"Anim na linggo ka nang nakahiga jan at umiiyak.
Masakit, alam ko. Hindi naman ibig sabihin e hihinto na ang pag-ikot ng mundo
mo. Kasalanan mo naman kasi. Tsaka
‘langya, Ser! Maligo ka naman!
Magtoothbrush. Magpalit ng brip. Then saka ka bumalik jan."
"Ano'ng gagawin ko sa singsing na ito?"
"Ser, wala namang kinalaman ang singsing na yan at alam
na alam mo kung ano ang isasagot ko sa tanong mong yan."
"Hindi ko sya pwedeng isanla o ibenta, 'Yumi!"
"I know, Ser. Kahit mukha kang pera at sakim e
hinding-hindi mo magagawa 'yan. May moral ka!"
Nginitian ko sya.
"Kaya amina ‘yan. Wala akong moral kaya ako na ang
magbebenta nyan!"
"Hampaslupa! Wag! Ilalagay ko sa X-Box* yan!"
*X-box, noun (pl. exes’s-box). Kahon na lalagyan ng mga
gamit na may kinalaman sa ex, real or imaginary. Maaaring gawa ito sa hard
plastic, bakal, kahoy or kung isa kang dukha, karton. (In my case, karton ng
pekeng brand ng sapatos).
Tama si Ayumi. Panahon na para makita ko ang liwanag ng
sunshine. In fairness nagtagal din kami ng recent ex ko. Halos kalahating taon!
Kaya nasaktan ako. Hindi ko naman kasalanan kung mapusok* ako sa age na ito.
*Mapusok, adjective. Haliparot, lantod, malandi, popokpokin,
mamagdalenahin.
No, I did not cheat on him... that much...
It happened sa isang bar dito sa Baguio. Inuman, sayawan,
aurahan. Oo, nagwawala ako sa dance
floor pero hindi para mang-akit, manguha ng attention or something. I was there to shake the stress away.
Masaya ang gabi with my friends ChiChi, BonBon, MacMac, at
Tomtom. Lunod sa music, pantanggal
talaga ng stress. Pero nang tumugtog ang classic Madonna hit na Vogue, nabuhay
lalo ang katawang lupa ko. I was so happy and then suddenly may gwapong guy na
nakisayaw sa akin. Since na-establish na natin ang kapusukan ko at kakasabi ko
lang na gwapo ang guy, nakipagsayaw ako at lahat ng kalaswaan ay bumuhos sa
dance floor.
At nang malapit nang matapos ang kanta, he kissed me. I'm
not blaming the alcohol pero i kissed back. Shet!
No, hindi ko inuwi yung guy para magsomething-something.
Kiss lang.
Magkakasunod na malalakas na sapok ang tinanggap ko courtesy
of my firends. Yes, I deserved it. I know that my friends love me kaya nila
ginawa 'yun. Hindi dahil sa nakagawian na nila kundi dahil sa mahal nila ako.
Morning after that, napagdesisyunan ko to come out clean.
Not because nakita ko sa bar na yun ang mga barkada ni Popoi at may chance na magsumbong ang mga friends ko
kundi dahil sa meron akong moral. Capital Lol.
…
Nakaupo kami sa kama habang ako ay nagkoconfess, nagsosorry,
humihingi ng tawad. Umiiyak lang sya. Ako rin.
"Ayumi! Huwag ka nga'ng makinig dyan!" narinig ko
kasing may kumaluskos sa kabilang panig ng pinto.
"Hindi naman ako nakikinig! Nagpupunas lang ako!"
"Ng pinto?" sigaw ko.
"Oo, ng pinto!" sabay malalakas na hakbang then
pa-hina nang pa-hina, kunyaring papalayo.
"Letche, nakikita namin anino mo sa pinto!"
Dedma lang si Popoi. After nun e nagpaalam na siya sa akin.
Si Popoi, hindi si Ayumi. Kinuha nya yung pink na Bench underwear niya sa
drawer. Then nagpaalam sa mga wigs ko at sa mga pusang stuffed toys. Ewan, pero
para sa akin e sweet yun kasi sinakyan nya ang mga kabaliwan ko.
"Pwede bang saka mo na lang kunin 'yung Boracay na
t-shirt mo?"
"Bakit?"
"Di pa kasi nalalabhan mula nung ginamit natin pamunas
ng..."
"Okay, sige." Napangiti siya then umalis.
Napangiti rin ako, with tears nga lang.