And She's Gone

"Anak, alam mo nung high school ako nagkaruon ako ng relationship with a lesbian."

Eto yung first na shocking news na narinig ko kay Mama. First year college pa lang ako that time. Nasa stage ako na nagkoconfuse-confuse-an about my sexuality. Of course very traumatic ito sa akin.

"I hope na maiintindihan mo ako tsaka isa pa, sino ba naman ang hindi nag-experiment nung high school?"

"Oo Ma, pero dapat di mo na sinabi sa akin yan. Eeeeesh!"

"Sinasabi ko sa'yo to dahil alam kong maiintindihan mo ako. Homophobic ka ba anak?"

"Hindi, Ma. Oversharing ka naman kasi. I didn't need to hear that."

"Anak naman."

"Okay, Ma. Since nagsheshare ka na rin, may sasabihin ako sa'yo. Halos parehas nung sinabi mo."

"OMGosh anak! Nakipagrelasyon ka sa isang lesbian?"

"Ma, kung magjojowk ka e magwo-walk out na ako."

"Okay, so you dabbled in high school? With whom? Yung barkada mong si Francisco Jose? Yung bestfriend mong si Antonio Miguel? O si Pedro Juan?"

"Yes."

"Anung yes? Yes sa lahat?" sabay halakhak.

Tama siya pero may namiss pa siyang dalawa.

"Okay anak, may ipagtatapat ulit ako sa'yo."

"OMG, Ma. If it's something that i don't wanna hear e wag na lang. Please!"

"I lied."

"About what?"

"I never had a lesbian encounter."

"Gago ka, Ma!" tumawa siya.

"Okay, Ma, hindi totoong nakipaglandian ako sa lalaki nung high school."

"Of course anak. Hindi ka nakipaglandian sa kapwa mo boys nung high school. Lalaki ka di ba? Kaya ka nga may mga gay magazines sa ilalim ng kutson mo e." Humalakhak siya ulit.

After nung pag-uusap namin e nagkulong ako sa kwarto ko. Nainis ako sa kanya kasi hindi nya dapat pinapakialaman mga gamit ko. Inisip ko that time na kumuha ng sarili kong apartment pagka-graduate ng college.

Kumatok si Kuya Jack. Hindi ko sana papapasukin kaya lang sabi nya e importante raw.

"Kuya, napaamin ako ni Mama." Kaming magkapatid lang ang nakakaalam ng sikreto namin that time. Well, yun ang alam ko.

"Did she tell you na nagkaruon siya ng lesbian lover nung high school?"

"Pano mo nalaman?"

"Ganun din yung sinabi nya sa akin nung napaamin niya ako."

"Teka, teka. Alam na din ni mama na pati ikaw?"

"Oo, last year pa. Pero di ko sinabi na pati ikaw."

Natatawa kami habang umiiyak nung pinagkukwentuhan namin ito mga 3 weeks ago. Si Ayumi, nakikitawa/iyak din. Para kaming mga baliw. Dumating din ang mga kamag-anak namin na nagtataka kung bakit kami tumatawa. Kumpleto mga barkada ko, ChiChi, MacMac, BonBon, at kung sinu-sino pa.

'Yung mga nakakatawang pangyayari at pag-uusap lang sa buhay ko ang mga ikinukwento ko dito sa Blog ko. Para s akin kasi e marami na nga tayong problema sa mga buhay-buhay natin tapos problema pa mababasa mo, e good luck na lang sa wrinkles na makukuha mo kakasimangot. Life is supposed to be fun. Hindi naman lagi but i choose to focus more on the brighter side of life.

At dahil sa sinabi kong yan, eto ang last sentence ng entry na 'to,

"Goodbye Mama! I love you and I will miss you! Ikumusta mo 'ko kay God! Magkikita rin tayo ulit someday! Mwah! Text text! :')"

21 comments:

Jepoy said...

Na lungkot ako sa dulo...

My condolences :-(

~Carrie~ said...

Para ka namang Dolphy magpatawa, laging may crayola factor sa huli!

*Hugs*, Kokoi. My condolences

Jepoy Dacuycoy said...

i super love this entry though nakakalungkot yung sa huling part. :(

lucas said...

no matter how happy you made the ending, it made me feel the opposite. T_T

Yj said...

given how you turned out to be? always looking at the brighter side of life, i could only imagine what a remarkable woman your mom was....

hugsies Kokoi....

pseudoleebieme said...

naiyak ako...*sigh*

Anonymous said...

it was suppose to be funny pero naiyak ako. it was quite a struggle for you to bring out the bright side of it. the sadness was actually quite overwhelming.

my condolences... God bless!

Tristan Tan said...

First time ko dito at mukhang babalik pa ko.

Anyway, natatawa ko sa entry na to. It took me a while to realize what happened. Napanganga ako. Natulala. Hanggang ngayon, speechless pa din ako.

Tama na. Mamaya na ulit. Naiiyak na ko.

raiChie_0823 said...

over... ang saya nung simula tapos pinaiyak mo ako sa dulo.. in fairness magaling magpaamin si inay..

my condolences kokoi... huggsss .. God bless u

karla said...

so sorry to hear this...she must have been a great lady...condolence koi...hugs.

gege said...

eeee.
kainis...


love your STRENGTH!!!

condolence.

kakatuwa ang iyon inay...
kaya ka siguro nakakatuwa rin.

Godbless!
:P

Gram Math said...

how i wish i had a mom like yours.
your such a one lucky kid.

Renz said...

aw
my condolences for your mom

Kane said...

Kokoi,

In the end, there is nothing to be sad about. You had each other in the time that was given, and you apparently shared a lot of joy together. =)

Hug
Kane

Nimmeru@yahoo.com said...

Condolence...

You're such a lucky kid to have a funny and accepting mom! Si God naman ang pinapatumbling ng mama mo sa heaven. :)

Null said...

awwwww.... im sorry....

natawa ako sa post mo pero bigla akong nalungkot...

condolence...

Kapitan Potpot said...

Condolence Kokoi... I am glad that someone like you can still be optimistic with life despite all the misgivings and challenges you are facing. :)

Aris said...

friend, siguro masyado akong naging busy kaya i missed reading this post. i'm so sorry. my condolences.

ikotoki said...

Ugh. Nalungkot akoooooo! At tumawa! Naluka ako. Haha

Condolences.

BUJOY said...

grabe you're so great. idol kita. ang galing mong mang-captured ng attention, I just saw your blog today and parang ayaw ko na umalis sa kinauupuan ko.

nice entry eto, for sure tuwang-tuwa ang nanay mo sayo.

anyway parang ang sarap magkaroon ng ayumi din sa buhay ko. lol.

Diwata said...

naloka ako sa nanay mo. napaka-effective nang style nya manghuli ng bading ha.. lol may she be at peace.