Moving On

"The best part of being single is pwede ka nang magpakapokpok!"

Meet Tikoi, ang bestfriend kong balahura. Siya ang pinakaprangka sa lahat ng bestfriends ko. Sobrang bait niyan sa akin.

"E kung naglulumandi ka kagaya ko e di hindi ka iiyak, magmumukmok, at magli-leave dahil broken hearted ka!"

"Kailangan mo ba isigaw 'yan?"

"Totoo naman a!"

"Andaming nagdarasal! Labas na kaya tayo."

Baguio Cathedral ang drama namin. Kailangan ko daw magsimba para maenlighten ako. E kung alam ko lang na sarili pala niya ang tinutukoy niya na mang-eenlighten sa akin e sana nagBurnham na lang kami o kaya e tinext ko na lang siya. Kasi i'm sure magpapalibre na naman ito ng dinner at uutang ng singkuwenta para pantaxi pauwi. Mahal ko siya bilang bestfriend. Ganun lang talaga siya. Mahilig magpalibre then manghiram ng pantaxi. Routine na niya yun.

"What if ireto kaya kita sa mga friends ko na single din, payag ka? Alam ko naman weakness mo e. Payat, moreno, chinito. Ano, gusto mo? Super dami akong kilalang ganun ang description."

"No problem. Basta hindi pa dumaan sa'yo e payag ako!"

Silence.

Tikoi: Kumusta pala ang work mo?

Kokoi: So wala kang kilala na hindi mo pa natitikman na pwedeng ireto sa akin?"

Tikoi: Napanuod mo na ba yung Underworld 3? Ganda daw ng love story."

Kokoi: Okay so wala. Sayang libre pa naman sana kita ng dinner sa Good Taste.

Tikoi: Napakasama mong demonyo ka! Yaan mo ipopost ko picture at number mo sa bawat CR ng mga malls dito sa Baguio. Panagbenga pa naman ngayon kaya I'm sure madaming makakakita nun.

Siyempre wala pa rin akong nagawa kundi ilibre siya ng dinner. Then nagkayayaan ng beer afterwards.

Kokoi: Ituloy na lang natin sa bahay at tawagin natin ang barkada para makapagkaraoke tayo.

Tikoi: Sige, basta wag ka nang kakanta ng Single Ladies ha?

Kokoi: Miss, bill please?

Medyo may amats na kaming pareho pero nakayanan ko pang magdrive. Si Tikoi, nakatingala na parang adik sa passenger's seat.

Tikoi: Bakit may shoe marks dito sa ceiling ng sasakyan mo?

Napalunok ako.

Tikoi: OMFG! Eeeew! Dito sa kinauupuan ko? Itigil mo sasakyan. Lilipat ako sa likod!

Kokoi: Heh! Malapit na tayo. Tsaka matagal na yan. Napunasan ko na rin yang upuan. Wag ka nga maingay, nagdadrive ako!

Tikoi: Okay, pero kaninong paa 'to? Para at least alam ko kung sino ang top or bottom sa inyo?

Kokoi: Kumusta pala trabaho mo?

Tikoi: Uy. Nahihiya. Sige na sikreto lang natin.

Kokoi: Alam mo maganda daw 'yung Underworld 3, napanuod mo na ba 'yun?

Ewan ko ba kung bakit di man lang ako gumawa ng kwento para ideny yun. Parang nakakahiya kasi kahit na sasakyan ko 'yun.

Pag dating sa bahay e naglabas na ako ng alak. Umuwi muna si Ayumi sa Ilocos kaya medyo makalat ang bahay. Wala kaming nayayang barkada kaya kami na lang hanggang malasing kami. Nagkantahan. Nagkakwentuhan. Nagtawanan.

Tikoi: Alam mo antanga ni Amboi.

Kokoi: Bakit naman siya napasok sa usapan?

Tikoi: Kung ako siya, di kita iiwan. Di siguro niya nakita kung gaano ka kawonderful bilang tao. Di niya pinahalagahan 'yung mga efforts mo. He was so lucky to have you and yet, so stupid to let you go.

Awkward silence pero parang naramdaman ko na namula ako.

Silence pa rin. Inisip ko kung paano babaguhin ang topic. Buti na lang natapos yung kanta. At last, an opportunity!

Kokoi: Asan na pala yung songbook at ako naman ang

Hinila niya ako papunta sa tabi niya at hinalikan niya ako. Mainit ang halik niya.

