Platinum Blonde ang buhok ni Ayumi nang makita ko siyang bumababa mula sa bus.
Yes, ang bida sa Blog Ni Kokoi ay bumalik na! Hmp!
Gusto ko talaga siyang yakapin pero napatunganga lang ako, nakapamewang at nakataas ang kilay. Parang ayoko siyang pasakayin sa sasakyan ni Mama. Si Mama na nga mismo ang nag-alok na ipahiram yung sasakyan nya para masundo ko siya. Suspetsa ko nga e mas espesyal na siya kay Mama kesa sa akin. Hmp!
Tumango siya, at gamit ang kanyang nguso, tinuro nya ang isang malalaking sako bag na ibinaba ng kunduktor ng bus. Siyempre binuhat ko at inilagay ko sa trunk ng sasakyan. Hmp!
Tabi kami at wala akong balak i-start ang sasakyan hangga't 'di niya ipinapaliwanag ang kanyang buhok.
Tiningnan ko siya at tinaasan ulit ng kilay pero nakatingin lang siya sa harap na parang I don't exist.
"Ehem, ehem, ehem!" kako.
Nagbuntong-hiniga siya at naglabas ng napakalaking shades. Tumingin siya sa akin saglit with a very straight face and a vacuous stare, umirap then tumingin ulit sa harapan at isinuot ang shades.
"Inggit..................ka lang." Malumanay niyang sabi.
Oo, simula na naman ang kakulitan namin. Gusto kong sakyan ang kalokohan niya pero di ko pa kinaya.
"I missed you!" kako with a sincere smile.
Bumuntong-hininga ulit siya and then sumigaw ng "GO!"
Natawa ako ng malakas pero pinipilit pa rin niyang mag-stay sa character niya.
"O asan na ang disco stick mo?"
Humalakhak siya.
"Gago ka Ser! Yung sa The Devil Wears Prada ang ginagaya ko, hindi si Lady Gaga!"
Tinanggal niya ang wig at pinasok sa bag. Gusto kong hiramin 'yon at magpipipipicture para sa fezbuk ko. Hehe.
Dumaan kami sa Jollibee-Session para maglunch. Habang nakapila kami sa counter e nagsimula akong magkwento tungkol sa mga nangyari habang wala siya pero tinatapos naman niya ang lahat ng sentences ko.
"Ser, just in case na hindi mo pa napapansin e updated na ako sa lahat ng cheesewhiz dito."
"Okay, so wala tayong pagkukuwentuhan. Take out na lang tayo. Hmp!"
"Ser pwede ba ko magpahinga pagkarating sa haus kasi medyo pagod ako sa byahe?"
Hindi ko alam ang status ng emotions niya about sa happenings before she left so hindi ko na muna inOpen yung topic. Syempre nagjoke na lang ako.
"Bakit? Ikaw nagdrive ng bus? Ikaw nagkunduktor?"
Naintindihan nya na 'Oo' ang sagot ko.
"Yaan mo Ser, pagkagising ko e ituturo ko sa'yo yung tamang dance steps ng Bad Romance."
Pagkarating namin sa bahay e idiniretso ko yung sako bag sa kwarto nya. Naligo ako at nagprepare papuntang work. Kumatok siya sa kwarto at may inabot siyang paper bag.
"Pasalubong ko po."
Binuksan ko at natuwa naman ako.
"Sensiya Ser ha? Sinukat ko muna. Hehe."
Para sa akin pala 'yung puting wig na ginamit nya.
"I missed you too, Ser!"