Me and My Bitter Ex

Naglalakad ako papuntang Manhattan Mall galing sa Macy's sa 34th St. Pinapabili kasi ako ng pampalit sa nasira kong gripo at nauna kong naisip na pumunta sa Macy's dahil my discount sila ng up to 60% sa Bed&Bath section nila. Kaya lang naubusan pala sila ng stock ng gripo. Napabuntong-hininga ako. Sinabi ko na lang sa sarili ko na hanap na lang sa iba at napili ko ang Manhattan Mall.

Habang nagbabrowse ako sa mga do-it-yourself stores e napagod ako. Dami kasi ng choices compared sa Ace Hardware sa mga SM sa 'Pinas. Anyway, I decided to grab a bite muna ng all-time favourite American food, ang burger at softdrinks. But before i reach the counter at sabihin ang aking order e napatid ako sa paa ng isang mamang kumakain. Ayun! Nalaglag ang Nokia 6233 ko at nabuksan ang likod kaya natanggal yung battery. But I was not embarassed. Pinulot ko ang cellfone, then ang battery but before ko mapulot ang takip nito ay inunahan ako ng lalaking dahilan ng aking pagkapatid. Yup! Nagpakagentleman siya at inabot niya sa akin ang takip ng fone ko. Tiningnan ko siya sa mata para magpasalamat i mean magthank you pala pero nagulat ako nang makita ko ang blue eyes niya. Very familiar sa akin 'to. Napaisip ako for 7 seconds then naalala ko na. Siya si Buboi ang aking ex. 'Di maganda ang paghihiwalay namin nuon.

FLASHBACK

Date: October 30, 2006
Time: 3:45 p.m.

Place: Sementeryo sa Naguilian Road sa Baguio City

Buboi:
Kumusta naman ang lola mo? .

Kokoi: Ha? Ayan o inuupuan mo pa nga puntod niya.

Buboi: I mean bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay dito sa puntod ng lola mo!

Kokoi:
I'm sorry mahal. May binili lang ako sagllit.

Buboi:
'Yan ka na naman. Lagi ka na lang may dahilan! 1 and 1/2 hours na ako dito. Nanginginig na ako sa dilim! E kung bukas mo na sana binili 'yan para hindi na ako nag-antay. Anu ka ba naman mahal?

Kokoi:
(shocked!) (mamumuo na ang luha sa kaliwang mata) (then sa right)

Silence...


Buboi:
I'm sorry na mahal. Nainip lang ako sa paghihintay. Sorry at nasigawan kita. Hindi ko sinasadya.

Kokoi:
(hinga ng malalim sabay pilit na ngiti) Okay lang 'yun mahal. Kasalanan ko naman e. Sorry din.

Buboi:
Lika na sindihan na natin 'tong kandila at nang makapagdasal tayo at makauwi na.

After 4 minutes at naglalakad na pauwi...

Buboi:
Anu nga pala 'yung binili mo kanina at nalate ka?

Kokoi:
Eto. (sabay abot ng paper bag na brown) Para sa'yo.

Buboi:
Merienda?

Kokoi:
Tanga hindi! Buksan mo.

Buboi:
Contact lens? Na blue? Para saan 'to?

Kokoi:
Sasagutin ko ba 'yang tanong mo?

Buboi:
I mean bakit mo ako binilhan nito?

Kokoi:
Para bumagay sa costume mo sa pupuntahan nating costume party mamaya.
Buboi:
Tell me you're kidding.

Kokoi:
No! Talagang binili ko 'yan para sa'yo. Pramis!
Buboi:
Oh God! The costume party was yesterday! And we were both there! Don't you remember?

Kokoi:
What? Really? Tell me you're kidding.
Buboi:
Oh God! Nahihirapan na ako! Hindi ko na alam gagawin ko! Hindi ko na kaya 'to!

Binato niya sa akin yung brown na paper bag pero binulsa niya yung lens. Then walk out.


END FLASHBACK

Hindi 'yun 'yung dahilan ng paghihiwalay namin. Ambabaw naman. Kaya kami nagkahiwalay ay hindi ko na siya kinontak 2 weeks after nun. Naadmit na kasi ako sa Psych ward at nahihiya ako na itext yun sa kanya. Yun. Nagalit.