At pagkatapos namin ay pumunta na kami sa kuwarto para matulog.

Well siyempre may nangyari sa amin after ng kissing at bago kami umakyat ng room.

Yumakap siya sa akin. Ewan ko pero parang nakaramdam ako ng kakaiba at feeling ko e magiging maganda ang pagtulog ko ngayon.

Mga 6 a.m. nakaramdam ako ng halik sa pisngi.

"Good morning!" bulong niya sa akin.

Ansarap ng gising ko. Pero naramdaman ko na di na siya nakahiga sa kama.

"Aga mo naman!"

"May presentation kasi ako ngayon kaya kailangan maaga ako."

Medyo nagtampo ako.

"I am aware of what happened last night. And i don't regret a thing. I really hope that this could lead to something wonderful. And i would love to talk with you about this but i really have to go to work early. I hope you understand."

"I do. Sige na baka ma-late ka!"

"Onga pala,"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Baka mag i love you na 'to.

"Uhmmm, peram ng singkuwenta pantaxi ko papuntang office."


I am . . . Kokoi

"Hindi ka naman daw po kagwapuhan para isiping babalikan ka ni Amboi!"

"Daw? Sinong hampas lupa ang nagsabi sa'yo niyan?"

"'Yung bestfriend niyo pong si Chichi."

"Aaaah."

"Sasabihin ko po bang tinawag niyo siyang hampas lupa."

"Teka, pano niya nalaman?"

Ngumiti lang si Ayumi at lumabas ng kuwarto ko dala ang mga labahin. Sumunod ako.

"Mukhang nalate ka ng pang-ookray sa'kin ngayon ah. Kahapon 6:30 am. Ngayon alas otso? Anung meron?"

Ngumiti ulit siya at dumiretso sa likod ng bahay para maglaba. Sinundan ko siya. Nginitian ulit niya ako.

"Nakakaloko ka na a. Sige na, anu pa mga prinepare mong pang insulto sa'kin? Mukhang napuyat ka kakaprepare. Dali na habang di ko pa nahahanap 'yung itak ko."

Tumango siya, then ngumiti sabay kindat. Iniwan ko na lang siya. Baka 'yung pagngiti-ngiti niya ang pambuwisit sa akin.

Pumunta ako sa kusina para magluto ng agahan.

"Ayumi anong gusto mong ulam?"

"Kahit ano na ser! Makaammo kan!"(ikaw na bahala.)

Minsan ako talaga nagpeprepare ng agahan namin ng yaya ko. Okay lang.

"Medyo nag-improve ka na sa pagluluto Sir Koi! Pwede ka nang balikan ni Ser Amboi!"

"Is that a joke?"

"Sa tingin niyo Sir, anu talaga sang dahilan kaya ka niya iniwan? Kung bakit before Valentines pa siya nakipagbreak sa'yo? Alam naman niyang may date ako sa Valentine's at maiiwan ka dito mag-isa. Naku kung alam lang niya na magiging ganito ka kadepressed I'm very sure na tatapusin muna niya ang Valentine's bago ka niya paiyakin. What u think sir?"

Malungkot pa rin ako kahit anung pagpapatawa ang gawin ni Ayumi. Sick leave ako for five days. Kaya dito muna ako sa bahay. Nag-eemote at sinusubukang magmove on.

10 a.m. malinis na ang bahay so naisipan kong magpatugtog na lang para sumaya ang atmosphere. Pero bago ko mai-on ang stereo,

"Magpapatugtog ka na nanam ba ng walang kamatayang Through the Rain? I Will Survive at Strong Enough ni Cher?"

Hindi ko man lang narinig na bumukas ang gate at pinto.

"ChiChi!" Ewan pero parang nakaramdam ako ng relief nang makita ko siya. At last, here's someone I could cry on to na hindi ako ookrayin.

Mga 2 hours din akong nagkuwento at umiyak sa kanya. Ibinuhos ko lahat ng inipon kong hinanakit nitong mga nakaraang araw. Honestly, I never felt better.

"Sir Koi, ChiChi! Kain na po."

"ChiChi tawag ni Ayumi sa'yo?"

"Oo, lagi kami nagkukuwentuhan sa phone kaya close na rin kami." Napabuntong-hininga na lang ako.

