Another Session With My Psychiatrist

Natapos na naman ang 1 hour session ko with my psychiatrist, Dra. Porgada. Halos 4 months na rin kaming nagwa-one-on-one and this time e sinabi nya na meron daw siyang nakikitang konting development sa situation ko. Yes, development, malapit na sa improvement.

Oo nga pala, nadiagnose ako na may Bipolar I Disorder. Nagkakaruon ako ng episodes ng hypomania, na kung saan bigla akong nagkakaruon ng sangkatervang kaisipan na nagreresulta ng sobrang pagka-irritable, and then i also suffer major depression, na kung saan ito ay self-explanatory.

Anyway, ang hindi alam ni Dra. Porgada e nagresearch ako kung paano sumagot nang tama sa mga tanong niya na kung saan e hindi niya mahahalata na inaatake pa ako ng aking alleged disorder. Yupyup! I did my homework. Nakuha ko na ang techniques at countertechniques ng mga psychologists na iyan. Simple lang siya actually. Pag may tinanong siya at gusto mong magsinungaling e tumingin ka lang ng diretso sa mga mata niya nang hindi kumukurap then sabihin ang kasinungalingan. Kyoray!

Dok: How are you feeling Kokoi?
Kokoi: (titig sa mata with a serious face) I'm doing great doc. (pause, then smile) How about you?
Dok: (titig din sa 'kin with a serious face) Good.
Kokoi: Good?
Dok: Yes, good.
Kokoi: Really, really good?
Dok: Stop it.
Kokoi: Sorry po.

So ganun lang ang technique at sigurado mapapaniwala mo na ang psychiatrist mo and i bet, bibigyan ka niya ng magandang report para sa employers mo.

Pero isa sa mga kinaintrigahan kong tanung e 'yung tinanung niya ako tungkol sa sex life ko. Aba, may hidden intention ba ito or talgang kasama sa procedure ang mga tanung na ganun? Nako, I hope na kasama to sa procedure dahil ayokong maging Mr. Kokoi Porgada in the future. And besides, haller? Hindi kami talo. I'm not a lesbian.

Dok: Now I am going to ask you personal questions and please answer honestly. OK?
Kokoi: Huh?
Dok: Kelan ka huling nag-isa? 'Yung nasa iisang kuwarto ka lang at walang kasama?
Kokoi: Ka...ka...kagabi po.
Dok: What were the things that you thought of during that time?
Kokoi: Dok, di ko yata kayang sagutin yan. Wla akong inisip na masama. (maintain eye contact)
Dok: I understand. (sabay sulat sa papel)

O 'di ba ang bastos? Pati ba naman 'yung ginagawa ko mag-isa at kung sino ang iniisip ko e gusto pa niyang malaman. Very unprofessional. I think that I am going to look for another psychiatrist and this time ayoko na ng babae. Di sila marunong umamoy. Sana lalaki ang irecommend ng clinic sa call center na pinagwoworkan ko. At dapat cute. Kahit kahawig lang ng ex ko na si Piolo Jose.

Yupyup! We went out for quite some time but it didn't work out. Masyado akong naging busy sa work ko at sobrang hectic ng schedule. Mawawalan lang ako ng time sa kanya. Kaya hiniwalayan ko na siya.

Kokoi: Magconcentrate ka na lang muna jan sa mini acting job mo. Tiis lang muna at kapag nakapag-ipun-ipon ako e kukunin kita at magsasama tayo. Huwag lang muna ngayon. I'm sorry.
PJ: No. Don't do this to me. Please!
Niyakap niya ako. Umiyak siya, pero napigil ko ang luha ko. Tumalikod na ako at nagsimulang naglakad papalayo.
PJ: Please! Don't do this to me!

Hinabol niya ako at niyakap ng napakahigpit. Alam kong napakahirap nitong pagdaraanan niya. Pero I stood up by my words. Kinaya ko.

Kokoi: (pabulong) Magkaruon ka naman ng kaunting pride sa sarili mo.

At patuloy na akong nagwalk-out. Pero hindi 'yun ang huli naming pagkikita...


11 comments:

meow said...

seryoso??? di nga?

Anonymous said...

eto bang particular entry na ito ay dulot ng alleged disorder mo? hehe. peace! :)

Kokoi said...

@meow- seryoso 'to. walang jowk. promise. cross my heart hope to die stick a needle in my eye.

@pao pielago- i think so. hehe. peace on earth too!

Unknown said...

hahah.. natawa ako sa post na to ah.. may resident psychiatrist ba sa call center nyo? sa'min kasi wala eh.. astig tong blog moah.. medyo green! bagay sa lay-out! hehe..

~Carrie~ said...
This comment has been removed by the author.
~Carrie~ said...

Happy new year, kokoi. Naaliw ako sa blog mo. Pangkomedi yung conversation mo with your psychiatrist. Nagmukha akong tanga sa workstation ko laughing at what I was reading. It's good to know you show the humorous side of your situation. I've never met or had a friend na bipolar. So, I'm ignorant of what you're going through. Pero love kita, ni-follow mo blog ko kahit crappy yun. Hehe. Saka, keep writing. All the best.

Kokoi said...

@mon- wehehe. wala pa clang resident psychiatrist dun e. pero kelangan nila un. madaming nabubuang dun dahil sa work! hehe..

@comment deleted- kmusta ka naman? hehehe

@carrie- naku, buti functional pa ko dahil sa kalagayan ko. ewan ko na lang kapag inatake ako ng occasional dissociative identity disorder or mas kilala sa tawag na multiple personality disorder! :-) lam mo di naman crappy blog mo e. and based on your profile picture e, love na din kita! hehe. happy new year too!

A.Dimaano said...

Parang ang dumi ni fafah Piolo sa pic. Me not like it! Hehehe =)

Kokoi said...

@mr. scheez- i like him sweaty and sticky and dirrty and...

Anonymous said...

XD ang cool nung tagline mo!

Magkaruon ka naman ng kaunting pride sa sarili mo.

(Question -- walang ulan factor?)

Kokoi said...

hehe. kung my ulan e sobrang napakadramatic na. Pero tama, mas okay kapag umulan! wehehe