Going Back

"Nahulog ka ng stepfather mo nung 7 months ka pa lang. 'Di ba naikwento ng mother mo?"

"As in nalaglag sa sahig mula sa pagkakabuhat?"

"May tama ka!" sabi ni Tita Garland habang nakataas ang kamay at naghihintay ng apir mula sa kin. Syempre hindi ako umapir.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya kinuha ko ang telepono at tinawagan ko si mama.

"Ma, totoo bang nalaglag ako ni Tito Karl nung baby pa lang ako?"

"Kanino mo nalaman 'yan?"

"Kay Tita Garland, andito siya ngayon."

"Tita mo talaga. Sus wala yun! Di ka pa kasi marunong maglakad. Pero ok lang. Wala namang masamang nangyari sa'yo that time. Maliit na bukol lang 'yun."

"What? Wala yun? Ok lang? Ma, nalaglag ako!"

"I know anak. Huwag kang ma-upset sa ngyari"

"What do you mean huwag akong ma-upset? I could have died! I could have..."

"Naku, huwag ka ngang OA. Dapat nga dun ka ma-upset nung nahulog ka ng Daddy Max mo nung 6 1/2 months ka pa lang. Yun ang grabe dahil walang carpet nun at nadumihan nang husto yung bago mong damit! Pero ilang oras ka lang naman sa ospital at nadischarge ka na agad. Wala daw long term effect 'yun sabi ng doktor"

"Wala?"

"Wala. Ok ka naman ngayon di ba? Wag ka na magtampo. Cge ingat na lang lagi anak. Love you ! Mwah! Mwah!"
Nanghina ako habang binababa ang telepono. Si Tita Garland naman e nakatulala habang binababa ang extesion phone sa kusina.

"Could you believe that Tita Garland?"

"I know! Biro mo, 2 weeks lang pagitan nila Max at Karl! Bilis din makarecover ng mama mo! Haba ng hair niya! Kainggit! Gosh!"

Tiningnan ko siya ng masama. Tumingin siya sa'kin na parang nagtataka. Nag-isip ng malalim at after 10 years, sinabing "At siyempre, biro mo nalaglag ka!"

"I just can't imagine na may ganung incident na ngyari sa'kin nuon."

"Yaan mo na nga. Lika kain tayo, may dala akong sushi. Gusto mo 'yun di ba?"

"Naku tita, hindi porke galing ka ng Japan e Japanese food na ang dadalhin mo dito na galing lang naman sa Tokyo Tokyo tapos titinidurin mo pa!"

"Hehe. Mangan ka kitdin!(Kumain ka na nga!)"

"Tita, kamusta 'yung boypren mong hapon?"

"Ayun singkit pa rin. Kaw, musta kayo ni Amboi? Sabi ni Ayumi dito daw siya nakikitulog minsan."

"Ok naman kami tita. Masaya.... O bakit ka nakangiti?"

"Wala lang." May ngiti pa rin siyang nakakaloko.

"Anu pa kinwento ni Ayumi?"

"Wala. Nakita niya lang kayo na may ginagawa. Pero di niya sinasadya. Kung saan-saan kasi kayo e. Hehe."

Biglang labas si Ayumi. Galing CR, naglinis.

"Sir Koi, ilang taon na pala kayo?"

"Ha? Anu na naman punchline mo diyan?"

"Basta sir sagutin mo"

"26, going 27. Bakit?"

"Anung year po 'yun sa Chinese Calendar?"

"1982. Year of the Dog"

"Ah, kaya pala."

"Kaya pala ano?"

"Year of the Dog din siguro si Sir Amboi."

Nagtinginan sila ni Tita Garland. Then humalakhak nang napakalakas.

"Ewan ko sa inyo! Sige magwowalk-out na ako!"

Medyo pahiya ako sa kanila pero ok lang. Di naman ako pikon.

"Teka Sir Koi, wag ka muna magwalk-out. Di pa kami tapos tumawa." At naghalakhakan ulit ang dalawa.