"O Sir, niluto ko ang peborits mong ulam. Chicken Curry!"

"Ha?"

"Joke! Alam kong Adobo pero ito napili kong lutuin! Kain!"

T
ahimik lang ako habang kumakain. Napansin ni Ayumi na may konting hikbi pa ako.

Ayumi: Sir, pwera biro, bakit ka kaya niya iniwan?
Kokoi: Dahil 'di na niya ako mahal.
Chichi: 'Yan ka na naman.
Ayumi: Di kaya dahil di mo pa siya nabilhan ng bagong rubber shoes?

Tiningnan ko ng sobrang sama si Ayumi.

Chichi: Binibilhan mo siya ng gamit?
Kokoi: Once lang. Nung 2nd anniversary namin.
Ayumi: Yeah right. T-shirt, boxers, at denim pants. May balak ka pa ngang bumili ng PSP e. 'Yun sabi sa 'kin ni Sir Am nung mahal ka pa niya. I mean nung andito pa siya.
Chichi: Baka naOver nurture mo siya kaya naumay siya sa'yo.
Kokoi: Walang over nurture!
Chichi: Regular ka pa rin ba sa psychiatrist mo?
Kokoi: Oo. Stable naman daw ako so far.

Nanlaki mata ni Ayumi na parang may suminding light bulb sa tuktok ng ulo niya.

Chichi: O, anung meron?
Ayumi: Hindi kaya dahil nakahanap siya ng mas matangkad sa'yo?
Kokoi: Hindi a.
Ayumi: Really?
Kokoi: Really!
Ayumi: I always thought you were kinda short.
Chichi: Yeah.
Kokoi: Magkakampihan ba kayo?

Ngumiti silang dalawa na katulad ng ngiti ni Ayumi kaninang umaga.

Ayumi: Hindi kaya dahil "moreno" ka po?
Kokoi: Hindi!
Ayumi: Dahil 5'4" ka lang?
Kokoi: FIVE FOUR AND A HALF! PERO HINDI NGA 'YUN! HINDI!
Ayumi: Baka naman dahil 'di ka marunong kumanta?
Chichi: Or trying hard magsayaw ng Single Ladies?
Kokoi: Isa!
Ayumi: Dahil lagi kang talo pag nagpi-PS kayo?
Chichi: Dahil di ka magaling magdeep...
Kokoi: HEY! foul 'yun!
Chihi: Or di kalakihan ang..
Kokoi: Foul yun! FOUL!

Kunot noo si Ayumi...

Chichi: Hehe...
Ayumi: Baka dahil di ka nagpaplantsa ng damit?
Kokoi: Trabaho mo 'yun!
Chichi: Baka dahil medyo lumilitaw na ang anit mo.
Ayumi: Or sobrang kapal ng kilay mo.
Kokoi: So?
Ayumi: At di ka gumagamit ng Pond's.
Chichi: Pawisin din ang paa mo.
Ayumi: Humalakhak.

Uminom ako at tumayo papuntang kwarto. Ookrayin lang ako nang ookrayin ng mga 'to. Pero habang umaakyat ako sa hagdan,

Ayumi: Malakas siya humilik.
Chichi: At nagsasalita pag tulog.
Ayumi: Di pa nagtutupi ng pinaghigaan.
Chichi: Naglalaway pa kung minsan.

Sinara ko ang pinto. Naglock. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko. Buti na lang at ichinismis ako ni Ayumi sa bestfriend ko. Makakatulog na ako ng maayos.

Oo may kirot pa rin ang break-up namin ni Amboi. Pero at least may bago akong entry dito sa Blog at pwede na rin itong pangsagot sa 25 random chenelyn ni Pao. Hehe.

At bago pa 'ko makaidlip e kumatok si Ayumi.

"Ser Koks, ayaw sabihin sa'kin ni Chichi. Ikaw na lang magsabi. Ano 'yung katuloy ng "deep..."?"


Another Bump in the Road

"I think we should break up."

Alas onse na ng gabi at umaalingawngaw pa rin sa tenga ko ang mga binitiwang salita sa 'kin ni Amboi.

Ganito nangyari.

4:35 p.m., Sabado, January 31- nagtext si Amboi

"Til 7 ka 'di ba? Kape tayo sa Ionic."(isang coffee shop sa Session Rd., BC)

"Kape? D b pwedeng magdinner muna tayo?"

