"Anak, alam mo nung high school ako nagkaruon ako ng relationship with a lesbian."
Eto yung first na shocking news na narinig ko kay Mama. First year college pa lang ako that time. Nasa stage ako na nagkoconfuse-confuse-an about my sexuality. Of course very traumatic ito sa akin.
"I hope na maiintindihan mo ako tsaka isa pa, sino ba naman ang hindi nag-experiment nung high school?"
"Oo Ma, pero dapat di mo na sinabi sa akin yan. Eeeeesh!"
"Sinasabi ko sa'yo to dahil alam kong maiintindihan mo ako. Homophobic ka ba anak?"
"Hindi, Ma. Oversharing ka naman kasi. I didn't need to hear that."
"Anak naman."
"Okay, Ma. Since nagsheshare ka na rin, may sasabihin ako sa'yo. Halos parehas nung sinabi mo."
"OMGosh anak! Nakipagrelasyon ka sa isang lesbian?"
"Ma, kung magjojowk ka e magwo-walk out na ako."
"Okay, so you dabbled in high school? With whom? Yung barkada mong si Francisco Jose? Yung bestfriend mong si Antonio Miguel? O si Pedro Juan?"
"Yes."
"Anung yes? Yes sa lahat?" sabay halakhak.
Tama siya pero may namiss pa siyang dalawa.
"Okay anak, may ipagtatapat ulit ako sa'yo."
"OMG, Ma. If it's something that i don't wanna hear e wag na lang. Please!"
"I lied."
"About what?"
"I never had a lesbian encounter."
"Gago ka, Ma!" tumawa siya.
"Okay, Ma, hindi totoong nakipaglandian ako sa lalaki nung high school."
"Of course anak. Hindi ka nakipaglandian sa kapwa mo boys nung high school. Lalaki ka di ba? Kaya ka nga may mga gay magazines sa ilalim ng kutson mo e." Humalakhak siya ulit.
After nung pag-uusap namin e nagkulong ako sa kwarto ko. Nainis ako sa kanya kasi hindi nya dapat pinapakialaman mga gamit ko. Inisip ko that time na kumuha ng sarili kong apartment pagka-graduate ng college.
Kumatok si Kuya Jack. Hindi ko sana papapasukin kaya lang sabi nya e importante raw.
"Kuya, napaamin ako ni Mama." Kaming magkapatid lang ang nakakaalam ng sikreto namin that time. Well, yun ang alam ko.
"Did she tell you na nagkaruon siya ng lesbian lover nung high school?"
"Pano mo nalaman?"
"Ganun din yung sinabi nya sa akin nung napaamin niya ako."
"Teka, teka. Alam na din ni mama na pati ikaw?"
"Oo, last year pa. Pero di ko sinabi na pati ikaw."
Natatawa kami habang umiiyak nung pinagkukwentuhan namin ito mga 3 weeks ago. Si Ayumi, nakikitawa/iyak din. Para kaming mga baliw. Dumating din ang mga kamag-anak namin na nagtataka kung bakit kami tumatawa. Kumpleto mga barkada ko, ChiChi, MacMac, BonBon, at kung sinu-sino pa.
'Yung mga nakakatawang pangyayari at pag-uusap lang sa buhay ko ang mga ikinukwento ko dito sa Blog ko. Para s akin kasi e marami na nga tayong problema sa mga buhay-buhay natin tapos problema pa mababasa mo, e good luck na lang sa wrinkles na makukuha mo kakasimangot. Life is supposed to be fun. Hindi naman lagi but i choose to focus more on the brighter side of life.
At dahil sa sinabi kong yan, eto ang last sentence ng entry na 'to,
"Goodbye Mama! I love you and I will miss you! Ikumusta mo 'ko kay God! Magkikita rin tayo ulit someday! Mwah! Text text! :')"