Life Goes On

"Tama na ang iyak Ser, mukha ka ng bilasang bakla!"

Palabas kami ng simbahan nila Ayumi. Kakatapos ng misa para sa 40 days ni Mama. Medyo nagsink-in na sa akin ang mga nangyari kaya nagsisimula na ang healing process.

Wala akong ganang mamasyal or kumain sa labas.

"Sorry, Koi pero may importanteng client ako na imimeet. Next time na lang." ibig sabihin meron na namang ka-SEB na silahis si ChiChi. Napangiti na lang kami.

"Ikaw, MacMac?" Tanong ko.

"May appointment ako sa dentist ko."

"Alam ko kung ano gagawin mo!" nakangiting sabat ni Ayumi.

"Okay, mukhang joke yan. Sige, shoot!" sagot naman ni Mac.

"IpapaPasta mo yang pustiso mo! Bwahahhaha!"

Naghalakhakan sila. Napangiti lang ako dahil mga apat na beses na niyang ginamit yung joke na yun kay MacMac.

Magtatanghali na nang makarating kami ni Ayumi sa bahay. Parang antagal ring nabakante ng bahay. Hindi ko naisip kung pano babalik ang sigla ngayon.

"Naku Ser!"

"Bakit?"

"Ikaw ang huling nagsaing 'di ba?"

"Oo, bakit?"

"Hindi mo natakpang mabuti ang lalagyanan ng bigas! Nagmoisture kaya ayan! Nasira!" nagpause siya saglit tapos biglang napangiti. "Ser, ibig sabihin...."

"Bibili ka sa tindahan?"

"Hinde! Think ser, think!!" pinipigil na niya ang tawa ngayon.

"Okay, sige basta hindi korny yang joke na yan e papatulan ko. Sabihin mo na at baka mautot ka kakapigil ng tawa!"

"Ser, ibig sabihin... Meron tayong... Grain Damage!"

G
usto ko siyang batuhin ng newspaper na binabasa ko pero nakaisip rin ako ng kakornihan.

"Uy! Anung balita 'to? Katulong pinatalsik ng amo dahil sa mga korning jokes!"

"Ah, ganun pala Ser." Pinulot ng takip ng rice cooker at nagkunyaring dyaryo yun. Biglang nagbago ang expression ng mukha nya na parang may nabasang nakakagimbal.

"Eto Ser! Katulong na wais. Isinawsaw ang toothbrush ng amo sa inidoro bago umalis ng bahay!"

S
yempre di ako papahuli.

"Katulong na inagawan ng boyfriend ng amo, nagpatiwakal!"

A
t siya din hindi rin papahuli. Kontest na ito!

"Katulong na maganda, nadiscover ng Star Cinema, sumikat! Ang dating among bading, katulong na niya ngayon!"

"Katulong na 'di pantay ang pagkakabunot ng kilay, madedelay ng isang buwan ang sahod!"

"Katulong na mahaba ang long hair, hindi na papayag harvestin ang Farmville ng amo!"

"Katulong, bumili ka na ng bigas!"

"Katulong..." napaisip siya ng konti. "A ok ser, wait lang." ibinalik ang takip ng rice cooker. "Ituloy natin pagbalik ko at may naisip pa akong dalawa. hehe."

Nakalimutan na naming ituloy yun pagkabalik nya. Ako e tumitingin na ng mga lumang pictures with my Mama kaya teary eyed na ko. Of course napansin ito ni Ayumi. Walang di nakakalampas sa mata, pandinig at pang-amoy nya.

"Ser, anung favorite mong color?"

"Green. Bakit?"

"Hmp! Boring. Andaling i-spelling. Ako Ser, tanungin mo." Nakita ko sa mata nya ang excitement. "Sige na Ser, dali!"

"Okay, anung favorite color mo?" tanong ko hoping na may improvement ang joke.

"Fee-yoo-sha!" sabi nya. Shet, yun na nga yung joke na iniisip ko kaya ang naisagot ko na lang e "Okey."

"Ipa-spell mo sa akin Ser!"

"Okay, spell mo."

"Ay Ser wag na lang pala. Red na lang."

Nakatitig ako sa kanya. Tapos mukhang hinihintay niya akong tumawa. So okay, para sa effort nyang pasayahin ako, tumawa na ako para na rin hindi sya mapahiya.

Sumabay siya ng tawa.

"Kaw talaga Ser! lumang joke na 'yun e natawa ka pa! Korny ka talaga!"

Sinubukan kong magpakapositive at strong since after that tragic day. Ang okrayan ay hindi pa rin nawawala. Itinuturing ko na nga siyang tradisyon e.

Medyo napabayaan ko ang aking online accounts dahil dun. Nagsilantaan na rin ang mga crops ko sa Farmville pero okay lang kasi narating ko na ang maximum level, thanks to Ayumi.

Ako, balik na sa trabaho ngayon. Si Ayumi, balik sa pang-ookray at pakikipagtsismisan. Ang kuya Jack ko, bumalik na rin ang dating sigla. Halos lahat ay bumabalik na sa dati. At siyempre, ang Blog ni Kokoi, nabuhay na ulit at hoping na mas mapapadalas na ang pagbaBlog!

P.S. Maraming salamat sa mga condolences niyo my dear readers! Namiss ko kayong lahat!