Naglalakad ako papuntang Manhattan Mall galing sa Macy's sa 34th St. Pinapabili kasi ako ng pampalit sa nasira kong gripo at nauna kong naisip na pumunta sa Macy's dahil my discount sila ng up to 60% sa Bed&Bath section nila. Kaya lang naubusan pala sila ng stock ng gripo. Napabuntong-hininga ako. Sinabi ko na lang sa sarili ko na hanap na lang sa iba at napili ko ang Manhattan Mall.
Habang nagbabrowse ako sa mga do-it-yourself stores e napagod ako. Dami kasi ng choices compared sa Ace Hardware sa mga SM sa 'Pinas. Anyway, I decided to grab a bite muna ng all-time favourite American food, ang burger at softdrinks. But before i reach the counter at sabihin ang aking order e napatid ako sa paa ng isang mamang kumakain. Ayun! Nalaglag ang Nokia 6233 ko at nabuksan ang likod kaya natanggal yung battery. But I was not embarassed. Pinulot ko ang cellfone, then ang battery but before ko mapulot ang takip nito ay inunahan ako ng lalaking dahilan ng aking pagkapatid. Yup! Nagpakagentleman siya at inabot niya sa akin ang takip ng fone ko. Tiningnan ko siya sa mata para magpasalamat i mean magthank you pala pero nagulat ako nang makita ko ang blue eyes niya. Very familiar sa akin 'to. Napaisip ako for 7 seconds then naalala ko na. Siya si Buboi ang aking ex. 'Di maganda ang paghihiwalay namin nuon.
FLASHBACK
Date: October 30, 2006
Time: 3:45 p.m.
Place: Sementeryo sa Naguilian Road sa Baguio City
Buboi: Kumusta naman ang lola mo? .
Kokoi: Ha? Ayan o inuupuan mo pa nga puntod niya.
Buboi: I mean bakit ang tagal mo? Kanina pa ako naghihintay dito sa puntod ng lola mo!
Kokoi: I'm sorry mahal. May binili lang ako sagllit.
Buboi: 'Yan ka na naman. Lagi ka na lang may dahilan! 1 and 1/2 hours na ako dito. Nanginginig na ako sa dilim! E kung bukas mo na sana binili 'yan para hindi na ako nag-antay. Anu ka ba naman mahal?
Kokoi: (shocked!) (mamumuo na ang luha sa kaliwang mata) (then sa right)
Silence...
Buboi: I'm sorry na mahal. Nainip lang ako sa paghihintay. Sorry at nasigawan kita. Hindi ko sinasadya.
Kokoi: (hinga ng malalim sabay pilit na ngiti) Okay lang 'yun mahal. Kasalanan ko naman e. Sorry din.
Buboi: Lika na sindihan na natin 'tong kandila at nang makapagdasal tayo at makauwi na.
After 4 minutes at naglalakad na pauwi...
Buboi: Anu nga pala 'yung binili mo kanina at nalate ka?
Kokoi: Eto. (sabay abot ng paper bag na brown) Para sa'yo.
Buboi: Merienda?
Kokoi: Tanga hindi! Buksan mo.
Buboi: Contact lens? Na blue? Para saan 'to?
Kokoi: Sasagutin ko ba 'yang tanong mo?
Buboi: I mean bakit mo ako binilhan nito?
Kokoi: Para bumagay sa costume mo sa pupuntahan nating costume party mamaya.
Buboi: Tell me you're kidding.
Kokoi: No! Talagang binili ko 'yan para sa'yo. Pramis!
Buboi: Oh God! The costume party was yesterday! And we were both there! Don't you remember?
Kokoi: What? Really? Tell me you're kidding.
Buboi: Oh God! Nahihirapan na ako! Hindi ko na alam gagawin ko! Hindi ko na kaya 'to!
Binato niya sa akin yung brown na paper bag pero binulsa niya yung lens. Then walk out.
END FLASHBACK
Hindi 'yun 'yung dahilan ng paghihiwalay namin. Ambabaw naman. Kaya kami nagkahiwalay ay hindi ko na siya kinontak 2 weeks after nun. Naadmit na kasi ako sa Psych ward at nahihiya ako na itext yun sa kanya. Yun. Nagalit.
Ibinalik ko ang baterya at takip ng phone ko. Niyaya niya ako na sumabay sa table niya at kumain. Pero kunyaring tumanggi ako, sabi ko "Wait lang oorder lang ako." Then pagkakuha ko ng order e pumunta ako sa table nya at nagkuwentuhan kami. Nakisawsaw ako sa catsup nya ng fries na hiningi ko rin sa kanya.
Ibinalik ko ang baterya at takip ng phone ko. Niyaya niya ako na sumabay sa table niya at kumain. Pero kunyaring tumanggi ako, sabi ko "Wait lang oorder lang ako." Then pagkakuha ko ng order e pumunta ako sa table nya at nagkuwentuhan kami. Nakisawsaw ako sa catsup nya ng fries na hiningi ko rin sa kanya.
Kokoi: 'Di pa ba expired 'yang contacts na binigay ko sa'yo?