Ibinalik ko ang baterya at takip ng phone ko. Niyaya niya ako na sumabay sa table niya at kumain. Pero kunyaring tumanggi ako, sabi ko "Wait lang oorder lang ako." Then pagkakuha ko ng order e pumunta ako sa table nya at nagkuwentuhan kami. Nakisawsaw ako sa catsup nya ng fries na hiningi ko rin sa kanya.

Kokoi: 'Di pa ba expired 'yang contacts na binigay ko sa'yo?


Another Session With My Psychiatrist

Natapos na naman ang 1 hour session ko with my psychiatrist, Dra. Porgada. Halos 4 months na rin kaming nagwa-one-on-one and this time e sinabi nya na meron daw siyang nakikitang konting development sa situation ko. Yes, development, malapit na sa improvement.

Oo nga pala, nadiagnose ako na may Bipolar I Disorder. Nagkakaruon ako ng episodes ng hypomania, na kung saan bigla akong nagkakaruon ng sangkatervang kaisipan na nagreresulta ng sobrang pagka-irritable, and then i also suffer major depression, na kung saan ito ay self-explanatory.

Anyway, ang hindi alam ni Dra. Porgada e nagresearch ako kung paano sumagot nang tama sa mga tanong niya na kung saan e hindi niya mahahalata na inaatake pa ako ng aking alleged disorder. Yupyup! I did my homework. Nakuha ko na ang techniques at countertechniques ng mga psychologists na iyan. Simple lang siya actually. Pag may tinanong siya at gusto mong magsinungaling e tumingin ka lang ng diretso sa mga mata niya nang hindi kumukurap then sabihin ang kasinungalingan. Kyoray!

Dok: How are you feeling Kokoi?
Kokoi: (titig sa mata with a serious face) I'm doing great doc. (pause, then smile) How about you?
Dok: (titig din sa 'kin with a serious face) Good.
Kokoi: Good?
Dok: Yes, good.
Kokoi: Really, really good?
Dok: Stop it.
Kokoi: Sorry po.

So ganun lang ang technique at sigurado mapapaniwala mo na ang psychiatrist mo and i bet, bibigyan ka niya ng magandang report para sa employers mo.

Pero isa sa mga kinaintrigahan kong tanung e 'yung tinanung niya ako tungkol sa sex life ko. Aba, may hidden intention ba ito or talgang kasama sa procedure ang mga tanung na ganun? Nako, I hope na kasama to sa procedure dahil ayokong maging Mr. Kokoi Porgada in the future. And besides, haller? Hindi kami talo. I'm not a lesbian.

Dok: Now I am going to ask you personal questions and please answer honestly. OK?
Kokoi: Huh?
Dok: Kelan ka huling nag-isa? 'Yung nasa iisang kuwarto ka lang at walang kasama?
Kokoi: Ka...ka...kagabi po.
Dok: What were the things that you thought of during that time?
Kokoi: Dok, di ko yata kayang sagutin yan. Wla akong inisip na masama. (maintain eye contact)
Dok: I understand. (sabay sulat sa papel)

O 'di ba ang bastos? Pati ba naman 'yung ginagawa ko mag-isa at kung sino ang iniisip ko e gusto pa niyang malaman. Very unprofessional. I think that I am going to look for another psychiatrist and this time ayoko na ng babae. Di sila marunong umamoy. Sana lalaki ang irecommend ng clinic sa call center na pinagwoworkan ko. At dapat cute. Kahit kahawig lang ng ex ko na si Piolo Jose.

Yupyup! We went out for quite some time but it didn't work out. Masyado akong naging busy sa work ko at sobrang hectic ng schedule. Mawawalan lang ako ng time sa kanya. Kaya hiniwalayan ko na siya.

Kokoi: Magconcentrate ka na lang muna jan sa mini acting job mo. Tiis lang muna at kapag nakapag-ipun-ipon ako e kukunin kita at magsasama tayo. Huwag lang muna ngayon. I'm sorry.
PJ: No. Don't do this to me. Please!
Niyakap niya ako. Umiyak siya, pero napigil ko ang luha ko. Tumalikod na ako at nagsimulang naglakad papalayo.
PJ: Please! Don't do this to me!

Hinabol niya ako at niyakap ng napakahigpit. Alam kong napakahirap nitong pagdaraanan niya. Pero I stood up by my words. Kinaya ko.

Kokoi: (pabulong) Magkaruon ka naman ng kaunting pride sa sarili mo.

At patuloy na akong nagwalk-out. Pero hindi 'yun ang huli naming pagkikita...