"Dugyot! Ikaw na ang pinakadugyot na taong nakilala ko!"
Si Ayumi may kaaway sa phone.
"Oo na! Dugyot Ako! Dugyot ka, Dugyot tayong lahat! Hindi ako makapaniwalang nagpakadugyot ako sa kadugyutan mo! Ang dugyut-dugyot mo!"
Imagine, it's 6 a.m.! Pero I know na may prublema siya kaya gusto kong nanduon ako for Ayumi once na tumulo ang luha niya. Gusto ko siyang icomfort kahit kahit di pa siya ready na sabihin na buntis siya.
"Tanga! Gago! Dugyot! Tarantado! Dugyot! Walanghiya!"
At bago pa niya sabihin ang pangatlong 'Dugyot' sa sentence na iyon ay lumabas na ako ng kuwarto.
"So how do you like your eggs Madam K?"
I was wearing a pink pyjama top at that time kaya niya ko natawag na Madam. But don't worry, I was also wearing a dark black na shorts para hindi masyadong effeminate.
"Sinong kaaway mo?"
"What? Oh that? Ha. Ha. Ha. Narinig mo 'yon?" 'Yung haha niya ay walang kasigla-sigla.
"Hindi. Normal lang naman akong magising ng alas-sais. You know, besides the usual 8am kung saan araw-araw na nakaset yung alarm clock ko."
"Ah! Yung Spongebob na alarm clock mo! Ang cute non!"
"That's not the topic!"
"Ah! Ha ha! You are so funny! Ha ha!" wala pa ring sigla ang tawa niya. "I was just rehearsing for a play!" Kumunut noo ko. "So ano ser, ipagluluto kita ng adobo?"
"Akala ko ba itlog?"
"Ano ka ba naman Sir Kokoi, morning breath at paa mo ay amoy itlog na tapos 'yun pa gusto mo agahan?"
I promise, hindi ako amoy itlog. It's something else. Hehe.
"Magpatugtog ka kaya ng..."
"Wonder Girls?" sabat niya.
"No. Laos na yon."
"2NE1?"
"Hinde!"
"Okay, tao ba ito? bagay? lugar na matatagpuan sa Pilipinas?"
"Gaga!"
"Lady Gaga?"
"Hindi. Teka iniisip ko!"
"Beyonce? Rihanna?"
"No! No! No!"
"Para sa'n 'yung pangatlong No?"
"Sa susunod na guess mo!"
"Uhmmmm. VST and Company? Nyahahah." Tumaas lang kilay ko.
"I know na Sir. I so, so, so got it!"
"Ano?"
"Soundtrack... ng Lord... of The Rings!"
Tama ang hula niya.
"Pakihanap na lang Ser at magluluto ako ng agahan."
Ako ang nag-utos pero ibinalik sa akin. Galing ng yaya ko 'no?
"So, galit ka pa rin ba dahil nasira ni Ondoy ang ibang gamit mo lalung-lalo na ang bayo laptop mo?" Napaisip ako konti.
"Vaio." kako na lang dahil iimbiyernahin na naman ako nito kapag nilecturan ko to sa pronunciation.
"Yun nga, tapos ang iba pang mga damit mo at ang pinakamahalaga sa lahat ang mga M2M magazines mo!"
Biglang dating nila Mama at Tito Arie, Bago n'yang BF.
"Ano'ng mga mgazines?" sabat ni Mama.
"Wala yon." sagot ko habang hinahanap 'yung CD.
"Kowt, educational magazines, kowt." sabi ni Ayumi. Yun ang quote, unquote niya.
"Aaaah. Magazines ng mga hubad na lalaki. What about them?" si Mama.
"Nasira po ni Ondoy, Ma'am."
"Anak, isipin mo nga nangyari sa Maynila! Sa mga nasalanta ni Ondoy! Magasin lang yun anak! Yung iba nga e nawalang ng tirahan at kapamilya!"
Okay, that made me less frustrated.
"Yaan mo anak, papahiram ko sa'yo mga magazines ko!"
"Wait, that is sweet but so so so gross at the same time. Wag na." sagot ko with disgust.
"So anyway," sabi ni Ayumi "napasok na rin si Ondoy sa usapan, suggestment ko lang Sir Kokoi, ba't di mo idonate ang kahit isang buwan na sahod mo sa mga nasalanta para at least pasilipin ka man lang ni San Pedro sa gates ng langit pag pumanaw ka na?"
"That's a great idea!" kako "But I have a better one, what if i-donate ko ang isang buwan na sahod mo... ang mga damit mo... and then, para makapasok ka sa gates ng langit, e ipadala na rin kita kasi kailangan nila ng manpower duon! What you think? Ha?"
Natahimik siya saglit. Siyempre nag-isip ng counter-attack.
"Lalagyan ko ng maraming vetsin itong itlog na kakainin mo para bumula ang bibig mo. Bwahahaha!!! Aray!"
Binato ko siya ng remote.
"Teka, nasabi ko ba yun ng malakas?" palusot niya.
"Akala ko ba mag-aadobo ka?"
"Ayoko ng adobo! Ang dugyot dugyot nyang tingnan! Dugyot ka!"
Nagkatinginan kami ni mama. Alam naming may problema siya.
Tahimik kami hanggang sa makapaghain siya.
"Ayumi," malumanay kong pagsabi "Alam ko na ang lahat. Buntis ka at ayaw panagutan ng nakabuntis sa'yo tapos naghahanap ka ng paraan para sabihin sa akin na kailangan mo na umalis."
"Okay sir. Sasabihin ko na." Pagbubuntong-hininga niya.
"Alam ko na nga e. Anu ka ba. Kakasabi ko lang! Are you listen?" Pagpapatawa ko.
Tumingin siya sa bintana sa may kaliwa niya.
Tumingin din kaming lahat dahil akala namin ay may dumaan.
'Yun pala gusto niyang magsalita na hindi tumitingin sa mga mata namin.
"Ectopic pregnancy. Kailangan daw ng tubal abortion."
Nangingilid na ang luha niya.