoi said...

@mon- hala, kung pwede lang sana kaso di niya alam na binablog ko siya! hehe..
narinig ko lang sa ibang tao yung jer tapos yung letch e sa pink book ni Wanda Ilusyonada.
konting bisaya lang alam ko.. :)

Yj said...

hey.... buti naman at bumubuti na kalagayan mo....

kaloka... kung ako nasa katayuan mo, hindi ko alam kung matutuwa ako o masasapak ko si ayumi ng bonggang bongga sa kakulitan niya....

pero pag pinagsama kayong dalwa... parang langit.... walng lungkot hehehehehhe

Kokoi said...

@yj- naku swerte na nga ako sa kanya kasi nakakatanggal ng stress at boredom. hehe. raming salamat pala. lapit na ako makasawyaw ulit! hehe

Trainer Y said...

ang tagal naman nya bumalik sa baguio hmp!
i changed numbers.. kaya i called your mobile.. hoping asa baguio ka na akso wala pa pala.. sisteret mo ung sumagot..
ang tagal mo naman!
100 years ka na jan! hahahahaha
joke alng
i hope ure doin fine....
ingat at balitaan mo ako..

Anonymous said...

nakakasira ng scene yang si ayumi. pero bakit hindi mo nilapitan yung guy? kung ako yun, matagal na kaming pumasok sa room niya. hehehe...:)

Kokoi said...

@yanah- yaan mo. malapit na malapit na!

@pao- kung ikaw yung guy pao, kahit wag na tayo sa room. hehe.

Anonymous said...

hi simple lang ang sasabihin ko. sana i link nyo ang aking blog. ang buhay ko

www.antonsilver.blogspot.com