"Don't worry Kokoi, I still love you. I would never hurt you intentionally. Ikaw ata paborito kong pamangkin."

Mga 5 p.m. na nang makaalis si Tita Garland. Sa wakas, tapos na ang buong hapon na pang-ookray nila sa akin. At least isa na lang ookray sa'kin. Si Ayumi. Umakyat na ako sa kwarto ko at dumungaw sa bintana. Hihintayin kong makasakay ng taxi si Tita.

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"Sir, telepono!"

"Wait lang!"

Riiiiiiiiiiiiiiiiiiing!

"Sir! Bilisan mo!"

"Anjan na!" Tumakbo ako pababa sa sala.

"Anak!" Si mama.

"Yes ma?"

"Naku, napansin mo ba 'yang scar sa gitna ng noo mo?"

"Oo ma. Napansin ko. Mula pagkabata. At anung kahindik-hindik na kwento naman nito?"

"Naku matutuwa ka sa kwento nyan. Paso ng yosi 'yan! At alam mo ba kung sino ang lasing na nakapaso nyan nung 7 1/2 months ka pa lang? Nacute-an kasi at nang kukurutin ka sa pisngi e nakalimutang may hawak na yosi!" Sabay halakhak.

"Sinong stepfather naman ngayon? Si Tito John? Si Tito Mike? Tito Ton? Tito Andrew, Ben, Gary? Sino?"

"Ang Tita Garland mo!"

Dali-dali akong lumabas ng gate para habulin siya.


Suddenly I See


"Kuya magreresign na po ako."

Eto ang pambungad sa'kin ng aking kasama sa bahay na si Manang (hindi tunay na pangalan). Alas-11 a.m. ng January 1 'yun. Puyat ang lahat dahil sa putukan the night before.

Kaya pala walang ka-expre-expression ang mukha niya kagabi habang nagsisindi ng sinturon ni hudas at fountain. Iniisip niya siguro kung paano niya iyon sasabihin sa akin.

"Kuya?"

Napatulala ako dahil shocked ako sa narinig ko at dahil na rin sa hangover ko.

"Ser Kokoi?"

Dali-dali nyang kinuha niya ang telepono at nagdial.

"Naku! Nakalimutan na namang uminom ng gamot ni ser! Anu na nga ulit number ng doktor niya."

"Huy manang! Anu ka ba? Dinadigest ko pa lang ung sinabi mo. Ibaba mo nga 'yang telepono."

"Kuya naman kasi bakit di ka nagrereply. Kanina pa 'ko kuya nang kuya, ser kokoi nang ser kokoi, deadma ka naman 'Kala ko kung ano na naman ngyari sa'yo. Naalala mo ba nung last time na-"

"Manang, pahanda naman ng breakfast." Sinadya kong putulin yung gusto niyang sabihin.

Nakuha niya ang ibig sabihin ng pagputol ko sa sinabi nya kaya ngumiti n lng siya at lumabas ng kuwarto. Pero bumulong ng "Wala namang nagbebreakfast ng alas onse e. Halos lunch na 'yun."

Yun si Manang, mahilig sumagot at magpatawa. Kahit na anung sabihin mo e merun at merong maisasagot. Sayang nga lang at magreresign na siya.

Nagflashback sa utak ko yung mga unang araw niya sa akin.

"Ser Kokoi, alam mo ang gwapu mo. Siguru andami mo nang naging gerpren no."

"Ha? Hindi a."

"Talaga?" Sabay isip nang malalim. "Aaaaah! Alam ko na. I got it. Don't worry ser. Madami akong kakilala sa showbusiness kaya ok lang yan."

"Talaga?"

"Oo ser. Madaming ganyan sa showbiz. Pero wag kang mahiya ser. I accept you. Group hug tayong dalawa. Lika."

"Hindi yun tinatanong ko Manang! I mean kung talagang marami kang kakilala sa showbiz!"