"Kape na lang muna tayo. We have to talk."

Kinabahan ako. Hindi na ako nakapagconcentrate sa pagchecheck sa quizzes ng mga students ko. Masyadong mabilis ang tibok ng puso ko. Alam kong may hindi magandang sasabihin sa akin ang mahal ko. Itinigil ko muna ang ginagawa ko. Pumunta ako sa canteen. Gusto ko mag-isip. Umorder ako ng coffee.

"Makikipaghiwalay na ba siya sa akin?"

"Hindi ko po alam Sir."

"Ay sorry, napalakas pag-isip ko. Magkano nga ulit 'tong kape?"

"Dose po."

Wala na akong pakialam kung pinagtawanan ako ng nagtitinda ng kape. Basta umupo na lang ako at hinalo yung kape hanggang 5:30. Mga isang oras din yun. Di ko na nainom kasi lumamig na. Bumalik ako ng faculty para hanapin si Ms. Jabbahr, close friend at kapwa teacher ko from India. Pag nakakaranas kasi ako ng ganitong emosyon e kailangan ko ng kausap para mailabas ang nararamdaman ko dahil kung hindi e maghahanap ako ng bagay na susunugin.

Sa kasamaang palad e umuwi na daw siya dahil may emergency. "Emergency din naman 'to" sabi ko sa 'king sarili. Pumunta ako sa table niya at nakita ko 'yung isang box na plastic coated metal fastener na binili namin the day before yesterday. I'm sure maiintindihan niya dahil kilala naman niya ako. Kumuha ako ng Post-it at sinulatan ng "Papalitan ko na lang bukas. :)"

Habang nalalanghap ko ang usok mula sa fasteners e pilit ko pa ring inisip kung may nagawa akong kasalanan kay Amboi. Pero wala talaga.

Nauna akong dumating sa Ionic. Dalawang refill na ng chrysanthemum tea ang naubos ko bago siya dumating. Naupo siya sa harap ko na seryoso ang mukha. Nangingilid na ang luha ko. Gusto ko nang umiyak.

Amboi: Kanina ka pa?
Waiter: Sirs, can I take your order?"
Kokoi: Kanina pa.
Amboi: Isang brewed.
Kokoi: Anong sasabihin mo sa akin?
Waiter: Sir, may gusto pa po kayong idagdag?
Amboi: Wala.
Kokoi: Wala kang sasabihin?
Amboi: Hindi ikaw, yung waiter.

Medyo napahiya ako. Nakaramdam yung waiter kaya umexit na siya.

"Anong sasabihin mo sa akin?"

"Let me explain first."

"Iiwan mo na ako? Ayaw mo na sa akin? Sabihin mo na sa akin kung ano gusto mong sabihin. Huwag ka na magkuwento or magpaliguy-ligoy. "

"I need to focus on my studies. I need to spend more time with me. I need some space. I think we should break up."

Tumayo ako at kinuha ko ang lighter, pack ng yosi, at cellphone sa mesa. Then ang bag sa sahig. And finally ang jacket na nakasabit sa upuan. Dumukot ako ng 100 pesos, kinusut-kusot ko at iniwan ko sa table. 55 lang 'yung kape pero hindi na masyadong convincing ang walk-out ko kapag hinintay ko pa 'yung sukli.

D
umiretso ako sa Burnham Park at nagpaiku't-ikot sa lake. Iniisip ko ang mga sinabi niya. Oo nga, lagi na lang siya sa bahay at lagi na lang kaming magkasama. Halos dun na nga siya nakatira. Pero bakit hindi na lang siya nakipagcool-off? Umupo ako sa isang bench at humagulgol.

Hatinggabi na ako nakauwi sa bahay. Nadatnan ko si Ayumi na nanunuod ng Friends DVD.

"Sir Koks! Season 8 na ako!"

Tumango lang ako. Nagtanggal ng sapatos at umakyat patungong kwarto.

"Teka Sir, bago kayo umakyat, ano nangyari sa inyo?" Nahalata sigurong umiyak ako.

"Ha? Bakit?"

"Nadulas ka siguro no? Ang dumi ng pwitan ng pants niyo o!"

Ngumiti lang ako at dumiretso sa kwarto. Nagtanggal ng damit, pinatay ang ilaw at nahiga. Niyakap ko 'yung unan ni Amboi habang nakatingin sa kisame.