"Aaaah. Aysus oo ser, pero indirectly lang. Yung mga yaya actually kilala ko so parang ganun na rin yun in a sense."

Hindi ko alam kung nagpapatawa siya o kung totoo ang mga sinasabi niya. Tapos most of the time e sobrang prangka kung magtanong. Pero ok lang sa akin para at least e napapatawa niya ako paminsan minsan.

"Ser, sabi ng mga kapitbahay functional skitz ka daw. Anu yun? Pero nevermind, I don't care. Sabi ko sa kanila whatever. Mabait ka naman at hindi mo ako sinasaktan."

Ganun si Manang, always looking at the brighter side. Pero ang di ko makakalimutan e 'yung time na iniinterview ko pa lang siya.

"Ilang taon ka na Manang?"

"Naku Sir, I know I look old but don't let my looks deceive you. I am only 26 and happy to serve you everyday. Okay?"

"Ayos ka din Manang a. Ano nga pala gusto mo itawag ko sa'yo? Di ko kasi mapronounce 'tong name mo. Etye, etti..."

"Ser, it's E-tee'-ye-net M. Le-fe-vuhr, Ettienette M. Lefebvre"

"Hirap naman. Anu yung M?"

"Magdiwang sir. Pilipina ang nanay ko from Cebu. Yes, Bisaya ang nanay ko at ang tatay ko ay French. Sa makatwid, ako'y isang BISAYANG FRENCH. Taray 'di ba sir? Pero Manang na lang para hindi dumugo ang ilong at tenga nyo ser."

Mamimiss ko talaga si Manang.

Then after ko magbreakfast, or lunch e tinanung ko siya kung my nagawa ba akong hindi maganda or nabobore na siya sa akin. Sabi niya e "There's nothing wrong with you ser, except for the occassional.. alam niyo na" Sabay turo sa sentido. "But that's not the reason."

"Teka nga Manang sumusobra ka sa English. Dudugo na ears ko."

"Pardon me. Ang reason ko sir e"

"Mag-aaply ka sa call center dahil Maininggles ka?"

"Hindi po. Let me finish. Mag-aabroad po ako at duon mamamasukan plus meron pa akong hidden agenda. Sa France ako mamamasukan kasama ang tita ko at hahanapin ko na rin ang aking French dad. Pinabasa ko naman sa'yo ser 'yung sulat ko kay ate Charo di ba? Nangungulila ako dahil iniwan ako ng aking ama. Hinahanap ko ang kalinga ng isang ama. Na French."

Naintindihan ko naman kahit na may halong pagpapatawa. Since close kami ni Manang, e nagpatulong na rin ako maghanap ng kapalit niya. Sabi niya no problem at kinahapunan e dumating 'yung inirekumenda ng amo ng bestfriend niyang yaya sa kabilang gate lang. So, ininterview namin siya.

Kokoi: Anu pangalan mo hija?
Manang: Ser nakasulat naman sa Bio-Data o at andaling ipronounce. Ayumi Marcos Kinimoto. (then tingin sa nag-aaply) So i'm guessing you have Japanese lineage and Marcos, most probably from the Ilocos Region. I therefore conclude na ikaw ay isaaaang?

Kaming Tatlo: ILOCANONG HAPONESA!

Sa tingin ko ay magkakasundo rin kami ni Ayumi kaya pinaubaya ko na siya kay Manang na iTrain niya for 1 week at ituro ang mga gamot at dosage na kailangan kong inumin from time to time. Sinigurado ni Manang na memorized lahat ni ayumi ang mga yun bago siya tuluyang umalis.

Iyakan ang nangyari nang paalis na siya kahapon. Lungkot at saya ang naramdaman namin dahil bago na namang adventure to sa buhay namin. Of course, I wish Manang all the best! At bago siya sumakay ng taxi e may pahabol pa siyang message kay Ayumi.

"You know, a million girls would kill for that job."